Sinasadyang Aksidente

44 25 0
                                    


Beeeeep!

Gigil na binusinaan ni Red ng paulit-ulit ang batang babaeng sumandal sa harapan ng kanyang sasakyan at naging dahilan kung bakit bigla siyang napahinto sa gitna ng kalsada.

Tumingin naman sa kanya ang babaeng naka-uniporme, iniharap ang kamay sa kanya at nagsalita ng "Wait lang".

Hindi niya man narinig iyon ay nabasa niya naman kung ano ang sinasabi ng mga labi ng babaeng iyon. Pagkatapos ay napansin niyang lumapit pa ang dalawang babae na may parehong uniporme.

"Oh! Sabi ko sa inyo madali lang to e"

"Wooh! Grabe! Iba ka talaga Light!"

"Oh dali picture picture na."

At nagsimulang mag-pose ang babaeng nasa harapan ng sasakyan ni Red na tinawag ng mga kaklase niya sa pangalang Light. Banas na banas naman si Red sa nangyayari na napapakapit na ng napakahigpit sa manibela sa sobrang gigil at nagsimula siyang magbilang sa sarili...

"Isa..."

Beeeep! ng magsimula na ring bumusina ang mga sasakyan na nasa likuran ni Red...

"Ano ba yun ba't huminto sa gitna?"

Dumungaw naman sa bintana ang nagmamaneho ng isa pang sasakyan at sumigaw

"Hoy! Bobo ka ba?!"

Tuloy naman sa pagbibilang si Red...

"Dalawa..."

At tuloy pa rin sa pag-pose ang estudyantend nasa harapan...

"Finger heart, finger heart" Sabi ng kaklase nitong kumukuha ng pictures

At sa huling bagsak ng bilang ni Red...

"Tatlo!"

Inapakan niya ang gas ng mabilis at mabilis niya ring isinunod ang preno.

Blag!

"Light!" Sabay na sigaw ng dalawang estdyante ng makita nilang nahulog at lumapat sa sahig ang kaklaseng kanilang kinukunan ng litrato

"Araaay ang sakit ng ulo ko..."

Bumaba naman na ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan na nasa likuran ni Red at nagsimulang maglakad papalapit at siya'y nagulat sa kanyang nakita...

"May aksidente!"

Huminto rin naman ang mga sasakyan na napadaan dahil sa kanilang nakita...

"Naku estudyante pa naman."

"Ba't di lumalabas yung nasa sasakyan?"

"Gago ata yan, tara banatan natin."

Ramdam ni Red ang reaksyon ng mga tao na nasa paligid niya ngunit higit pa doon ay mas naririnig niya sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang boss...

"Well I must remind you to still observe proper decorum inside the office and more importantly outside this office. Alam mo naman that in everything you do you can be associated with this company. Lalo na't you are the head of or advertising and marketing."

"Shit!" Sigaw ni Red sabay hampas sa manibela

Bumaba siya sa sasakyan at agad na tinignan ang mga batang nasa harapan ng sasakyan niya partikular na ang nahulog sa sahig na nakahiga pa din...

"Light! Light!" Sabi ng isa habang tinatapik-tapik ang pisngi ng babaeng nakahiga sa sahig

"Mommy Mace..." Sagot naman nito

"What have you done?!" Sigaw ni Red sa mga bata

"Wala siyang malay... dalhin natin siya sa ospital!"

RED LIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon