Chapter 7

44 10 11
                                    

Kiss

"AYOS na iyan!" inirapan ko si James. Nandito ulit kami sa kanila, linggo ngayon at bukas na ang pasahan ng research namin. Hindi na kami pinag-oral defense ni Ma'am Eli, kaya madali nalang.

"Bakit ba madali ka ng madali?" tanong ko habang nakafocus pa rin sa pagtatype.

"May date pa kasi kami ni Yan." sagot niya. Ang cute talaga ng tawagan nila, Yan at Jam. "Papuntahin ko nalang si Mark dito, para may kasama ka." alok niya, kinuha niya ang cellphone na nasa tabi ng laptop na ginagamit ko.

Agad ko naman siyang pinigilan. "Hindi na, uuwi nalang ako."

Pero hindi siya nakinig, nakatutok lang siya sa phone at nagtype.

"Kasi naman!" inagaw ko ang phone niya, pero dahil mahigpit ang pagkakahawak niya rito ay hindi ko nakuha. "Mababatukan na talaga kita!" banta ko.

Nginisian niya lang ako. "Sige lang hahaha." tatayo sana siya mula sa pagkakaupo, pero agad kong hinila ang binti niya.

"Akin na!" inabot ko ang cellphone niya pero pilit niya itong nilalayo. Napabuntong hininga ako at wala sa sariling dinamba siya.

"Aray!" bwelta niya, umikot siya at ako naman ang dinaganan. Ang bigat!

"Ano ba layas shooo!" taboy ko, pero mas lalo pa niya akong isiniksik.

"Anong ginagawa niyo?" napatingala ako, buong pwersa kong tinulak si James. Nakangiti kong hinarap ang dumating.

"Wala lang, hello!"

"Hindi ko na pala kailangang itext, nandito na eh." pasimple kong siniko si James.

"Ba't ganon yung pwesto niyo?" curious tanong ni Mark.

"Epal kasi siya." turo ko kay James, inosente siyang tumingin samin, bago sa wrist watch niya.

"Shet late na pala ko sa date namin ni Yan." kinuha niya ang jacket na nakabalandra sa sofa at dali-daling tumakbo palabas. "Bye guys!" napanganga nalang ako.

Epal talaga, hindi man lang ako tutulungang magpaliwanag kay Mark. Ano nalang iisipin nito, na nilalandi ko ang boyfriend ng kaibigan ko?

"Wala lang yung nakita mo." panimula ko. "Natural lang yun haha....ha...."

"Natural lang na ganon ang pwesto niyo? " napabuntong hininga ako at inayos ang nagulong buhok.

"Inaagaw ko kasi yung phone niyo kanina eh hindi ko makuha, kaya dinaganan ko siya. Hindi ko naman inasahan na dadaganan niya rin ako." paliwanag ko. "Walang something samin ah, kung yan iniisip mo." dagdag ko pa.

Unti-unti naman siyang tumango at ngumiti. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag."

"Kailangan kaya!"

Umupo siya at nagpangalumbaba. "Bakit?"

"Baka kasi kung anong isipin mo." sagot ko.

Naghikab siya bago sumagot. "Hindi naman ako ganon eh." ilang beses pa siya naghikab bago unti-unting nagsara ang talukap ng mata niya.

Ano? Pumunta siya rito para matulog?

Napangiti ako at tinitigan ang mukha niya. Baka siya pa ang dahilan kung bakit hindi ko matapos research namin, ba't kasi ang gwapo niya?

-

"INAANTOK na ako." bulong ko sa sarili, papauwi na ako ngayon samin. Sa tingin ko, ala sais palang ng hapon pero nakakaantok na talaga.

"Kasi kanina nung may free time ka, imbes na umidlip tumitig ka lang sakin." napairap ako sa sinabi ni Mark, ihahatid niya daw ako pauwi.

"Hindi noh!" tanggi ko naman, malamig kasi sa bahay nila James at ang kumportable. Masarap matulog kaya lang tinapos ko pa yung research namin. Saka hindi ko naman siya tinitigan eh, sulyap lang.

"Oo nalang." napatigil siya sandali. "Daan muna pala tayo sa café namin."

Tumango naman ako agad, madadaanan naman talaga namin yun papasok ng subdivision.

Literal na dumaan lang kami sa café nila dahil mayroong nakaabang sa pintuan nito at nag-abot sa kanya ng paper bag.

"Anong laman niyan?" tukoy ko sa paper bag.

"Cupcakes." nakangiting sagot niya. Napalunok naman ako bigla. Nung pumunta kami sa opening ng café nila, yun ang sobrang nagustuhan ko. Para kasing literal na chocolate, tapos yung frosting parang ice cream.

"Kanino mo ibibigay?" curious na tanong ko.

"Kay Adrian." napasimangot ako bigla.

"Ang daya bakit sa kanya lang." bwelta ko, napatawa naman siya.

"Sayo talaga toh, bigyan mo nalang si Adrian." napangisi ako at inagaw sa kanya yung paper bag.

"Salamat!"

-

"ATE para kanino yang cupcake?" rinig kong tanong ni Adrian na nasa likod ko. Liningon ko siya, may muta pa at gulo gulo ang buhok. Samantalang ako ay nakaayos na para pumasok.

"Mag-ayos ka na, tanghali na!" saad ko, habang busy sa pagaayos ng lalagyan ng cupcakes. Wala kasi sila Mama't Papa.

"Ate six am palang po!" napahikab siya. "Bakit kasi ang aga niyo?" hindi ko siya sinagot.

Kumuha ako ng plato, kutsara't tinidor at inilagay sa harapan niya. Sumandok naman siya ng pagkain.

Halos alas kwatro ng umaga ako nagising kanina para magbake nitong cupcake. Balak ko kasing ibigay kay Mark, kapalit ng kahapon.

Hindi man ako ganon kagaling sa baking, pero alam kong masarap ang ginawa ko.

"Alis nako ah, sinabihan ko na yung kapitbahay natin na isabay ka sa pagpasok." sabi ko kay Adrian. Tumango naman siya at ngumiti, medyo nalaglag pa ang ilang butil ng kanin sa bibig niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang umalis.

-

IMBES na sa classroom ako dumiretso ay tumuloy ako kila Mark. Tahimik pa ang paligid, mangilan-ngilan pa lang ang nakikita kong naglalakad papasok.

Nang makarating ako sa classroom nila ay napaatras ako sa narinig.

"Gusto talaga kita!" sinilip ko ang nagsalita, si Faith. Kaharap niya si Mark na nakayuko.

"Sorry...." itinaas ni Mark ang kanyang mukha. "Hindi kita gusto Faith."

Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Faith, si Mark din ay napatigil at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla.

Nalaglag ko ang hawak na box ng cupcake na naging dahilan ng paglingon nila sa pwesto ko.

"Ahhh sorry sa istorbo!" tumakbo ako papuntang classroom. Alam kong hindi ginusto ni Mark yung kiss. Pero, bakit sobrang nasasaktan ako?

------

Dedicated to: AsiraSantos

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panyo(On Going)SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #MSAwards2018-2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon