Napahawak ako sa ulo 'ko habang hinihimas-himas ito.
"Zem, ok kalang?" Sabi ni chandi habang tinulungan ako'ng makatayo.
Lalake yung nabangga ko eh, kaya mas malakas yun kesa sakin. Kaya ako yung tumilapon.
"Ano ba miss!? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Singhal niya sakin 'nung nakabangga ko
Isa sa pinaka ayaw ko ay, yung sinisinghalan ako. Humanda ka sakin lalake ka!
"Ano!? Ako pa ngayon yung may kasalanan? Kung ikaw kaya yung tumingin sa dinadaanan mo, naglalakad lang kami 'tas ikaw tumatakbo!? Naguusap kami ng kasama 'ko kaya di kita nakita. Tayo'ng dalawa may kasalanan dito kaya 'wag 'kang OA!" ang haba ng sinabi ko, kaya hiningal ako. Habang ito nama'ng kasama 'ko nagpapacute sa lalake na kaharap ko.
"Uso huminga miss." Inilapit niya yung mukha niya sakin. "Wala ako'ng pake kung sino may kasalanan. Waste of time." Tumakbo na ulit siya. Napansin ko naman yung mga estudyante na nakatingin samin na nagbubulongan.
Bakit BigDeal sakanila yung away na yun!? Mga ichosera nga naman.
"Tayo na nga. Humanda talaga siya sakin, di man lang ako tinulungan 'nung bumagsak ako sa lupa. Napaka gentledog niya." Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hindi mo ba kilala yung nabangga mo?" Nagtataka'ng nakatingin si chandi sakin
"No. Bago lang kaya ako dito. Bakit, sino ba 'yun?" Di namin namalayan na nasa tapat na kami ng class room namin.
"Siya si.... oh! Nandito na pala tayo sa room natin." Sabay hila sakin sa loob ng room.
Baka may prof sa loob, bigla lang pumasok 'tong babae nato. Di manlang kumatok.
"Wala pa si prof. Dun tayo sa dulo!" Sabay turo niya sa bakanteng upuan sa likod.
Tumango na lamang ako.
Pagkaupo namin, tinanong ko siya tungkol sa lalake'ng nakabangga ko kanina.
"By the way, yung guy kanina. Who is he?"
"Si Zachden? Siya yung Heartthrob dito sa university. And also the King in De Leveo University." So? Yung lalake'ng yun heartthrob sa univ. na 'to? Wow! Just Wow! Ang panget 'nun 'tas naging heartthrob!? Tss.
"King? Heartthrob? Bakit naging Heartthrob ang panget na 'yun!? Bulag ba sila, o nagbubulag-bulagan lang?" Sabi ko sabay irap sa ere.
"Panget ka jan! Ang gwapo kaya niya, matangos pa yung ilong niya tas ang puti niya!" Ani ni chandi sabay hawak sa braso ko na kinikilig sa sinabi niya.
"Puro ka niya-niya! Bulag nga talaga kayo."
Natahimik ang mga estudyante dahil sa lalake'ng pumasok sa room, siguro nasa mga 40's na yung edad niya.
"Good Morning everyone, I'm professor Dale. Ako ang Science Teacher ninyo." Pakilala ng lalake na pumasok kanina.
So, siya pala yung prof. namin. Parang strikto eh.
Nagsimula na siya'ng magdiscuss about Motion.
Ito naman ako nakatulala lang sa harap, wala ako'ng gana makinig ng mga discussion ngayon.
-----
End of Chapter 3
YOU ARE READING
Not His Property
Ficção AdolescenteBasahin mo para malaman mo kung ano'ng meron sa book na 'to :). Enjoy reading!