Chapter 20: Leader of the Four Armies (Ang Pinuno ng Apat na Hukbo)

3.4K 147 107
                                    

"If you desire peace, you must prepare for war!"

-Karma, League of Legends


Isang lumang plaka ang pinapanood ni Johan habang ito ay paikot-ikot sa isang maliit na kahon. Maririnig naman sa paligid ang isang malungkot, madilim at tila nakakatakot na tunog ng isang klasikong musika. Tumingin siya sa paligiad at nakita niya ang kanyang sarili na nakaupo sa isang eleganteng upuan.

Tila antigong kahoy ang mga paa ng upuan na iyon at nababalutan naman ang sandalan at inuupuan nito ng kulay pulang kutsyon. Madilim sa paligid ngunit nakikita niya ang unti-unting pagliwanag ng kapaligiran.

Sa kanyang harapan ay naaaninagan nya ang kanyang ina. Nakaupo rin siya sa kaparehong disenyo ng upuan kung saan siya naroon. Nakatalikod ito sa kanya, hindi man niya makita ang kanyang mukha ay alam niya pa rin na ang sariling ina ang kanyang nakikita dahil sa kulay asul na tila mamahaling damit nito.

Sinubukang tumayo ni Johan sa kanyang kinauupuan, napangiti siya at tila namamangha habang tinititigan ang kanyang nakaupong ina. Sinubukan niyang humakbang gamit ang kanyang kaliwang paa ngunit dumilim nang bahagya sa malaking kwartong iyon. Unti-unti ay nabalot ng anino ang paligid.

"M-ma?" tanong ni Johan.

Isang ngisi naman mula sa kanyang ina ang kanyang narinig. Nagtaka ang binata dahil umalingawngaw sa kwartong iyon ang kanyang boses. Tila wala sa totoong mundo ang binata. Patuloy naman sa pagtugtog ng nakakatakot na himig ang lumang plaka na nasa kanyang tabi.

"M-ma? Kayo po ba yan?" tanong muli ng binata.

Dahan-dahan namang hinarap ng babae ang kanyang mukha, bahagya lamang siyang nakatagilid at tila may tinitingnan sa kanyang kanan. Tiningnan naman ni Johan ang tinitingnan ng kanyang ina. Nakatingin ito sa mga rosas sa maliit na hardin na nahaharangan ng salamin.

Ang maliit na ilaw sa loob nito ay unti-unti namang namamatay. Napakunot na lamang ang noo ng binata nang makitang unti-unti ring namamatay ang mga rosas na inaalagaan ng kanyang ina.

Muling humarap si Johan sa kanyang ina ngunit laking gulat niya nang makitang ang mukha ng kanyang ina ay halos isang pulgada na lang mula sa kanyang mukha, halos mapunit pa ang bibig nito dahil sa labis na pagkakangiti. Nakatitig lamang siya sa kanyang mga mata na tila ba naninindak. Hindi naman nakakilos si Johan dahil sa labis na takot. Ilang segundo pa ay ibinuka ng kanyang ina ang kanyang bibig. Isang kamay naman ang unti-unting pumupulupot sa leeg ng kanyang ina, nangingitim ang kamay na iyon at tila nangungulubot pa ito. Matalim din ang mga kuko ng bawat daliri nito at nagbabanta itong sasakalin ang kanyang ina.

Tumawa naman ang kanyang ina habang nakatitig sa kanya at sinasakal ng kamay na humahawak sa kanyang leeg. Nagsimula namang bumagsak ang dugo sa kanyang leeg ngunit patuloy pa rin siyang tumatawa. Ipinikit na lamang ni Johan ang kanyang mga mata, alam niya sa kanyang sarili na bangungot lamang ang lahat.

Nang hindi niya na marinig ang pagtawa ng kanyang ina ay muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasa loob pa rin siya ng kwartong iyon ngunit wala nang ibang tao kundi siya. Nakatigil na rin ang pag-ikot ng plaka at ang nakakatakot na tugtog na kanyang naririnig.

Sinubukan niyang maglakad patungo sa inupuan ng kanyang ina. Walang naiwan na kung anuman sa upuan na iyon kaya't tumalikod siya. Laking gulat niya na lamang nang makita ang kanyang ina na nakasunod lamang pala sa kanya.

Nakangiti pa rin ito at nanlalaki ang mga mata. Naging kulay pula naman ang damit nito dahil sa pag-agos ng dugo mula sa kanyang leeg. Sa likuran naman ng kanyang ina ay nakikita niya ang mukha ng kanyang ama. Nakangiti rin ito at tila nag-iiba ang itsura ng kanyang mga mata.

Philippines: Year 2303 - A Game of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon