Kaya Pala
"ATE ayos ka lang, kanina mo pa hindi ginagalaw iyang pagkain mo." nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ng kapatid kong lalaki.
Si Adrian, 10 years old.
"Ayos lang, may iniisip lang ako." kaming dalawa lang ni Adrian dito sa bahay, sila Mama at Papa nag-date ata.
Ewan ko ba sa dalawang yun, tanda tanda na eh may padate date pang nalalaman.
"Alam mo Ate." uminom muna siya ng tubig bago ituloy ang sasabihin. "May crush na ako."
Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi niya.
"Ano? Eh ang bata bata mo pa." singhal ko.
"Eh bakit ikaw may manliligaw na." bwelta niya naman.
Napasubo ako ng kanin habang inaalala ang nangyari kanina. Si Hanz ang naghatid sakin dito sa bahay pakatapos ng Victory Party nila.
Tapos ayun, umamin siya na gusto niya ako at manliligaw siya. Na narinig naman nitong kapatid ko.
Hindi ko alam yung isasagot ko sa kanya kanina. Oo, aminado ako, crush ko siya pero......hindi kasi ako yung tipong 'oo' agad kapag niligawan ni crush.
Feeling ko walang trill, masaya na kasi ako na sinusulyap-sulyapan siya sa malayo. Yung patago siyang hinahangaan.
Buti na nga lang umalis na siya agad pagkatapos umamin.
Inayos ko na ang pinagkainan ko at naglakad papuntang kwarto.
"Adrian urungan mo iyang pinagkainan ah. Ikaw ang naka-assign ngayon." nagthumbs up lang siya bilang sagot habang subo ng subo. Takaw talaga nitong kapatid ko, hindi naman tumataba.
Pagkarating ko sa kwarto ay inopen ko agad ang messenger para ichat si Mark tungkol sa assignment na ibinigay ni Ma'am Adriano, buti nalang active siya.
Naalala ko, nung grade 9 ako. Isa ako at si Mark sa naging organizer ng mga events sa school namin, iyon siguro ang dahilan kung bakit kami ang pinili ni Ma'am.
Audrey: Mark, bukas after class nalang tayo mag-usap tungkol sa ass.
Makalipas ang ilang sandali ay nagreply siya.
Mark: Sige puntahan nalang kita sa classroom niyo.
Ooohhhkkkkaaayyyy
Audrey: Sige, bye goodnight....
Mark: Bye.....goodnight
Inilagay ko sa side table ang phone ko, at umayos ng pagkakahiga. Goodnight.......
-
"SAAN kaya tayo pwedeng magfield trip?" tanong ko kay Rhian habang nakapangalumbaba sa arm chair ko. Last subject na namin ngayon, pero walang teacher kaya pachill chill lang kami.
Hindi niya ko pinansin at patuloy pa rin siya sa pagikot sa upuan ko.
"Huy ano ba! Wala ngang letter at panyo diba!" singhal ko. Pagka-pasok ko kanina, walang letter o panyo na nakalagay sa desk ko.
Siguro tinamad na ding maglagay yung 'J' na yun.
"Malay mo nalaglag o kaya nilipad lang noh!" pagkalipas ng ilang minutong pagiikot niya, hindi lang sa desk ko, bagkus sa buong room ay tumigil na siya. "Wala....ayoko na sa J na yun. Team Hanz nako."
Nakwento ko na pala sa kanya yung tungkol sa pag-amin ni Hanz.
"Grabe toh, maging loyal ka naman sa bias mo." saad ko habang bahagyang nakangisi.
Sumimangot siya. "Bakit ko pa ipipilit si J, kung si Hanz naman yung gusto mo." maliban sa pag-amin ni Hanz sakin, naikwento ko din sa kanya ang pagka-gusto ko dito.
Makalipas ang ilang sandali ay unti unti nang nagsiuwi ang mga classmate ko.
May kumatok sa pinto ng classroom namin, si James. Haaaay, mag-isa na naman ako.....
"Auds alis nako ah." paalam ni Rhian.
"Oo na, lumayas ka na......sanay naman nakong nag-iisa." sumimangot ako kunwari.
Kinurot niya ang pisngi ko.
"Ang drama mo, sama ka na nga lang samin." aya niya. Agad naman akong tumanggi, balak pa ata akong gawing third wheel ng babaeng toh.
"Sige alis na garod kami. Bye!" kumaway lang ako sa kanya.
Nang maka-alis sila Rhian ay tumayo na ako at lumabas ng room. Ako nalang ang pupunta sa room nila Mark, lagpas alas kwatro na kasi. Sigurado akong nag-uwian na sila kanina pa.
Nang makarating ako sa classroom nila ay walang katok-katok na pumasok ako..........kaya pala hindi pa ko magawang sunduin.
Nakikipag-landian, lampungan este nakikipag-kwentuhan siya kay Faith, actually hindi lang naman sila yung nandito eh kasama nila yung ibang kateam mate niya sa basketball, at lahat ng mga ito may sariling babae.
Ano toh bar?
"Ehem!" malakas na tikhim ko. Napatingin naman silang lahat sa gawi ko.
"Oh, Audrey? Bakit ka nandito?" tanong ni Faith.
Napailing ako. "Wala napadaan lang.....bye!"
Naglakad na ako palayo. Bakit kasi si Mark pa yung naging ka co-organizer ko eh, marami namang mas responsable kesa sa kanya.
"Audrey saglit lang!" rinig kong saad ni Mark, narinig ko ang yabag ng paa niya papalapit sakin.
Binagalan ko ang paglakad at humarap sa kanya.
"Saan tayo?" nakangiting tanong ko.
May bahid ng pagtataka sa mukha niya bago sumagot. "Sa library nalang."
-
"OH ano na, Baguio na talaga?" tanong sakin ni Mark. May layout na kami ng report tungkol sa mga expenses namin at pupuntahan namin sa Baguio, alangan namang magiba pa kami.
"Syempre, sige kung....gusto mo mag Tagaytay ka." natatawang saad ko.
Ngumiti siya. "Naninigurado lang naman. "
"Uwi na tayo." aya ko sa kanya.
Tumango lang siya at ngumiti. Sabay kaming naglakad sa corridor habang nagkekwentuhan. Nang may.......
"Ate sorry po." paumanhin ng batang nakabangga sakin.
Nginitian ko lang siya. "Ayos lang."
Sheyttt anong ayos don Audrey, chocolate flavor ng ice cream ang nagpatak sayo 'Ayos lang'. Kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang panyo pero.....wala.
Parang napansin naman iyon ni Mark, natatawang inabot niya sakin ang panyo niya.
"Oh gamitin mo muna."
Imbes na ipangpunas ay ipinantakip ko nalang yung panyo sa parte ng damit kung saan nagpatak yung Ice Cream.
"Una nako ah!." paalam niya bago sumakay ng jeep. Kinawayan ko lang siya, nagpara ako ng tricycle. Buti nalang malapit lang bahay namin, makakapagpalit ako kaagad.
Pagkarating ko sa bahay ay pumunta agad akong banyo para alisin ang ice cream. Amoy na amoy yung chocolate flavor sa buong banyo, pero may napansin ako.
Nilapit ko ang ilong ko sa panyo.
"Amoy downy. "
****
Dedicated to: azilanom_niroma
Aileruss
BINABASA MO ANG
Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019
Short Story"Kung ang panyo para sa iba ay pamunas ng luha. Para sa akin, ito ang tanda kung gaano kita kamahal." (ON GOING)