Chapter 1

102 37 35
                                    

Panyo

MABAGAL akong naglakad papuntang classroom, maaga pa kasi at wala pang masyadong estudyante.

"Audrey!"

Napalingon ako kay Rhian ng tawagin ako nito. Hingal na hingal siya habang inaayos ang nagulong bangs.

"Nakapaskil na ang ranking natin!"

Napatakbo ako palapit sa kanya. Bago siya hinila papunta sa room.

Ako nga pala si Audrey Mae Salazar, 16 years old. Grade 10 student. At si Rhian naman ang bestfriend ko.

Nakapaskil ang long bond paper sa mismong pinto. Agad kong hinanap ang pangalan ko.

8. Salazar, Audrey M.

"Luuuh, bumaba ako ng rank." singhal ko.

"Ok lang yan bes, may fourth grading pa." saad ni Rhian. "Saka tignan mo oh." tinuro niya ang average ko. "Kahit bumaba ka ng rank, tumaas naman yung grade mo."

Third grading palang ngayon, noong first at second grading ay nasa rank 5 ako.

"Alam mo naman sila Mama. Kahit ang basehan na ngayon ay grade, tinitignan pa rin nila yung rank."

Binago na kasi ang curriculum. Kung dati ay may award ka kapag nasa top 10. Ngayon naman ay kung nasa 90+ ang average mo.

"Hayaan mo na, bawi ka nalang." saad niya.

Nakayuko akong pumasok ng classroom kaya hindi ko napansin na nabangga ko si Faith, may hawak siyang mineral water na nakabukas kaya tumapon ito sa damit ko.

"Sorry!" sabi niya habang pinupunasan ang sarili, nabasa rin kasi siya.

"Ayos lang." saad ko at pumunta na sa upuan ko.

"Audrey tarang CR, bumabakat na yung bra mo." bulong sakin ni Rhian. Napatingin ako sa uniform ko. Manipis lang siya, kaya parang nagiging see through kapag nababasa.

Kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang panyo, na pwedeng ipantabing sa dibdib ko pero wala.

"Rhian may panyo ka diyan?" tanong ko habang hinahalungkat ang bag ko.

"Wala eh, tissue lang." sagot naman niya.

"Yan!" rinig kong tawag ni James(boyfriend ni Rhian). Napatingin sa akin si Rhian at ngumuso.

Ngumiti lang ako

"Sige puntahan mo na." natatawang saad ko.

Ngumiti lang siya sakin bago lumapit kay James.

Napabuntong hininga ako at naka-cross arms na pumuntang CR. Medyo malayo siya sa classroom namin.

Pagkapasok ko sa CR ay walang ibang tao. Humarap ako sa salamin. Basang-basa ang upper part ng damit ko.

Pinagpag ko nalang ito habang nasa harap ng electric fan. Astig nga eh, may electric fan dito sa CR. Nang medyo matuyo ay bumalik na ako sa room, hindi na rin naman na masyadong halata ang pagka-basa.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Mark, isa sa mga medyo ka-close ko dito sa school. Approachable kasi siya at masaya kausap. Hindi nga lang kami magka-klase, section 1 siya at 2 ako.

"Nabasa ang damit mo?" tanong niya habang nakatingin sa part kung saan ako nabasa. Napa-cross arms ako. Tumingin siya sakin ng nanlalaki ang mata at nag-iwas tingin.

"Sorry....hindi ko naman sinasadyang tignan." naka-takip ang likod ng palad niya sa bibig habang hindi makatingin sakin.

"Ah-eh ayos lang. Sige bye!" tumakbo ako sa room ng naka-cross arms. Jusko! Feeling ko pulang pula ang mukha ko ngayon.

Tumingin ako sa dibdib ko.

"Sheesh buti nalang hindi na talaga masyadong basa." bulong ko sa sarili. Hindi ba napansin masyado ni Mark na dibdib ko yung tinignan niya!? Ganon na ba ako ka-flat!?

"Hindi....32 B kaya ako."

"Huy! Anong 32 B?" tanong ni Rhian. Sa likod niya ay nakita ko si James na pabalik na sa classroom nila. Whoah, sweet....mukhang hinatid pa siya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Naglakad ako papasok ng room.

"Bakit ka kasi umiwas, sa lips sana yun!"

"Eh malay ko bang hahalikan niya ako!"

"Nakakakilig pa rin naman yun!"

"Lah inggit ako...."

Girl's talk sa room. Lumapit si Rhian sa mga classmate kong nagkekwentuhan about sa *cough* 'kiss' something.

Si Rhian at James kaya nag-kiss na? 2 years na sila alangan namang hindi pa diba? Oh well.....

Nabaling ang atensyon ko sa arm chair ko.

'Nakita kitang natapunan ng tubig kanina. Gamitin mo muna.

-J

Sa ilalim ng papel ay may pink na panyong nakalagay. Lumingon ako sa mga classmates ko.

"Guys sino nalagay neto?" tanong ko sa kanila habang nakataas ang kaliwang kamay kung saan nakalagay ang panyo at letter.

'Ewan', 'Malay ko' at kibit balikat lang ang natanggap kong sagot sa kanila.

"Uy ano iyan!" kinuha ni Rhian ang letter. "Ay kabog may secret admirer ka na bes!"

"Nagbigay lang ng panyo, secret admirer agad. Hindi ba pwedeng nagmamagandang loob lang."

Hinablot niya sakin yung panyo.

"Ang bango ah!"

Kinuha ko yung panyo sa kanya at inamoy.

"Oo nga.....amoy downy."

-

"AUDS may game sila James bukas!" saad ni Rhian habang nakatingin sa phone niya. Mukhang tinext sa kanya ni James, yung game na tinutukoy niya ay basketball.

"San? Dito sa school?" tanong ko habang naka-focus pa rin ang atensyon sa librong hawak. I'm currently reading a novel, 13 Reasons Why yung title.

"Nope, sa bahay ata nila Hanz. After class." sagot niya, naalala ko bigla. Meron palang court sa harap ng bahay nila Hanz.

"Sino-sino ang kalaban?" tanong ko ulit.

"Sila Mark ata."

Napatango na lang ako.

"Sama ko."

****

Again may story na naman. Peace po, on going na naman XD Short story lang po ito :)

Dedicated to: MissJeon355

Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon