Five. I'm missing you.

41 2 0
                                    

I changed the title. May kamuka kasi yung title ko eh. Hehe.. and feeling ko hindi akma yung title sa story.

Anyway, enjoy reading guys!:))

Katelyn's POV

Nandito ko ngayon sa bahay at nagmu-movie marathon kasama ng dalawang kapatid ko.

Pero actually, physically present lang ako sa sala namin kasi di naman nakafocus attention ko sa movie kundi sa cellphone ko.

Katext ko kasi si Jansel eh. Tuesday ngayon and dahil natapat ng holiday ang tuesday tomorrow pa ang resume ng klase after ng christmas break.

And dahil isang subject ko lang kaklase si Jansel at sa Saturday pa yun matatagalan pa bago ko siya makita.

Habang hinihintay ko ang reply niya, I can't help but to smile kapag naaalala ko lahat ng nangyari samin since nung christmas party.

Kinikilig pa rin ako at halos di makapaniwala that my secret crush has also a secret crush on me. Alam mo yun? All this time crush din pala ko ng crush ko and thinking about us now, nasa process pa rin kami ng getting to know and I'm glad to know na nagkakaprogress kami.

Nakakamiss nga siya eh. Kahit na katext ko siya ngayon, namimiss ko pa rin siya.

"Hoy!" bigla na lang bumulaga sakin ang mukha ni Kean habang nagrereminisce ako ng samin ni Jansel.

I frowned at him. "Problema mo?"

"Wooh. Sino iniisip mo ha? Ngumingiti ngiti ka pa diyan ah. Di ka naman nanonood eh." pang-aasar pa niya sakin.

"Eh bakit ba!? Masama mag-isip at ngumiti? Manood ka na nga lang diyan." sabi ko at kumuha ng popcorn na nasa lamesita.

Maya-maya lang tumunog yung phone ko nagreply na siguro si Jansel.

Excited akong kinuha yung cellphone ko at binasa yung text niya.

"Jansel pala ah." biglang sabi ng kapatid ko na nasa tabi ko.

"Textmoso ka noh?" at inirapan ko siya.

"Kuya oh, si Ate mukhang may boyfriend na." sumbong pa niya kay Kuya Leo.

"Shut up! Kean! Hindi ko boyfriend si Jansel!" inis kong sabi sa kanya.

"At sino naman si Jansel?" tanong ni Kuya sakin.

"Ah-ah. School mate ko." nahihiya ko pang sagot sa kanya.

"Schoolmate lang?" halatang nang-aasar di si Kuya.

"Oo schoolmate lang. Tsk! Bahala nga kayo diyan, tulungan ko na lang si Mommy sa kusina." sabi ko at tumayo ako at maglalakad na sana sa kusina pero bigla akong bumalik.

"Bakit?" tanong nila pareho.

"I forgot to take this with me." sabi ko pagkakuha ko ng cellphone ko sa lamesita.

"Wooh. Katext mo kasi si Jansel eh." asar pa ni Kean sakin.

"Whatever!" sabi ko sa kanya at nagwalk-out na papuntang kusina.

Bago pa ko makarating ng kusina binasa ko yung text ni Jansel.

"I miss you. Gusto kita makita."

Napangiti na lang ako sa text niya and rereplyan ko na sana pero biglang may umepal sa gilid ko.

"Pupunta palang kusina ah." si Kean.

"Ang epal mo talaga!" inis kong sabi sa kanya at kukutusan ko sana siya pero agad siyang nakaiwas at tumakbo papunta sa kusina.

Loko-loko talaga yun kahit kelan. Sarap lang kutusan. Magsusumbong pa yun kay Mama. Tsk! Bahala nga siya. Replyan ko na lang ang future boyfriend ko. Hihihi.. :))

"Namimiss din kita.:)"

*sent

Maya-maya lang nagreply agad siya. Bilis ah.

"Gusto kita makita." sabi niya sa text.

"Huh? Baliw ka ba? Eh pano? Di naman ako papayagang umalis nila Mama ngayon, kakauwi ko lang kahapon."reply ko.

"No. Ah..Chat tayo or skype." sabi niya.

"Ha? Andito si Kuya eh. Di ako pede ngayon. Tomorrow na lang pag-uwi ko from school."

"Ganun ba?:( Sige. Pero namimiss na talaga kita."

Shet! Ang sweet lang ng future boyfriend ko. Kenekeleg eke! Emeged! :))

"Ako rin. :))" reply ko.

"Oy! Si Ate kinikilig! Baduy mo te! Tanda mo na eh, kinikilig ka pa!?" alam niyo na kung sino yang epal na yan, may hawak pang juice.

"Pakelam mo ba? Masama kiligin? Buhos ko sayo yang juice na yan eh."

"Wooh. Eh ba't ka kinikilig? Ano mo ba yang katext mong yan huh?"

"Wala ka na dun! May pakiramdam ako kaya kinikilig ako baket? Ikaw kase torpe, di marunong manligaw. Beh!" pang-aasar ko sa kanya.

"Ba't ako manliligaw? Ako kaya ang nililigawan."pagmamalaki pa niya

"Wow! Grabe. Ang kapal. Ikaw pala ang nililigawan ah, bakit hanggang ngayon nasa bag mo pa din yung love letter mo para kay Bea?"

Nagulat siya sa sinabi ko, si Bea yung crush niya sa school nila, kapatid ng isa sa mga naging classmate ko noong high school.

"Binasa mo?" inis na tanong niya.

"Oo. Kabisado ko pa nga eh. Gusto mo i-speech ko pa sayo?" nang-aasar na lang talaga ko di ko naman binasa, nakita ko lang name nung Bea sa envelope kaya alam kong para yun sa kanya.

"Ewan ko sayo Ate!" inis na sabi niya sabay walk out.

Oh! Well. I won! Hahahaha. Lakas mang-asar pag siya naman ang inasar ko walk-out. Hahaha. Mamaya ko na susuyuin. Itetext ko muna si future boyfriend.

Pumunta ko ng kusina para tulungan si Mama sa niluluto niya nagpaalam na din muna ko kay future boyfriend. Hihihi. :))

Feel na feel ko na talaga pagtawag ng future boyfriend sa kanya. Hahaha.

"Ano na namang pinagtatalunan niyo ng kapatid mo kanina?" tanong ni Mama habang naghihiwa ako ng sibuyas at bawang.

"Wala yun 'Ma. Inaasar ko lang si Kean."

"Eh sino naman yung naririnig kong katext mo daw at kinikilig ka pa diyan?"

"Huh? Ma! Wala din yun. Wag ka nagpapapaniwala kay Kean. Chismoso yung batang yun eh."

"Anak, kilala kita. Alam ko kung may nagugustuhan ka o hindi. Alam mong hindi ako strict pagdating sa ganyang bagay pero iprioritize mo muna ang pag-aaral sa ngayon okay? Pero dahil ga-graduate ka na naman, bat hindi mo siya i-invite dito satin minsan ng makilala namin siya, at saka uuwi din ang Papa mo sa graduation mo diba?"

"Ta-talaga Ma? Okay lang papuntahin ko siya dito?"

"Oo naman, bakit naman hindi?"

"Aaaahhh, Ma. I love you talaga. Thank you." sabi ko and I kissed and hugged my mom. "Pero Ma, schoolmate slash friend ko lang yun ha? Baka isipin niyo kasi manliligaw ko, edi naman ako tinanong directly na manliligaw siya sakin." sabi ko.

"Schoolmate slash friend? Eh bakit grabe ka daw kung kiligin habang katext mo?"

"Eh, Mama naman eh. Eh, crush ko po kasi yun. Hihihi." kinikilig ko pang sabi.

"Naku. Naku. Feeling teenager kang bata ka. Bente anyos ka na oy! Bilisan mo na nga diyan at ng matapos na tayo agad." utos pa ni Mama sakin.

"'ku si Mama. Alam ko na kung kanino nagmana si Kean. Hahaha." sabi ko at tinuloy ko na yung ginagawa ko.

But the thought na pupunta si Jansel samin at makilala sila Mama. It makes me smile. Sana nga makapunta siya dito at makilala niya din ang family ko. :))

-----

Is somebody reading this??

Magparamdam kayo please??

:((



When Love Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon