Special Chapter: 20 Facts About Myself

3.6K 110 109
                                    

Rule: Dedicate to the one who tagged you, then tag others to write the same facts/things about them.

*Taas ang kanang kamay*

Nanunumpa po akong totoo ang mga nakalagay dito, walang halong kasinungalingan. Pawang katotohanan lamang. Patnubay ng magulang ay kailangan.

1.) Hindi ako mahilig sa matamis. Mas mahilig ako sa maaalat na pagkain. Kaya nga minsan hindi na lang ako naliligo pag walang maalat na pagkain. If you know what I mean. Biro lang po. Pero mahilig talaga ako sa maaalat na pagkain kaysa sa matatamis.

2.) Takot ako sa ipis. Marami ang nagulat kung sino yung judge na takot sa ipis nung nagkaroon ng High Five Booklat Event. Hindi ako nagsasalita. Paano, hindi ko alam kung pagtatawanan nila ako o aasarin. Hindi ko rin naman alam na ipopost pala 'yon. Ayun, awa ni Lord eh natuwa pa sila sa 'kin. Syempre hindi maiiwasang matawa. Pero sa totoo lang, ayoko talaga ng ipis. Napapatakbo ako pag nakakakita ako na may papalapit. Lalo na kung lumilipad. Akala mo napakagandang butterfly niya. Mahiya sana ang mga ipis sa balat nila.

3.) Ayoko sa matataong lugar. Never wonder kung bakit pag booksigning eh madalas akong wala sa upuan ko na may nakalagay na pangalan sa mesa "EMPRIEL". Ayoko kasi ng maraming tao sa harapan ko. Feeling ko hindi ako makahinga. Ayoko rin na pinagkakaguluhan ako. Easy lang po ahaha. Pero ine-entertain ko naman ang mga taong lumalapit. Siguro kelangan ko lang huminga sa lugar na maluwag pagkatapos ng lahat.

4.) Loner type ako. Mas okay kung ang kasama ko sa mga lakad ay hanggang apat lang. Hindi ako groupie na tao eh. Mas okay nga minsan na isa lang ang kasama ko. Mas magaan dalhin. Mas lumalalim ang usapan, mas nakikilala ang bawat isa.

5.) I love the beach kahit na hindi ako marunong lumangoy. Wala lang. Gusto ko lang ng ambiance ng beach. Kapag minsan feeling ko gusto kong mawala, iniisip ko lang eh nasa beach ako. Oh kaya maghahanap ako ng mga wallpapers ng beach sabayan ng magandang music. Ayun. Pwede na rin haha. Pero mas gusto kong tingnan ang actual na beach.

6.) I prefer to be alone at home. Wala lang. Minsan kasi mas masarap mag-isa sa bahay. Gawin mo lang mga gagawin mo, walang magdidikta at walang magagalit sayo. Iprito mo lahat ng pwedeng prituhin. Kainin mo lahat ng gusto mo. Mas okay sa 'kin yun kaysa yung maya't- maya eh may nagsasalita sa kung ano yung mali na ginagawa ko.

7.) Marami akong kumain, pero hindi ako tumataba. Tingin ko nasabi ko na 'to sa "about me" section ng Wattpad. Totoo yun. Ang takaw ko pero pambihira, hindi ako tumataba. Gusto kong tumaba pero mukhang ganito na talaga ang katawan ko. Katamtaman lang.

8.) Mahilig ako sa anime na matatalino ang mga characters. Ayoko nung bobo, sorry for the word haha. May mga anime kasi na maipalabas lang at masabing astig yung mga lines eh hindi pa rin nila alam ang ginagawa nila. Example na dyan ang Bleach. Tipong hindi na umusad ang kwento at ang gulo-gulo. Puro na lang kwentuhan yung mga characters habang nakatayo at duguan. Minsan nga nagtataka na ako kung paano sila nagkaroon ng dugo sa mukha.

9.) Hindi ako makakaalis ng bahay na walang headset or earphone. Kapag wala ako niyan asahan mong mainit ang ulo ko. Hindi ko alam pero para akong may down syndrome. Napapakalma lang ng music ang mood ko. Kaya pag nasira ang earphone ko ayun. Alam na. Kailangan kong bumili agad.

10.) I don't like bragging people. Pakiramdam nila sa kanila lang umiikot ang mundo. Well may iba pa pong tao sa mundo. Hindi lang ikaw. Kaya tingin ko kailangan mo ring pakinggan ang ibang tao hindi yung puro ikaw lang.

11.) I like news more than telenovelas. Madalas kasi sa telenobela nahuhulaan ko yung mga mangyayari. Yung balita hindi. Kaya mas exciting manood ng balita para sa akin.

12.) Hindi ako sporty na tao. Mahina ang stamina ko. Konting takbo lang hingal na. Lampa kaya ako haha. Pero pag nanghabol ako ng snatcher asahan mong maaabutan ko yun. It's the will power.

13.) Emo ako dati. Kung loner ako siguradong emo ako. Dati haha. Pero hindi lahat ng loner ay emo. Mostly lang siguro gano'n. Kung ano ang nakasulat sa Patunayan at Abot Langit. Ako yun. Oo ako na nga si Roy. Aaminin ko na.

14.) Mahilig ako sa black. Pwera lang ang black sa katawan. Tipong maitim na singit mga ganun. Ayoko nun. Pero mga bagay na black gusto ko yun. Black shirt, black jacket, black ballpen, black cars. Lahat, kaya kung may magreregalo dyan. Alam na.

15.) Beautiful is just an image but it does not define you of who you are. Naniniwala ako diyan. Hindi ako mahilig tumingin sa magaganda. Kung maganda ka nga eh pangit naman ng ugali mo edi tapon mo na sarili mo. Joke. Lakas lang magtrashtalk. Pero totoo 'yan. Hindi ako attracted sa mga magaganda, well siguro sa una. Pero later on pag nakikilala ko na kung sino ang taong yun at alam kong may mali sa kanya, siguro lalayo din ako.

16.) I love playing video and computer games! Nako 'yan na lang siguro ang hobby ko pag masisira na ang ulo ko. Mas trip ko mga strategy games at mga larong may kwento at magandang content. Lalo na kung maganda talaga ang mga twist.

17.) Hindi ako sumasayaw, at kapag ginawa ko nagmumukha akong tanga. Pero kumakanta ako. Though kinalimutan ko na talaga ang talent ko sa music due to some private matter, kumakanta pa rin ako. Minsan. Pag videoke o kaya jamming. Nakakamiss magjamming!

18.) Vocalist ako ng banda namin noong highschool. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi yun nagtagal. May kanya-kanya kasi kaming mundo ng mga kabanda ko. Lalo na ako. Pero pag oras ng jamming, asahan mo present ako. Andyan yung rerenta pa kami ng studio para lang tumugtog. Nakakamiss.

19.) I wish I become a famous director someday. Mas gusto ko pa ngang maging peymuth director ako kaysa peymuth author. Ewan ko ba. Pansinin mo. Kapag writer ka, dami nagrereklamo pero pag yung sinulat nila naging film ayun. Gandang-ganda sila. Minsan may sapak din yung mga tao eh 'no? Judge ng judge pero pag napansin na yung novel na naging film, ayun. Tuwang-tuwa sila. Saka lang sila magiging proud. Mukhang mga tanga!

20.) Ako yung writer na hindi madalas magbasa. Mas gusto kong nanonood ng pelikula. Minsan nga hindi ko na alam kung saan nanggaling ang impluwensiya ko sa pagsusulat. Minsan automatic na nagsusulat ang isip ko, inilalapat ko lang sa wattpad, MS word at kung saan-saan na pwedeng magtype at magsulat. Pero malaki ang impluwensiya sa akin ni Bob Ong...dabest talaga!

Ayan tapos na. Salamat at naisingit ko ito kahit papaano.

Feel free kung gusto niyo rin gawin ito. :-)

Philippines: Year 2303 - A Game of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon