THREE

607 23 5
                                    

. . .

The damsel-in-distress is
was tired of needing someone
to pull her from the abyss.

This time,
She will be the white knight,
She will try to save the prince.

. . .
Naga City,
Camarines Sur, Bicol
3:34 PM

Three weeks. Three weeks na ang nakalipas mula nang iunfollow ako ni Unique. Bumabalik balik din ako dun sa bookstore kung saan kami nagkita pero hindi ko na siya pumunta dun ulit. Nakauwi na ako sa Bicol, since pumunta lang naman ako sa Marikina para bisitahin ang tita ko.

Kahit pa ganun ang nangyari, hindi ko padin maiwasang mag-alala para sakanya. Pero sino nga naman ba ako? Fan niya lang naman ako. Maybe this is what boundaries are for? Hindi niya ako saviour. Sarili ko ngang buhay hindi ko maayos ayos, pano nalang ang sakanya?

Madaming nagsasabi sakin na napapansin nilang nag-iba ako. Naging moody daw. Kaya ang sinasabi ko, PMS lang. Nakakatawa isipin kung gano kalaki ang naging epekto sakin ng kalagayan ni Unique. Habang siya, wala namang pakialam sakin.

Siguro nga kinamumuhian niya ako. Siguro pinagsisisihan niya na nagkakilala kami nung araw na yun. Malamang, nag-aalala siya na baka may pinagsabihan na ako nung nalaman ko at kumakalat na. Pero mali siya. Dahil kahit na ang hirap kimkimin, ang hirap na ako lang ang nakakaalam, wala padin akong pinagsasabihan kahit ang mga matatalik kong kaibigan.

                    "Alam niyo, ang gwapo talaga ni Blaster!" Sabi ni Jessa habang pinapakita samin ang litrato ni Blaster habang nagpperform sa gig nila noong isang linggo. "Saan kaya ako makakahanap ng isang Blaster Salonga?"

                    "Sus! May Blaster blaster ka pang nalalaman diyan!" Hinampas ni Alex ang braso ni Jessa. "Eh Silonga ang apelyido nyan! Saka mundo lang naman ang alam mong kanta ng Spades!"

Tinignan ko lang silang dalawa at pinigilan ang sarili kong tumawa.

                    "Grabe ka friend!" Reklamo ni Jessa. "Atleast sinusupportahan ko sila, diba? Yun naman ang importante. Pero hays, ang gwapo talaga ni Blaster."

                    "Oo na," Sabi ni Alex. "Pero hindi ko padin ipapatalo ang boses ni Unique. Shet! Nakakainlove ang falsetto niya. Parang gusto ko na siyang pakasalan!"

True ... I silently agreed with them.

                    "Hoy! Isla, bakit ang tahitahimik mo jan? Dati halos mag-wala kana kapag AYVI OF SPADES ang topic eh, halos hindi nga mapigil yang bunganga mo!"

Tinignan ko si Jessa ng masama. "Four of Spades kasi yun, gaga ka ba? Hindi AYVI! Kaka-Blaster mo yan eh!"

                    "Eh, AYVI ang gusto ko eh! We're in a democratic country! Charot, saka mas maganda naman pakinggan diba? Sosyal."

                    "Bahala ka nga jan." Ngumiwi ako. Bumalik nalang ako sa pagkain ng lunch ko. Na may . . . Chopseuy. Napasimangot ako, seriously? Bakit lahat nalang nakikita ko, naaalala ko siya? Malayo na kami sa isa't isa pero bakit di ko siya matakasan?

Bakit ba kasi may pakialam ako? Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya kilala bukod sa facade at reputasyon na meron siya. At kahit na may pakialam naman ako, wala naman akong magagawa diba?

Ngumiti si Alex at Jessa, dahil tumugtog ang Hey Barbara sa cafeteria. At kinailangan ko nang umalis doon kahit na hindi pa natatapos ang kanta.

...
...

Nakasakay na ako noon sa bus pauwi, nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakareceive ako ng tweet galing sa mga finifollow kong fan accounts.

@IVOSUPDATES: Zild was spotted with Shanne at ...

View Photo

@IVOSUPDATES: Meanwhile, Unique was spotted at a cafè in Naga City

View Photo

Binasa ko ito nang paulit ulit para masigurado na hindi ako nagkakamalii. Alam ko kung nasan siya. Kahit hindi ipinakita sa picture kung saang cafe talaga ito, nalaman ko padin dahil pamilyar ito saakin. Minsan pumupunta din kaming tatlo doon kapag uwian. Pano yun nangyari? Bakit siya nandito? Nanginginig ang kamay ko na nag-scroll.

Ano kaya kung puntahan ko siya? Pero ... kahit pa nandito siya, impossible padin naman na makausap ko siya. Dahil patuloy ang pagsikat nilang apat, sigurado akong dudumugin siya ng fans. Saka, kung malapitan ko man siya, kakausapin niya ba ako? Mas malaki ang posibilidad na ipagtatabuyan niya lang ako.

Napabuntong hininga ako at dahan dahang pumikit. Siguro mas makakabuti para saaming dalawa kung mananahimik na lamang ako at kakalimutan ko nalang ang nangyari.

Pero bago pa man maging buo ang desisyon ko, bigla kong naalala si Unique. Naalala ko ang pagod at malungkot niyang mga mata, ang mahigpit at pilit niyang ngiti, at ang braso niya.

Kinuha ko ang bag ko, bumaba ng bus at sumakay ulit ng taxi.

Nakapagdesisyon na ako.

EASE | unique salongaWhere stories live. Discover now