Fifty Shades of Red

37 27 2
                                    


"Eew..." sagot ni Light sa operator ng elevator

Napa-buntong hininga na lamang at napa-iling si Red habang hinihintay na marating ng elevator ang ika-labintatlong palapag.

"Ting! Floor 13"

Habang bumubukas ang pinto ay nagsalita ang operator...

"Have a good night ser!"

Nilingon ni Red ang operator at tinignan ng masama

"Isa pang komento mo I will report you to the management."

Natigilan ang operator at napalunok habang lumalabas sa pinto si Red. Bumulong naman si Light... "Sungit." Sabay sunod kay Red

Naglakad si Red patungo sa unit sa dulo ng palapag pagkaliwa mula sa elevator at tumigil siya sa may pintuan, nilingon niya si Light...

"Talagang itutuloy mo to ha?"

"Yez. Sleep over lang kyah..."

"Waw, sleep over." Reaksyon ni Red habang dumuduko ng susi sa kanyang bulsa

Binuksan ni Red ang lock at ang door knob ng pinto ngunit hindi niya agad ito binuksan.

Lumingon si Red sa kahabaan ng pasilyo at pagkataos ay biglang...

"Ano yun?!" Gulat na sabi ni Red

Napaligon din si Light sa gulat at biglang sinamantala ni Red ang pagkakataon upang biglang buksan ang pinto at pumasok at agaran niyang tinangkang isara iyon...

Ngunit agad na nakahabol si Light at naipit...

"Awwwwch!" Malakas na sigaw ni Light

Sa katabing kwarto naman ay narinig ng matandang mag-asawa ang pagsigaw ni Light...

"Aba, ano yun?" Tanong ng lola

"Bawal ka dito, sige na umuwi ka na okay?" Sabi ni Red sabay diin sa pinto

"Awwch wag mo idiin... please..." Malakas na pakiusap ni Light

Natawa naman ang lolo sa kabilang pinto...

"Mukhang may nangyayari dun sa kabila..."

"Hay naku mga kabataan nga naman, masyadong mapupusok..."

"Aba'y parang tayo lang nun..."

"Jusko magtigil ka nga dyan!" Sigaw ng lola

At itinigil na rin ni Red ang pagdiin sa pintuan at agad na sinamantala ni Light iyon para tuluyang makapasok.

"Sakit nun ha!"

"Bwisit. Lock the door!" Utos ni Red sabay talikod at lakad

Itinulak ni Light ang pinto at isinara ang knob. At doon niya pa lamang lubusang napagmasdan ang kwartong pinasok niya.

Hawig sa letrang "L" ang espasyo ng unit. Diretso mula sa pinto ay mayroong mesa na may dalawang upuan at diretso pa mula doon ay may tabing na kurtina kung saan tumuloy si Red. Sa kanan naman mula sa pintuan ay mayroong salamin na mayroong mesa sa harapan at sa dulo noon ay mayroong lababo.

May isa pang pintuan sa gawing kanan mula sa lababo. Pero ang unang komentong nasabi ni Light ay...

"Ang dilim naman dito."

Iyon ay dahil isang malamlam na liwanag lamang mula sa iisang bombilya ang nagbibigay liwanag sa buong unit.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas mula sa tabing na kurtina si Red na nakasuot na lamang ng puting sando at shorts...

RED LIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon