Chapter 1 - Pagtanggap sa Masakit na Katotohanan

12 3 0
                                    

- Cedric -

"Last semester na." Bulong ko sa sarili ko habang nakahiga pa sa kama. Parang wala talaga akong ganang pumasok sa eskuwela.

Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung magiging excited ako dahil malapit na akong matapos ng pag-aaral o hindi. "Cedric, wala ka na talagang chance. Hayaan mo na." Sabi ko sa sarili ko habang pinipilit ko ang sarili ko na bumangon.

"Sid, bangon na diyan, anong oras na. Dadaanan mo pa si Broox, diba?" Sigaw ng mama ko mula sa labas ng kwarto ko. Pero ayaw ko na. Siguro panahon naman na para tapusin ko na 'tong katangahan na ito. Masyado nang masakit. Napabuntong hininga ako ng malalim pagkatayo ko.

Inasikaso ko ang sarili ko na parang normal lang ang lahat sa akin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mula ngayon, wala nang Broox na magpapatakbo at magpapaikot ng buhay ko. I grinned to myself and told myself "I'm okay." Bumaba ako para kumain.

"Ano ka ba late ka na. Malamang galit na si Broox niyan. Alam mo na yun. Kanina ka pa hinihintay nun." Sabi ng mama ko sa akin pagkaupo ko. "Hindi ko siya dadaanan." Sagot ko sa kaniya na parang wala lang.

"Weh? Halos walong taon, sabay kayo laging pumapasok, tapos ngayon biglang hindi mo siya dadaanan?" Tanong ni ate Bechay, pinsan ko at siya ang kasakasama ni mama sa bahay. "Oo nga, nag-away ba kayo?" Tanong ng mama ko. "Wow! Bago yun ah!" Singit ni ate Bechay sa usapan. Uminom siya ng tubig na parang hindi makapaniwala.

"Ma, matanda na si Trixie. Kaya na nun ang sarili niya." Sagot ko sa mama ko. "Aba kailan mo pa siya tinawag sa pangalan niya?" Tanong ni ate Bechay na parang nangaasar. Si papa nasa hapagkainan pero hindi kumikibo. Parang nasa kawalan ang isip. "Alis na po ako." Sagot ko at tumayo na ako sa hapagkainan. "Hindi ka pa kumakain ah." Habol ng mama ko sa akin. Napatingin si papa at ate Bechay sa akin. "Hindi po ako gutom." Sagot ko at lumakad na ako palayo. "Sabay ka na sa papa mo!" Pahabol ni mama. Napahinto ako pero hindi ako lumingon. "Hindi na ma. Okay lang ako." Sagot ko. "Kaya na niya 'yan. May dadaanan pa ako. Hindi ako pwedeng malate." Sagot ng papa ko.

---

- Trixie -

First day, last semester. Pwede pala talagang mangyari ang first at last. My part na excited ako, pero my part na nalulungkot ako. Parang hindi pa nangyayari mamimiss ko na agad ang mga kaibigan ko sa school. Pero isa lang ang dapat kong tiyakin, ang makapagtapos ako ng pagaaral para makabawi ako sa mga magulang ko na kumayod para mapagtapos ako.

"Parang hindi papasok si Budoy ah. Tinext mo ba yun?" Tanong ng mama ko sa akin. Habang nag-hihintay ako sa sala. Kanina ko pa siya hinihintay pero wala pa siya. Ano na kaya ang nangyari dun? "Tinext ko na po. Sinubukan ko ding tawagan pero unattended po." Sagot ko kay mama. "Edi tawagan mo si tita Esther mo. Tanungin mo baka kung ano ang nangyari dun." Mungkahi ni mama. Bihira ko gawin iyon. Kaya medyo nagalala talaga ako. Nangyayari lang iyon kapag may nangyayaring masama sa kaniya. Pero tinawagan ko siya. Para malaman ko kung okay lang ba siya.

"Good morning po tita. Itatanong ko lang po sana kung nandiyan pa si Budoy." Bati ko kay tita Esther. Inilagay ko sa loudspeaker para marinig ni mama ang pag-uusap namin. "Naka alis na siya ah. Kanina pa." Sagot niya sakin. "Ah ganun po ba. Baka po malapit na yun. Salamat po." Sagot ko sa kaniya. "Dadaanan ka daw ba niya?" Tanong niya. Nakatingin lang si mama. Parang nanibago ako bigla. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Baka parating na po yun. Salamat po." Sagot ko nalang sa kaniya.

"Kanina pa daw nakaalis, bakit wala pa ngayon? Baka kung ano naman nangyari dun?" Nag-aalala din si mama. Ngayon lang nangyari ito. "Ma, alis na po ako. Kung darating po siya pasabi nalang po nauna na ako. Baka kasi malate kami kung hihintayin ko pa siya." Hinalikan ko ang mama ko sa pisngi at umalis na ako. Nagmamadali ako. Humanda sa akin yun kapag nakita ko siya. Pinag-alala niya si mama.

