Red

76 26 1
                                    

♪ Hayaan mo sila, hayaan mo sila,

hayaan mo silang maghabol sa'yo ♪

Ang kantang iyan ang tumutugtog ng malakas sa loob ng minamanehong sasakyan ng isang lalaki habang papunta siya sa opisinang pinapasukan. Kasabay ng tugtog ang bahagyang pag-indak ng kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan. Ultimo ang kanyang pagbusina sa mga sasakyang kanyang inuunahan ay halos nakasabay sa mga nota ng musikang iyan.

Kasabay naman ng pagsampa ng gulong ng kanyang sasakyan sa rampa patungo sa harap ng gusali kung saan siya pumapasok ay inihinto niya ang musikang iyon na tumutugtog sa kanyang cellphone, hinugot ang plug, at pinindot ang play button ng mp3 player ng sasakyan...

♪ They don't know that I am came

running home when I fall down,

they don't know who picks me up

when no one is around ♪

Pagtapat sa entrada ng gusali ay bumaba siya sa sasakyan ng hindi pinapatay ang makina nito, at ang naging pagbati agad ng dalawang guwardiya ay...

"Good morning sir!" sabay yuko ng ulo

Itinapat niya ang nakasarang kamao sa dalawang guwardiya at binuksan ito para ipakita ang susi ng kanyang sasakyan...

"Kayo ng bahala."

"Sige ser"

Hindi naman maiwasan ng mga guwardiyang magbulungan pagkalampas na pagkalampas sa kanila ng lalaking tinawag nilang "ser"

"Hanep talaga, sana ganyan din ako nung binata pa ko wew"

"Onga eh, pero kakaiba rin yan si ser eh no, tugtugan pa lang"

"Ha, laging mga malalalim at inspirational ang tugtugan niyan sa sasakyan. Dalhin ko muna 'to sa parking."

Sa katuwaan ng dalawang guwardiya ay di nila napansin na may isang babaeng nakalusot sa kanilang inspeksyon at sumunod sa kanilang ser.

Ang lalaki naman ng makapasok sa gusali ay nginitian agad ng cute na receptionist para lamang batiin ng isang matamis na "Good morning" at bilang pagtugon ay itinaas lamang ng lalaki ang kanyang kamay sa receptionist.

Pagkapindot ng button ng elevator na pababa pa lamang galing sa ika-44 na palapag ay natigilan ang lalaki sa boses na kanyang narinig galing sa likuran

"Red!"

Napatingin lahat ng nasa lobby ng marinig ang sigaw na iyon. Kilala niya ang boses na tumawag sa pangalan niya kaya naman dahan-dahan siyang lumingon para makita ang isang babaeng nakapostura at may suot na mataas na heels...

"'nyeta ka, you'll just dump me like a whore after all?!" Maluha-luhang sabi ng babae

"Ha?" Sagot ng lalaking tinawag niyang Red

"Anong ha? Di ka na sumasagot sa tawag, chat, text, di ka nagpupunta sa hang-out place natin tapos ha lang?"

"Ah okay, busy ako e."

"Busy? Siguro may iba ka na noh? Ano pagkatapos nung mga nangyari sa'tin ganito na lang. Pano na tayo?"

Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid ngunit walang magawang tumawa o magbigay ng kahit anong malaking reaksyon sa napapanuod na eksena.

"Teka lang, let's make this clear. Walang tayo, it just happened na nakaiinom tayo, we spend the night together, nag-enjoy ka, inulit natin for a few times and that's it."

"Gago! Gago ka? Parang di ka nag-enjoy ha"

"Okay I admit, nag-enjoy ako on the 2nd time... no it's on the third time, and thank you for that. Now if you'll excuse me, I have work to do."

RED LIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon