Si Razell Kevin Adams ang hari ng eskwelahan niya.
Mayaman siya kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Gwapo siya kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at maraming lalaki ang naiinggit sa kanya.
Athletic siya kaya nag aagaawan ang mga sports club sa kanya.
Matalino siya kaya lahat ng teacher niya ay hanga sa kanya.
Lahat ay nasa kanya na at masaya siya sa ayos ng buhay niya.
Pero nagbago at nagulo ang buhay niya dahil sa pagdating ng isang Miriana Faye Smith.
Nataasan nito siya sa isang exam at ang masaklap nito ay isang point lang ang lamang nito.
Simula nang dumating ito sa buhay niya ay hindi na niya naranasan ang manalo.
Isang araw ay narinig ni Kevin ang usapan ng isang barkada tungkol sa isang laro...
laro ng LOVE...
ang unang umibig sa isa ay matatalo
dahil dito kaya naisipan ni Kevin na paibigin si Miriana at ireject ito kapag nagconfess ito sa kanya..
Ano kayang mangyayari sa dalawang ito?
Matatalo kaya ni Kevin si Miriana?
Eh paano si Miriana na walang kaalam alam sa binabalak ni Kevin?
Ano ba ito? Comedy? Romance? Action?
May patutunguhan kaya ang istoryang ito? XD
*first book in hikari's chronicle*
note: yung first 3 chapters nito ay hindi akin. galing sya sa manga na nabasa ko noon pa. Hindi pa nga sya tapos eh kaya gumawa ako ng sarili kong karugtong ng story na yun. pasensya na, ang ganda kasi nung story. inuulit ko: di ko inaangkin yung mismong story nung manga. Pero the rest of the chapters are from my imagination. Wag kayo magalit ha.
BINABASA MO ANG
Fall for Me
RomanceNaisip ni boy na maglaro ng isang laro. Ito ay isang laro na magulo ang mga rules at sigurado siya na ang isang katulad ni girl ay agad agad na matatalo dito. Ano ang larong ito? Ito ay isang laro ng LOVE. Sino kaya sa kanilang dalawa ang mananalo...