---

- Cedric -

Medyo nakukonsensya ako na hindi ko dinaanan si Trixie. Sigurado ako hinintay ako nun at sigurado ako magagalit yun kapag nakita niya ako. Pero, baka ito na yung paraan para matapos ko na itong paghihirap ko sa kaniya. Sana nga noon ko pa ginawa. Hindi ko alam kung kaya ko pero sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko kayang mawala siya paulit-ulit kong naririnig ang usapan nila ni Ron nung high school palang kami.

"Ron, pwede ba? Tantanan mo muna ako? Ang bata ko pa. Ang focus ko ngayon ay ang pag-aaral ko. Saka hindi ko nakikita ang soulmate ko sayo. So, please, let's just be friends, okay? Huwag mo na akong inisin." Mahahalata sa boses ni Trixie na naiirita na siya sa kakulitan ni Ron. Natutuwa ako habang nakikinig ng patago.

"Bakit Trixie? Dahil ba kay Sid? Si Sid ba ang soulmate mo? Siya ba ang gusto mo?" Tanong ni Ron sa kaniya. Natahimik si Trixie. Narinig ko kung pano siya huminga ng malalim. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung matatakot o mananabik sa isasagot ni Trixie. Parang gusto kong tumakbo. Baka masaktan lang ako. Pero paano kung hindi?

"Ron, best friend ko si Budoy. Alam mo iyan. Wala akong nararamdaman dun. Mahalaga siya sakin bilang kaibigan ko. Yun lang Yun. Parang kapatid ko si Budoy. Bakit ko naman siya magugustuhan? Kaya pwede ba, tigilan mo na ako? Please naman. Hindi si Budoy ang soulmate ko. At mas lalong hindi ikaw." Parang naiiyak na si Trixie. Pero parang mas naiiyak ako sa mga narinig ko.

It's been  5 years nung marinig ko yun. Pero hindi ko matanggap na ganun talaga ang nararamdaman ni Trixie para sa akin. Binalewala ko lang yun. Pinagbuti ko ang sarili ko. Nagaral akong mabuti para mapansin niya ako. Ginawa ko ang lahat at umasa akong baka magbago ang nararamdaman niya sa akin. Pati pangarap ko kinalimutan ko para sa kaniya. Kumuha ako ng kursong kapareho ng kaniya para makasama ko siya. Pero hindi siya nagbago kahit kailan.

"Wow, pre. Pinanindigan mo talaga?" Salubong ni Ron sa akin pagdating ko sa school. "Magpalit ka na rin kaya ng kurso." Tukso niya sa akin. "Sira, gagraduate na ako magpapalit pa ako." Sagot ko sa kaniya.

"Malamang magagalit yun." Tinatakot ako ni Ron.  "Sure ka na ba sa gagawin mo pre?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya agad masagot. Naglakad ako para humanap ng mauupuan. Sinundan niya ako. Naghihintay siya ng sagot.

"Friendzone. Yung ang tawag sa kagaya ko. Napakarami kong dahilan para kalimutan siya pero mas marami na kaming pinagsamahan para gawin yun. Nakakapanghinayang pero ngayon lang ako gagawa ng para sa sarili ko. Sa tuwing maiisip kong sayang lahat ng mga napagsamahan namin, kasabay nun na maalala ko kung paano niya ako nasasaktan." Paliwanag ko kay Ron habang naghihintay kaming magsimula ang klase.

"Pre, pano ka ba niya nasaktan? Nabasted ka ba ng hindi ko alam?" Tanong niya.

 "Simple lang, alam ko namang hindi niya sinasadya yun pero hindi ko maiwasang masaktan." Sagot ko sa kaniya. Nagbalik sa alaala ko ang autograph book ni Sam nung malapit na kaming magtapos ng high school. Kung saan ilalagay mo ang pangalan mo, address mo, cellphone number mo, crush mo, cute guys or girls in your school, message mo sa kaniya at kung anu-ano pa. Nagpatulong pa siya sa akin kung anong message ang magandang ilagay dun. Nakita ko dun kung sino ang mga crush niya, kung sino ang mga cute sa school para sa kaniya. Simple lang diba, pero masakit. Sobrang sakit.

"Huy!" Ginising ni Ron ang diwa ko. "World War 3 na siguro ito". Sabi niya sa akin at umupo na siya sa upuan pagpasok ng professor namin. "Pre wala pa si Trixie. Malamang hinihintay ka pa rin nun. Lagot ka." Banta niya ulit sa akin. Nag-alala din ako. Ngayon lang siya malilate sa kaunaunahang pagkakataon.

Pero sigurado na ako sa ngayon. Tanggap ko na. Habang maaga pa. Para masanay na ako bago pa siya tuluyang mawala. 

---

Who Is My SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon