"Dito pala school mo?" Pambungad na tanong ni Red matapos niyang ihinto ang kotse sa harapan ng gate ng pinapasukang eskwelahan ni Light
"Di ko school 'to, sa gobyerno to." Sagot ni light
Nagbago at naging mas seryoso ang mukha ni Red sa narinig na isinagot ni Light ngunit ang dalaga ay humarap lang sa kanya, ngumiti, at gamit ang dalawang daliri ay iminwestra ang simbolo ng "peace".
"Oh baba na..." Utos ni Red
"Nagsusungit na naman 'to." Sagot ni Light
"Ehem... okay... this nightmare ends here so... okay na po pwede ka ng bumaba at pumasok sa school, baka ma-late ka pa." Sabi ni Red ng nakangiti ang mga labi
Ilang segundo munang tinitigan ni Light ang mapang-asar na mukha at ngiti ni Red at pagkatapos ay ginaya niya rin ang pagkakangiti ng lalaki.
Dahan-dahan namang iginalaw ni Red ang kanyang kaliwang kamay papalapit kay Light. Nakatinging mabuti ang babae sa susunod na gagawin ni Red... at dahan-dahan ay lumampas ang kamay ni Red sa kanya at inabot nito ang lock para mabuksan ang pinto ng sasakyan.
"Sige na... baba na."
Tumango si Light at dahan-dahang bumaba ng kotse at pagkatapos ay nanatiling tinititigan si Red sa sasakyan na noon ay kumaway pa sa kanya at bumulong ng...
"Goodbye."
Pinatakbo na ni Red ang sasakyan at katulad niya ay ang isang hayop na nakawala sa pagkakatali. Huminga siya ng malalim at sa isang malakas na buga ng hininga ay kanyang isinigaw...
"I'm free! Haha"
At si Light ay nakatanaw habang papalayo sa kanyang mga mata ang sasakyan ni Red ng biglang isang pamilyar na boses ang narinig nya sa kanyang likuran...
"Good morning babes!"
Nilingon niya ang lalaking kapwa estudyante, naka-uniporme pero hindi naka buton ang puting polo, nakasuot ng bandang pula sa ulo, maputi ang mukha, at may makapal na silver bracelet sa kaliwang kamay.
"Service mo babes?"
Tinitigan ng seryoso ni Light ang lalaki bago sinagot ng...
"Ulul."
At dumiretso na si Light papasok sa gate ng school. Naiwan namang tulala ang lalaki at pagkatapos noon ay may lumapit ditong dalawa pang lalaking estudyante...
"Ulul ka daw Marco! wahahaha" Tawanan ng dalawa
Ngumiti lamang ang lalaki na inaasar ng dalawa bago nagsalita...
"Kaya ko sya loves e."
Nagpatuloy naman si Light hanggang sa mapadaan siya sa gilid ng school quadrangle kung saan may mga puno at sa ilalim ng bawat puno ay may mga upuan kung saan nakatambay ang maraming estudyante at hindi nakaligtas ang bulungan ng mga iyon sa pandinig niya...
"Oh nasagasaan daw yan kahapon ah..."
"Oh? Parang wala naman."
Pero hindi niya pinansin ang mga iyon dahil ang tanging nakapukaw sa atensyon niya ay ang isa pang pamilyar na tinig ng isang babaeng estudyante.
"Light!"
Nilingon ni Light ang babaeng tumawag sa kanya, nakasuot ng shades, maputi at namumula ang pisngi dahil sa make-up, at kasama nito ang apat pa nitong mga kaibigang babae na hindi nalalayo sa kanya ang pormahan at postura.
Nagtanggal ng shades ang babae kaya lumantad ang mata nitong kulay asul dahil sa contact lens. Lumapit siya kay Light at sinabi...
"Nasagasaan ka daw kahapon ha, girls, ganito ba itsura ng nasagasaan?"
BINABASA MO ANG
RED LIGHT
RomanceCan love go beyond generational and self-established barriers? Red works as the marketing and advertising head of Bien's Food Corporation and on one of his typical days, either by accident or by prank, he met Light, a high school girl who will mess...