THIRTEEN

622 44 24
                                    

Please vote and comment if you liked this chapter. Thank you!

. . .
One Day Before Summer Vacation
Naga City, Isla's school
1:08 PM
. . .

Grabe ang pag-aalalang nararamdaman ko, hindi ako mapakali. Apat na araw na akong ganito. Hanggang ngayon, wala padin akong balita kay Unique matapos ang nangyari. Kinontact ko ang mga social media accounts niya, hindi lang sa Twitter pero pati na rin sa Facebook at Instagram pero wala naman akong napala.

Iniiwasan ko na ding magbasa ng tweets sa Twitter. Dahil halos lahat ng nakikita ko ay tungkol kay Unique at ang "mystery girl" at "midnight affair" niya. Nagkakagulo na sila. Yung iba, protective kay Unique at sa privacy niya. Yung iba, intrigued kung sino ang babaeng yun, ang iba din naman, kagaya ko, nag-aalala para kay Unique.

Napabuntong hininga ako. Ano nanaman ba ang irarason ko sa sarili ko tungkol sa pagkawala niya para gumaan ang loob ko? Na busy lang siya? Wala siyang oras?

"Isla," Tinigil ko ang aking pagyuko, at tumingala. Nasa harapan ko ay si Kyle.

Magkaibigan kami ni Kyle. Simula pagkabata. Palagi kaming magkasama, dahil mag-bestfriends ang mga magulang namin. Minsan nga, inaasar kami ng mga Mama namin na matagal na nilang pinlano ang magiging kasal, nung mga sanggol pa lang kami.

Dati, naiilang din ako, but eventually I got over it. I think. Sobrang close kami dati, pero nagbago yun nung nag SHS kami. We still attended to the same school, lived in the same neighbourhood. But I had Alex and Jessa, and he had his own circle of friends.

It felt normal that we drifted apart. Bigla akong nakaramdam ng konsensiya dahil hindi ko man lang tinry na magreach out sakanya, pinabayaan ko lang na magkalayo kami.

"Kyle. Sorry."

"Dapat lang."

Ngumiwi ako. "Naging busy lang ako."

He rubs the back of his neck, his expression softening. "Sorry din."

"Don't be, but hey how about I make it up to you?" I wiggle my eyebrows up at him, knowingly he hates when I do that.

He grimaces at my eyebrows. "One, tigilan mo nga yan. Two, pano?"

"Cafe. Libre ko lunch mo." I say as I stop my very impressive, highly skilled, eyebrow movements.

"Deal." He smiles, then heads back to his desk.

A few more minutes and it'll be lunch break. My phone that is placed on the table begins to vibrate.

With my (now normal, every time my phone vibrates) adrenaline rush, I grab my shattered-screen phone, unlocking it; never bothering to check what the notification is from.

Alex 🤮

< Psst pa-punta na kami sa canteen, nasan ka na?

Looking down at my text message from Alex, my heart falls a bit realizing it wasn't Unique.

Next time nalang,
Hindi ako pwede :( >

< Awwww how come?

Kasama ko si Kyle ngayong
lunch break. >

< Seryoso? Okay na kayo?

EASE | unique salongaWhere stories live. Discover now