Jay/J
"AUDREY hindi ka na talaga sasama bukas?" hindi ko alam kung pang-ilang ulit niya ng itinanong iyon pero sinagot ko pa rin. Nandito kami sa bleachers malapit sa oval.
"Oo nga, hindi ko kasi pwedeng iwang mag-isa si Adrian."
Ang parents ko ay may pupuntahang seminar bukas(na sakto namang field trip namin). Hindi nila iyon magawang tanggihan kasi makakatulong iyon sa restaurant namin.
Hindi nila pwedeng isama si Adrian kaya ako nalang ang magbabantay sa kanya.
"Eh kung isama mo nalang siya." napabuntong hininga ako.
"Rhian tinanong ko na si Ma'am Adriano diba? hindi daw pwede." nakangiting saad ko. Napanguso siya at niyakap ako.
"Sorry sa pangungulit at pagiging immature ko Bes ah. It's just that, kayo ni Mark ang nagplano nitong field trip pero hindi kayo sasama?!" singhal niya.
Napakunot ang noo ko.
"Hindi rin sasama si Mark?" takang tanong ko.
"Mm-mmm may importante daw siyang gagawin eh." tumunog ang phone niya, mukhang may tumatawag. "Wait lang, si James." saad niya bago sagutin ang phone. Medyo lumayo din siya sa pwesto ko.
Tahimik lang akong nakaupo habang inaayos ang bag ko. Nang may tumabi sakin. "Hi Audrey!" napatingin ako sa bumati sakin.
Si Hanz.....
Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit, patakbo akong lumapit kay Rhian. "Alis nako ah bye!" paalam ko.
Tinawag niya ako pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Nang makalayo ay huminto ako.
"Iniiwasan mo ba ko?" napayuko ako ng marinig ang tanong ni Hanz
"Hanz....."
"Simula nung umamin ako sayo at nagtanong kung pwedeng manligaw pansin kong umiiwas ka." litanya niya, lungkot ang nakabalatay sa kanyang mukha.
Iniwasan ko siya kasi, hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung tatanggihan ko ba siya sa panliligaw o ano. Mabait si Hanz, gwapo, matalino, masayang kasama at crush ko pa siya.
Pero........ewan ko ba?
"Hanz kasi."
Bumuntong hininga siya. "Audrey please....."
Nakatungo pa rin ako. "Hanz, bata pa kasi tayo." dahilan ko.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya. "Aud hindi na naman obligadong sagutin mo ko agad kapag nagsimula akong manligaw sayo. Kaya kong maghintay." hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi niya.
"Hanz sorry talaga." naluluhang pahayag ko. Naiinis ako sa sarili ko, sobrang naiinis ako.
"Audrey please naman." halata sa kanyang boses ang sakit.
"Sorry, sorry talaga."
Tumakbo ako palayo. Sorry Hanz, hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko.
-
"PSSSTT Ate, Ate pansinin mo ko uy! Ate yuhooo!" napabuntong hininga ako bago bumaling kay Adrian. Nakangiti siya habang prenteng nakahiga sa kama ko.
"Bumalik ka na nga sa kwarto mo." taboy ko sa kanya. Tumawa siya habang gumugulong-gulong sa kama.
Umalis na sila Papa at Mama kanina.
"Ayaw ko po. Dito nalang ako matutulog." saad niya habang ngiting-ngiti.
Napangiti na rin ako saka tumabi sa kanya ng higa. "Sige na nga!"
"Ate bakit parang umiyak ka po?" tanong niya, pinatong pa niya sakin ang braso at binti niya.
"May pinanood lang kaming nakakaiyak ni Ate Rhian mo." dahilan ko habang pilit na ngumingiti.
"Ate bawal pa talaga akong magka-crush?" naka-pout na tanong niya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago sagutin.
"Bata ka pa kasi!"
"Eh ikaw nga may manliligaw na po." bwelta naman niya, bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina.
"Haaay, matulog ka na nga." kinumutan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Goodnight love you Ate." bulong niya.
"Love you too."
-
"ADRIAN anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kapatid kong nagbabasa ng libro sa sala.
"Kahit ano po!"
Binuksan ko yung ref, gagawa nalang ako ng chicken soup. Dahil parehong maalam sa pagluluto ang parents ko, namana ko iyon sa kanila.
"Ate may naghahanap sayo!" sigaw ng kapatid ko mula sa sala.
"Sino?" pasigaw kong tanong, habang nakatuon pa rin ang pansin sa pagluluto.
"Audrey......" napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Bakit siya nandito?
"Mark?"
"Hi Auds!" bati niya habang ngiting-ngiti.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko. Napakamot siya sa batok bago ibigay sakin ang isang flyer?
"Opening kasi ng café namin sa labas nitong subdivision niyo. So, kung gusto mo sanang pumunta?" alok niya.
Tinanggap ko naman agad ang flyer. Agad kong napansin ang nakalagay na 50% discount, astig ah.
"Kaya ba hindi ka sumamang field trip....." tinaas ko ang flyer. "Dahil dito?" nakangiting tanong ko.
Ngumiti din siya, "Oo, pupunta ka ba?"
Tumango naman ako at ngumiti. " 50 percent discount eh."
Napatawa siya dahil sa sinabi ko.
"Alis na ko ah!" paalam niya, agad ko naman siyang pinigilan.
"Kain ka......muna?" alok ko, tatanggi pa sana siya pero agad ko siyang pinigilan. "Sige ka hindi ako pupunta mamaya."
Napatawa siya at tumango.
"Adrian kain na!" tawag ko sa kapatid ko, pumasok siya sa kusina dala ang librong binabasa niya.
Tahimik lang kaming kumakain, hindi naman dahil awkward, kundi dahil sinisavor nila ang sarap ng luto ko hahahaha.
"Audrey binasted mo si Hanz?" napalingon ako kay Mark, lumipas ang ilang segundo bago tumango.
Pilit kong kinalimutan kagabi ang nangyari pero dahil sa tanong ni Mark ay bumalik ang lahat sa isip ko.
"Bakit?" takang tanong niya pa. Bumaling muna ako sa kapatid ko para tignan kung nakikinig ba siya, ng hindi ay sinagot ko na ang tanong ni Mark.
"Hindi pa ko handa para sa mga ganong bagay." nakangiting sagot ko.
"Kailan ka magiging handa?" nawala ang ngiti sa aking mukha bago sumagot.
"Siguro, kapag may narating na ko." tumingin ako sa kanya. "Kapag kaya ko ng buhayin ang sarili ko."
Nag-iwas siya ng tingin at binaling ang atensyon sa kinakain.
"Magaling ka palang magluto!" puri niya bigla. Nagtaka naman ako sa biglaang pagiiba niya ng usapan pero napangiti na rin ako.
"Chef ba naman yung parents ko eh!" natatawang saad ko.
Nang matapos siyang kumain ay sakto namang tumawag ang Kuya niya at pinababalik na siya sa café nila.
"Bye!" paalam ko sa kanya.
"Bye Kuya Jay!" paalam naman ni Adrian.
Naka-kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Kuya Jay?"
"Opo, Jay as in letter J galing sa Jacob."
Unti-unting nanlaki ang aking mata. Hindi pa man ako sigurado, kung siya nga si J. Pero sinasabi ng puso ko na 'oo'
****
Dedicated to: kenellen16
BINABASA MO ANG
Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019
Short Story"Kung ang panyo para sa iba ay pamunas ng luha. Para sa akin, ito ang tanda kung gaano kita kamahal." (ON GOING)