Sana
LABAN ngayon ng basketball dito sa lugar namin. Ang school namin ang defending champion.
Last game na, kung titignan obvious na school na namin ang panalo. 30 seconds nalang kasi ang natitira, habang ang lamang namin ay 17 points.
Nang matapos ang laro ay nangibabaw ang sigaw namin kesa doon sa MC na nagsa-salita.
Si Rhian ay tumakbo na palapit kay James. Susunod sana ako, pero may tumawag sakin.
"Audrey tawag ka ni Ma'am Adriano." tukoy niya sa Principal namin.
"Salamat." patakbo akong pumunta sa Principal's Office, habang papunta doon ay iniisip ko kung may mali ba akong nagawa or something kaya ako pinapatawag.
Nang nasa harap na ako ng pinto ay lakas loob akong kumatok.
"Come in!"
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto, nakita ko si Ma'am na parang may pinipirmahang mga papeles.
"Good afternoon Ma'am!"
"Good afternoon din Miss Salazar, please take a seat."
Sumunod naman ako at nakayukong umupo sa visitors chair sa harap ng lamesa niya. Bata pa si Ma'am principal, mukha naman siyang mabait. Actually mabait talaga siya, nakaka-intimidate lang.
"Pinatawag kita kase I want you, to organize the field trip na gaganapin next week." diretsang pahayag niya.
Ah- eh. Anong sasabihin ko??????
"Bakit po ako? Hindi po ba dapat student council yung mag-aayos?" magalang na tanong ko.
"Marami nang trabaho ang mga nasa student council. Saka kahit ikaw ang organizer, tutulungan ka parin naman nila." sagot niya. "I will also ask your teachers to give you incentives kapag pumayag ka."
Nang marinig ko ang word na incentives ay napatango ako bigla. Malaking halaga ang incentives na makukuha ko, para tumaas ang grades ko.
"Ako lang po ba mag-isa or may kasama rin po ako galing sa ibang section?" tanong ko.
"May kasama ka. Do you know Mark Jacob Enriquez?" saktong tanong ni Ma'am ay dumating si Mark na naka-jersey pa.
"Sorry Ma'am, I'm late." paumanhin nito kay Ma'am Adriano.
"Ayos lang, take your seat." sumunod naman si Mark at umupo sa tapat ko. Napatingin siya sakin at ganoon din ako.
"So kayong dalawa na ang bahala sa location. Kwentahin niyo na din ang maaring maging expenses para alam natin kung magkano ang babayaran sa field trip." paliwanag ni Ma'am. "And guys yung location na pipiliin niyo ay yung siguradong maraming mag-eenjoy."
"Sige po."
"Yes po."
"Okay you may leave now!" nakangiting saad ni Ma'am. Tumayo kami at naglakad na palabas ng may maalala ako.
"Ma'am kelan po namin ibibigay yung report about location and expenses?" tanong ko.
"Sa Monday nalang." sagot niya habang nakatutok na ang atensyon sa mga papeles.
Tumango nalang ako at a sign of respect bago lumabas ng pinto. Pagkalabas ay nilingon ko si Mark, as usual naka takip yung likod ng palad niya sa bibig habang naghihikab.
"Diba may victory party kayo?" pago-open ko ng topic. "Punta ka na. Bukas nalang tayo mag brain storming about dun sa field trip." dagdag ko.
"Kasama ka sa party." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pumayag si coach na sumama ka at si Rhian."
That's explain, captain ba naman yung boyfriend ni Rhian. Edi ayos lang kung kasama siya, plus isabit pa ako.
"Sabay ka nalang sakin, nandoon na sila eh." dagdag niya pa.
"Saan ba?"
"Bahay nila coach."
Napa- 'aaah' nalang ako. Dumaan pa kami sa room para kunin yung gamit ko, yung kanya kasi ay dala na niya.
Ewan, pero ngayon lang ako na-awkwardan sa pakikipag-usap sa kanya. Dati kasi nagagawa pa naming magbiruan. Ngayon? Awkward......
Pagka-kuha ko ng gamit ay lumabas na kami ng school. Mukhang malapit lang yung bahay ni Sir Pedro(coach nila) kasi sa tricycle lang kami sumakay.
Buong ride ay medyo nag-kwentuhan naman kami. Mukhang relax na relax lang siya. Parang ako lang yung nakakaramdam ng awkwardness.
Nag- 'para' si Mark sa tapat ng isang two storey house. Bumaba agad ako ng tricycle. Mula sa pwesto ko, ay rinig namin yung videoke. Mukhang sa likod bahay yung celebration.
Nang pumasok kami sa loob ay hindi ko maiwasang ma-amaze. May pagka-american style kasi, sobrang ganda.
Nang makarating kami sa likod ay nagkakantahan sila. Nilibot ko yung tingin sa paligid. Kami lang talaga ni Rhian ang kasamang babae.
"Bes halika na dito." aya ni Rhian. Naka-akbay si James sa kanya, habang siya naman ay nakahilig sa balikat nito. Sweet.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Rhian.
"Audrey hi!" bati sakin ni Hanz.
"Hello." bati ko pabalik at ngumiti.
Nakaupo siya sa tapat ko, tapos katabi niya si Mark. Nabaling yung atensyon ko sa table. May wine.
"Pwede silang uminom?" tanong ko kay Rhian.
"Mmm-mmm wine lang naman." sagot niya.
Dumating si Sir Pedro galing sa loob ng bahay nila na may dalang iba pang pagkain.
"Oh sino itong magandang dalaga?" tukoy ni Sir Pedro sakin.
"Audrey Mae Salazar po." ako na yung mismong sumagot.
"Tatay mo si Danilo Salazar?" tanong niya.
Tumango ako ka-agad.
"Blockmate ko siya noong collage kami."
Natatandaan kong nag-education muna si Papa bago nag-business ad. Pangarap daw kasi ni Lola na magkaroon ng anak na teacher kaya nag-aral si Papa.
Nagturo rin siya ng dalawang taon, tapos yung naging sweldo niya ang puhunan namin sa business. May restaurant kami.
"Kumain ka na diyan. Huwag ka ng mahiya."
Tumango ako at ngumiti. Kumuha ko ng paper plate at nagsimulang magsandok ng kanin.
"Alam mo ba captain!" rinig kong saad nang katabi ni Mark. Sean ata pangalan. "Crush ko si Rhian dati."
Napataas ng kilay si James, samantalang si Rhian ay natatawa lang.
"Nung nililigawan mo siya. Gusto ko ding manligaw." tuloy nito.
"Ba't hindi mo niligawan?" curios na tanong ko.
"May kasabihan kasi kami sa team." napakunot ang noo ko. "Kapag nauna na yung isa, hindi na pwedeng sulutin ng iba."
****
Kaya po walang update sa MOLS ay dahil dito. Hahaha XD
Dedicated to: Filipina
BINABASA MO ANG
Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019
Short Story"Kung ang panyo para sa iba ay pamunas ng luha. Para sa akin, ito ang tanda kung gaano kita kamahal." (ON GOING)