Research
"AUDREY!"
Napalingon ako kay Rhian na nakaupo sa arm chair ko.
"Bakit?"
"Meron ulit...." inabot niya sakin ang papel at panyo".....galing kay J." nakangiting saad niya.
Binulsa ko yung panyo. Buti nalang binigyan ako ni J, wala akong dala ngayon eh. Yung papel naman ay agad kong binasa.
Kung anuman ang marinig mo sa kanila. Tandaan mo, mahal na mahal kita.
-J
"Ano toh?"
Hinablot naman ni Rhian ang papel sakin.
"Mahal siya ni J, mahal siya ni J." natatawang pahayag niya.
"Baka nantitrip lang iyan." saad ko. Kasi, kung mahal niya ko. Dapat sabihin niya sakin ng personal, saka mahal agad? Ang bata pa namin para sa bagay na yun eh.
Pero.........sa loob loob ko sinasabi na, sana nga totoo. At sana yung J na nasa isip ko, siya talaga ang nagbibigay sakin ng mga ito.
"Alam mo ang saya ng naging field trip." pagiiba niya ng topic, siguro napansin niya na hindi ako kumportable sa pinaguusapan.
"Hindi naman magiging masaya yun kundi dahil samin ni Mark." bwelta ko, idea kaya namin yung field trip na yun.
"Oo na, pero alam mo." tinaasan ko siya ng kilay. "Ang daming nag-aminan."
Napakunot ang noo ko. "Paanong aminan?"
"Aminan ng feelings syempre." tumikhim muna siya. "Alam mo ba, umamin si Faith sa lahat na gusto niya si Mark!"
Hindi nako nagulat sa sinabi niya. Halata namang may gusto si Faith kay Mark, kasi kung makalingkis siya dito wagas.
"Saka may nasagap akong balita." panimula niya, tsismosa talaga. "Binasted mo daw si Hanz."
Naalala ko bigla, hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.
"Kanino mo nalaman?" takang tanong ko.
"Kay James." simpleng sagot niya. Napatango nalang ako, hanggang ngayon di pa rin ako kumportable kapag ang pinaguusapan ay si Hanz.
"Pero alam mo." kinunutan ko siya ng noo. "Bagay si Faith at Mark noh."
"Paano mo....nasabi?" tanong ko habang tinatanaw ang mga tao sa labas ng room.
"Ewan basta, may chemistry talaga sila eh." pagka-sabi niya non ay nakita ko sila Faith at Mark na magkasama.
Habang nakatitig sa kanila biglang nahagip ng paningin ko si Hanz. Tumingin siya sakin na parang nagsusumamo. Sorry Hanz.
-
NANDITO kami ngayon sa library. Naghahanap ng libro para sa research namin, pwede naman kasing igoogle nalang. Kaarte-arte nitong partner ko, kung maka-asta kala mo matalino.
"Audrey pakikuha nga yun." turo niya sa isang librong nasa taas ng kabinet.
Mas matangkad siya sakin tapos ako pa yung pakukuhanin, napakahusay!
"Alam mo Faith." pagdabog kong binitawan ang mga librong hawak. "Maghanap ka na ng bagong partner mo, kasi kaya ko namang gawing mag-isa tong research."
Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad papuntang Science Department. Kagigil yung babaeng yun haissttt. Kapag kumuha siya ng libro kanina ako yung pinagbubuhat, reklamo pa ng reklamo. Kesyo ganyan, kesyo ganon ang arte arte?
Pagkarating ko sa Department ay agad na hinanap ng mata ko si Ma'am Elizabeth. Kausap niya si James na naka-jersey pa, mukhang kagagaling niya sa training.
"Good afternoon po Ma'am." bati ko sa teacher namin. Lumingon silang dalawa sakin.
"Audrey may kailangan ka?" tanong ni Ma'am gamit ang malambing na boses.
"Ma'am itatanong ko lang po sana kung, pwede pong mag-individual na lang sa research?" magalang na tanong ko.
"Pareho pala kayo ng ipinunta dito ni James." nginitian niya kami. "Kayo nalang kaya ang partner."
"Hindi po kami nagkaklase." sabi naman ni James habang nakahawak ang isang kamay sa likod ng batok.
"Ayos lang naman, tutal pareho naman ang topic niyo sa research." nakangiting pahayag ni Ma'am.
"Sige po thank you." pasasalamat ko, mas ayos na kapair ko si James kesa naman dun kay Faith.
Lumabas nako sa department at rinig ko ang pagsunod ni James sakin. Sinabayan niya ako sa paglakad.
"Gusto mo kayo nalang ni Rhian ang magkapartner, makikipag-palit nalang ako." suhestiyon ko.
Naaninag ko ang pag-iling niya. "Huwag na, baka pagalitan tayo ni Ma'am Eli." tumango nalang ako.
"Sisimulan na ba natin? Next week na yun eh, kahit brain storming lang." pahayag ko.
"Tawagan ko nalang muna si Rhian." saktong pagkakasabi niya non ay tumunog ang cellphone niya. Mukhang may tumawag.
"Hello Yan......sige.....ingat ka ah.....opo..... bye....love you." napangiti ako habang pinapanood siyang kausap si Rhian sa telepono.
"Tara na Jam." tawag ko sa kanya. Napatawa naman siya sa itinawag kong pangalan.
"James kasi Aud, si Yan lang pwede sa Jam." bwelta niya, inirapan ko lang siya at tinawanan.
"Tara na!"
-
"DOON nalang tayo samin." pang-walo? Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang sinabi iyan kay James, pero ang natanggap ko lang na sagot mula sa kanya ay tawa.
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nila. Siya prenteng nakaupo sa sofa, habang ako ay hindi mapakali.
Ayos naman dito sa bahay nila eh, maraming snacks, may aircon, may Wi-Fi kaya lang pinapunta niya dito sila Hanz at Mark. Sila kasi ang magkapartner sa research, kaya etong si James nagmagaling at sinabing,
'Dito nalang kayo samin'
Napalunok ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto nila.
"Ayan na sila." bulong sakin ni James. Napalingon ako kila Mark at ganon din sila sakin. Ngumiti siya at kumaway, samantalang tinanguan lang ako ni Hanz.
"Titirisin talaga kita!" inis na bulong ko sa kay James, ngunit tinawanan lang niya ako.
"Start na tayo."
Napalunok ako ng tumabi sa kanan ko si Mark at sa kaliwa naman si Hanz. Humanda ka talaga sakin James!
****
Dedicated to: Chanel0220
BINABASA MO ANG
Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019
Short Story"Kung ang panyo para sa iba ay pamunas ng luha. Para sa akin, ito ang tanda kung gaano kita kamahal." (ON GOING)