"Cool ng music mo kuya ah."
At nang marinig ni Red ang banat na iyon ni Light ay agad niyang pinahinto ang musika na nanggagaling sa kanyang phone.
"Ba't mo pinatay."
"ung kapatid ko siguro 'yan, kung anu-anong pinaglalalagay sa phone ko."
"Oooohhh, so millenial pala kapatid mo?"
"Taga san ka ba?" Biglang tanon ni Red
"Makati." Sagot ni Light
"Makati?"
"Yep, sa may Olympia..."
"Yung malapit sa sementeryo?"
"Kinda."
Kinalikot ni Red ang kanyang cellphone at binuksan ang isang app...
"One hour and 5 minutes... rush hour." Reaksyon ni Red ng makita ang ginawang pagsukat ng app sa byahe
"Di naman totoo yang Maze app, lapit-lapit lang e." Komento ni Light
"From here sa Taguig to your place sa Makati on a rush hour, talagang ganyan." Paliwanag ni Red
At napa-preno si Red dahil gaya nga ng inaasahan niya ay makapal na ang daloy ng trapiko sa mga oras na iyon. Kinalikot ni Red cellphone niya at nagpatugtog ng musika
♪ Hold me like the river jordan,
And I will then say to thee,
you are my friend.
Carry me, like you are my brother,
Love me like a mother,
will you be there... ♪
"Ano yan?" Tanong ni Light
"Huh?" Reaksyon ni Red sa naging tanong
"Sino yang kumakanta?"
"Michael Jackson, will you be there."
"Pang simbahan ba yan?"
"Hindi dahil walang rap at may choir pang-simbahan na." Paliwanag ni Red
"Ang baduy kasi..." Pabulong na komento ni Light
Nagsimula na ulit umusad ng dahan-dahan ang mga sasakyan...
"Anong grade mo na?" Tanong ni Red
"Grade 11."
"Senior high... dapat nag-aaral ka hindi yung bulakbol inaatupag mo." Sermon ni Red kay Light
Ngunit sa halip na makinig sa sinasabi ni Red ay tila gumagawa lamang ng mga nakakatawang ekspresyon ng mukha sa harap ng side mirror si Light
"Huwag mo harangan yung side mirror, utak lang please." Pananaway ni Red
At nagkaroon ng halos sampung minuto ng katahimikan bago nagsalita muli si Light...
"Gutom na 'ko."
Pero hindi iyon pinansin ni Red na naka-focus lamang sa pagmamaneho...
7:30
At pagkatapos ng 50 minutong byahe... "In 200 meters you'll be there."
"Sabi ko sa'yo di totoo yang Maze e..." Komento ni Light
"Do I even need to explain that traffic situations vary from time to time, kaya nga ang mga users nagsa-submit ng reports and syempre dahil hindi ako ta-tanga tangang driver nag-adjust ako ng daan." Ekplanasyon ni Red
At nang marating nila ang arko ng Olympia...
"Ok, baba na." Utos ni Red
Pero hindi bumababa si Light kaya muling nagtanong si Red
BINABASA MO ANG
RED LIGHT
RomanceCan love go beyond generational and self-established barriers? Red works as the marketing and advertising head of Bien's Food Corporation and on one of his typical days, either by accident or by prank, he met Light, a high school girl who will mess...