Bakit?
"WOW ang galing talaga ni James!" puri ni Rhian habang titig na titig sa boyfriend. Paanong hindi magaling eh captain yan ng basketball team ng school namin.
"Go James!"
"Go Hanz!"
"Go Mark!"
Syempre hindi kami iyan. May iba din kaming schoolmates na nanonood. Karamihan mga babae.
Nang matapos yung game(na nanalo sila James) ay nagsilapitan yung mga babae sa mga boys. May ibinigay silang towel, yung iba naman ay bottled water.
Si Rhian ay nasa tabi na ng boyfriend habang pinupunasan yung mukha nito.
Ako? Nandito sa bench at pinapanood silang lahat. Inilabas ko ang isang librong dala ko at nagbasa.
"Busyng-busy ah!" liningon ko si Hanz. Nakasilip siya librong binabasa ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Actually crush ko siya. Hehehe
"Mmmmm."
Inabutan niya ako ng tubig na agad ko namang tinanggap. Nainuman niya na ata kasi bawas na. Pero wala na akong pake, kanina pa ako nauuhaw.
"Salamat!" padighay na saad ko. Opps! That's embarrassing.
"Hahaha ang cute mo!" pinisil niya yung pisngi ko. Iniwas ko yung ulo ko at saktong nakita ko si Mark na nakatingin samin.
Bumuntong hininga siya at nag-iwas tingin. Ok ano yun?
-
"AYIIIEEEHHH!" napa-face palm nalang ako habang tinitignan si Rhian. Hawak niya yung paper at panyo na nadatnan ko ulit sa arm chair ko pagka-pasok.
Inagaw ko ito sa kanya at binasa ang nasa papel.
Can we be friends?
-J
Yung panyo na binigay niya ay kulay yellow na may flower design sa gilid. Maganda at mukhang mahal. Ayos! Nakalimutan ko ulit na magdala ng panyo.
"Sa tingin ko pinagtitripan lang ako ng kung sino man nagbigay niyan."
"Grabe ka judgemental masyado!"
"Eh kasi kung totoong gusto niya kong maging kaibigan. Sabihin niya na ng harapan, hindi yung dinadaan pa niya sa pasulat effect."
"Ang sweet kaya!" napatigil si Rhian bigla. "Try mo kayang maglagay din ng sulat diyan sa desk mo mamayang uwian?"
Gaya ng sinabi niya ay nag-iwan din ako ng letter.
Sino ka ba talaga? Pwede ba tayong magkita?
-Audrey
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Siguro, dahil na rin excited akong malaman yung sino si J kuno na yun.
"Aud!"
"Hanz, good morning!"
"Good mood ka ata ah!" saad niya habang sumabay na sakin sa paglakad.
Tumawa lang ako, ng makarating kami sa room ay dumeretso na ako sa arm chair ko. Katulad ng inaasahan may letter ulit at panyo.
Kinapa ko ang bulsa ko, ganoon ko ba kaagad inasahan na may panyo ulit kaya nakalimutan kong magdala? Hahaha.
Binasa ko yung nasa letter.
Kilala mo nako, hindi mo lang mapansin dahil nasa iba ang atensyon mo.
-J
.
.
.
.
......okay?
"Audrey, sumagot?" rinig kong tanong ni Rhian, tumango lang ako at inabot sa kanya yung papel.
Matapos basahin ni Rhian ay para siyang fan girl na nakita yung idol sa pagre-react. Sabagay hopeless romantic siya eh. What do you expect.
"Bes ka-kiliggggg. Sinasabi ko sayo, sinasabi ko, sinasabi ko talaga-----"
"Oh anong sinasabi mo?"
"-----Iyang J na iyan, may gusto sayo yan."
Napailing ako. "Wala namang nakalagay diyan eh!"
"Wala nga pero kung mag-di-dig in ka every words diyan sa letter, mahahalata na."
"Paano kung babae pala yung nagbibigay?" kontra ko naman.
"Malabo mangyari." yun lang ang sinabi niya.
Kainis tong J na'to pinag-iisip pa ako, hindi ba pwedeng sabihin na niya ng deretsahan kung sino siya?
Haist.
-
"BES sama ka sakin?" aya sakin ni Rhian.
"San?"
"Sa oval, nandoon sila James eh nagte-training."
Tumango ako at sumunod. Ang alam ko may laban sila James ng basketball next week, kaya siguro puspusan yung training nila.
May meeting kasi sa gym, kaya doon muna sila sa oval. Buti na nga lang may court makakapag-training sila.
"Audrey! San punta niyo?" tanong samin ni Faith. Kasama niya yung iba niyang kabarkada.
"Sa oval." simpleng sagot ko.
"Sama kami ah!" excited na saad nila na parang alam kung anong meron doon. Tumango nalang ako samantalang si Rhian naman ay nakipag-kwentuhan sa kanila.
Nang makarating kami ay unti-unting umambon. Nakita naman namin sila James na patakbong lumapit samin.
"Malas naman." singhal niya bago lumapit kay Rhian. Naglabas ng panyo si Bes at pinunasan ito.
Yung ibang babae na kasama namin ay nag-alok din ng panyo sa ibang players. Yung mga gamit kasi nila nasa kabilang side pa kung nasaan kami, mababasa sila lalo kung pupunta sila doon.
Lumapit sakin si Hanz, basang-basa yung mukha.
"Hi!" bati niya.
Nag- 'hi' din ako pabalik.
Kinapa ko yung bulsa ko. Kinuha ko yung panyo(na ibinigay ni J) at inabot sa kanya. Tinanggap naman niya ka-agad.
"Salamat!"
Ngumiti ako at umiwas tingin, sakto naman na nakita ko si Faith na pinupunasan yung mukha ni Mark.
Naka-stiff lang si Mark, habang si Faith ay kinakausap siya. Napako ako sa kinakatayuan ng tumingin siya sakin.
Kinalibutan ako bigla. Nag-iwas tingin ako at humarap kay Hanz.
"Auds labhan ko muna bago isoli." tukoy niya sa panyo.
"Ayos lang." saad ko saka inabot yung panyo.
Hindi ko alam, pero napalingon ako bigla kay Mark. Nakikipag-kwentuhan na'to kay Faith, habang pinupunasan pa rin siya.
Napahawak ako ng mahigpit sa panyo. Bakit parang gusto kong ako yung nagpupunas sa kanya?
****
Magkasunod na update :)
Dedicated to: SkySungit
BINABASA MO ANG
Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019
Conto"Kung ang panyo para sa iba ay pamunas ng luha. Para sa akin, ito ang tanda kung gaano kita kamahal." (ON GOING)