"IKAW AT AKO PERO WALANG TAYO"

21 4 0
                                    

“IKAW AT AKO PERO WALANG TAYO"
.
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba iyong araw na tayo'y
nagkakilala?
Naaalala mo pa ba iyong mga panahong tayo'y
magkasama?
Tawanan at kulitan
Mga alaalang kaysarap balik-balikan
Tanda ko pa nga iyong araw na nagtapat ka
sa'kin ng pag-ibig mo
Ang sabi mo mahal mo ako
Saya ang naramdaman ko ng mga panahong
iyon
Lalo pa't may nararamdaman na rin ako para
sa'yo
Naging malapit tayo sa isa't isa
M.U nga kung tawagin nila
Alam kong mahal mo ako at mahal din kita
Ipinaramdam mo sa akin ang tunay kong halaga
Sabi mo ako lang
Pero bakit... Bakit naghanap ka ng iba?
Hindi pa ba ako sapat?
Hindi makakain, hindi makatulog, sapagkat ikaw
ang laman ng aking isipan
Sa kada umagang gigising ako, ramdam ko ang
bigat dito sa dibdib ko, bunga ng pananakit mo
Anong nagawa kong mali para ganituhin mo
ako?
Nasan na ang pangako mong ikaw at ako
hanggang sa dulo?
Ang sabi mo, maghihintay ka hanggang sa
makatapos tayo
Minahal mo ba talaga ako?
O, isa lang ako sa mga babaeng pinaglaruan
mo?
Babaeng pinakilig, pinasaya, at iniwang
nakatanga
Tanga na umaasang mamahalin din siya
Mamahalin ng lalakeng mahal niya
Pero hindi niya alam
pinaglalaruan lang naman pala siya
Alam kong sa mata ng madlang mapanghusga
mukha akong tanga
Salamat... salamat sa masasaya't masasakit na
alaala
Ito'y aking babaunin hanggang sa huli kong
hininga
Alam ko namang masaya ka na sa kanya
Kaya palalayain na kita
Palalayain kita... kahit hindi naman naging tayo
Hindi na ako aasa sa salitang ikaw at ako
hanggang sa dulo
Oras na siguro para mag-move on
Magmove-on... magmove-on sa taong minsan na
akong sinaktan
Pagod na 'ko... Pagod na 'kong iyakan ang
lalakeng sa damdamin ko'y walang pakialam
Panahon na siguro para ika'y kalimutan
At buksan ang puso ko para sa iba
Sana lang maging masaya ka na
Sisikapin kong kalimutan ka... kakalimutan kita
kahit mahirap
Sapagkat iyon ang tama at mainam gawin
Dahil alam kong kailanma'y hindi ka magiging
akin
Ako na... ako na ang kusang lalayo... ako na!
Oo, masakit malayo sa taong mahal mo pero
mas masakit iyong katotohanan na nand'yan
lang siya sa tabi mo pero parang ang layo niya
sa'yo.
Ikaw... ikaw ang dahilan ng kusa kong paglayo
Sana sa aking pag-alis ay maalala mo na may
isang babaeng nagmahal sa'yo... nagmahal
sa'yo ng tapat at totoo
Minsan sa buhay may mga tao tayong sadyang
kailangan kalimutan
Masakit man ngunit kailangan
Upang hindi ka tuluyang umasa at masaktan sa
taong alam mong hindi ka kayang pahalagahan.

"TIPS para hindi na MASAKTAN" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon