- Trixie -
"Humanda ka talaga sa akin Budoy. Anong kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin ito?" Bumubulong ako sa sarili ko habang nagmamadali papunta sa room.
"Good morning miss...?" Salubong sa akin ng professor namin. "Trixie Salazar po, Sir." Sagot ko sa kaniya. Hindi ako agad nakaupo. Sinusubukan kong ngumiti.
"Ah, the VP of COC Club. I know that my subject is not your major but you do realize that you will have to go through me before you graduate, right?" Tanong niya sa akin. Nakakatakot pala talaga siya. Nakakakaba at nakakahiya. "Lahat kayo, hindi niyo ako matatakasan dahil ako lang ang nagiisang NatSci 1 professor dito sa ating university. At tinitiyak ko sa inyong dadaan kayo sa butas ng karayom para makapasa sa subject ko. Kaya kung ako sa inyo, be on time, bago mahuli ang lahat." Nakakakaba ang sinasabi niya. Ganun ba talaga dapat ang preassure kapag graduating ka na?
"You may sit, Ms. Salazar." Napakafake ng ngiti niya sa akin. Umupo ako. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin ng masama kay Cedric dahil sa ginawa niya sa akin sa araw na ito. Tinitigan ko talaga siya para maramdaman niya kung gaano ako kagalit sa kaniya. Nakatingin siya sa akin. Pero iba ang nakikita ko sa mata niya. He doesn't feel sorry for it. Parang galit din siya pero nakikita kong malungkot siya.
"Madumi ba ang upuan mo Ms. Salazar? Gusto mo ba punasan ko para maupo ka na? Kasi naubos na ang half hour ng klase eeksena ka pa." Pinapaupo na ako ng professor namin. Intimidating siya. Iniabot ko sa kaniya ang class card ko at naupo ako. Nagpatuloy lang siya sa pagtawag ng mga pangalan namin. Hindi ko din alam kung bakit kailangan niya pang makilala kami, hindi naman niya kami lahat makikilala sa dami namin.
"Ngayon, ilabas niyo ang mga notebook niyo para sa NatSci, at isulat niyo ang pangalan ko." Mungkahi niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming isulat ang pangalan niya. Pero sumunod kami. Nagsimula siyang sumulat. 'VICTOR LAMUG'. Nagpatuloy siyang magsalita. "Gusto ko alam niyo ang pangalan ko. Para kapag hahanapin niyo ako sa SAO, alam niyo kung sino ang hinahanap niyo hindi yung kung anu-ano pa ang sasabihin niyo, 'Nasaan po yung kalbong prefessor na payat.'" Nagsimula kaming matawa. Parang nawala ang kaba ko sa kaniya. "Ang basa dito ay hindi Lamug. Hindi ako manggang nahulog sa lupa at nalamog. Mabagal lang ang pag-basa, La-mug. Hindi lamog, maliwanag?" Ang sakit na ng tiyan ko. Pinipigilan ko ang pagtawa.
Lumingon ako kay Cedric habang tumatawa. Tinignan ko siya kug natatawa siya pero nakatingin lang siya sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya. Malungkot talaga siya. Naisip ko na baka may problema nanaman siya sa bahay nila. Sa tatay niya. Siguro, hindi na muna ako dapat magalit sa kaniya. Kung may problema siya, dapat damayan ko siya.
---
- Cedric -
"Grabe no, nakakatakot si Sir Lamog nung una. Pero nakakatawa pala siya." Natatawa si Ron habang palabas kami ng room. "Ang arte pa. Gusto niya mauuna siyang lalabas bago tayo." Halos manigas ang tiyan niya sa katatawa. Hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga makuha ang humor niya o dahil wala lang ako sa mood.
"Hoy, hindi ka ba natawa sa kaniya?" Hinihila ni Ron ang braso ko. Parang naghahanap ng atensyon.
"Budoy!" Narinig ko ang boses ni Trixie mula sa likuran. Pero kailangan kong magkunwaring wala akong narinig at nagsimula akong maglakad ng mabilis. "Budoy, isa! Sandali lang!" Sigaw niya habang hinahabol ako. Bigla siyang nadulas at bumagsak dahil sa kakahabol niya sakin. Napalingon ako sa lakas ng sigaw niya at ng mga taong nakakita sa kaniya. Naawa akong nakakita sa kaniya kaya tumakbo ako para tulungan siyang tumayo. Dahil sa pagtakbo ko nadulas din ako. Tumawa siya at nawala yung hiya niya.
Tinulungan ko siyang tumayo. Pero hindi ko magawang tumawa gaya niya. Itinayo ko siya at nagsimula ulit akong maglakad. Ang totoo, napahiya ako sa nangyari. Pero hindi siya napagod na sundan ako hanggang sa makapunta kami sa next class namin. Tumabi siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Who Is My Soulmate
RomantiekPinapangarap ni Trixie Salazar na magkaroon ng love story na gaya ng sa mga magulang niya. Naniniwala siya na soulmates ang mga magulang niya kaya mahal nila ang isa't-isa. Sa hindi niya inaasahan, ang pinakamatalik niyang kaibigan na si Cedric Garc...