*Kringg!!* Kringg!!*
"Zem!!"
"Zemeviah Ashanti!!"
Tinakpan ko ng unan ang magkabilang tenga 'ko, isa pa 'tong cellphone ko ring ng ring.
"Naliligo pa 'ko Ma!" Sigaw ko pabalik sa kanya ng marinig ko sigaw niya sa labas.
"7:30 na, malelate kana!" Sigaw ulit ni mama sa labas, kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung oras 7:32am
What the!? Gash! Male-late na'ko. First day of class pa naman ngayon, 8:00am yung pasok ko.
Bumangon na'ko mula sa kama at dumeretso sa banyo.
Oyes! Nakahiga pa'ko 'nung sinabi ko na Naliligo pa'ko hehe..Eh, baka malaman niya na nakahiga pa 'ko magsesermon na naman yun.
Pagkatapos 'kong maligo ginawa ko na daily routine ko. At nagbihis ng pambahay.
After 5 minutes...
Bumaba na'ko at dumeretso sa kusina.
"Kumain kana kanina pa Ring ng ring yung cellphone mo di ka parin nagigising. Dalian mo jan late kana" habang nilalapag nya mga pagkain sa mesa.
'Di na'ko nagsalita pa at inamoy ko nalang yung inilapag ni mama na pagkain.
"Hmmm... Egg and bacon, my favorite. Thanks ma!"
Lab talaga ako ni mama, ayiee!!
•••
Nang matapos na'kong kumain, bumalik ulit ako sa kwarto ko. 'Di ako nagbihis ng uniform kanina baka madumihan habang kumakain ako.
Kinuha ko yung uniform na nasa Closet ko.
Simple lang naman yung uniform namin.. Grey long sleeve, maroon neck tie na may nakasulat na 'De Leveo' and yung skirt na hanggang ibabaw ng tuhod and black slacks and shoes.Pagkatapos ko'ng magbihis bumaba na'ko at naabutan ko si mama sa Sala na nunuod ng TV. Napansin niya naman ako na papalapit sa kanya, kaya tumayo sya mula sa pagkakaupo sa couch at pinatay yung TV.
"Wow, bagay na bagay sa baby ko yung uniform niya ah." sabi ni mama at tinignan ako Head to Toe.
"Psh. Tara na nga." Yaya ko sa kanya at tumango lang sya.
Single mom si mama, and my father died when i was 3 years old.
"Kukunin ko muna yung susi.."
Si mama ang maghahatid sakin sa Univ. kaya lumabas na'ko at hinintay siyang lumabas ng bahay.
Habang naghihintay sa labas naglibot muna ako sa garden namin. Alaga'ng-alaga 'to ni mama kaya halos bulaklak yung makikita sa paligid ng garden.
*Beep*Beep*
Kumaripas ako ng tagpo papuntang gate.
Naabutan ko yung sasakyan namin sa labas ng gate.Kaya lumabas na'ko at nilock yung gate. Pagpasok ko sa sasakyan, naabutan ko si mama na nakakunot yung noo.. Galit ata to?
"San kaba galing!?" Sabi na nga ba eh. Halos magkadikit na yung kilay nya.
"Sa garden lang, naglilibot" sabi 'ko at pinaandar na niya yung sasakyan.
"First day of classes late ka." Seryosong sabi niya habang nagmamaneho.
"Good luck nalang sakin. Medyo excited na may halong kaba yung nafe-fell ko ngayon. Hehe"
Umiiling nalang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
----
End of chapter 1!
YOU ARE READING
Not His Property
Ficção AdolescenteBasahin mo para malaman mo kung ano'ng meron sa book na 'to :). Enjoy reading!