Kim
"Good morning 'Queen'." Rinig kong sigaw ng lalaki sa likod ko. Sa lahat ng pangalan, yan ang pinaka-ayaw ko. I would rather be called 'Nerd' than 'Queen'. At sa lahat ng tao, isa lang ang tumatawag sa akin niyan.
"Beau." Tiningnan ko siya at pnaningkitan ng mata. Panira ng araw, eh.
Narito ako ngayon sa cafeteria. I want to relax, a bit. Pero paano ako makakarelax kung nandito ang ugok na ito. Nakakabad trip!
"Mang-aasar ka na naman. Alis!" Sigaw ko sa kaniya ngunit nagpoker-face lang siya.
Then he smirked. How many times do I have to say that I HATE THAT SMIRK!
My God! Bakit ba ang malas ko ngayon? Alis na Ugok, please.
"Hey, ceasefire muna tayo." He said at inakbayan ako. I removed his hands from my shoulder.
"Get your filthy hands off me!" Sigaw ko at pinanlakihan siya ng mata.
"Grabe, akbay lang naman yun. No big deal." Sabi niya at inakbayan ulit ako. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito.
"Hands off!" Sabi ko at inalis ang kamay niya. "Isa na lang Beau, mapapatay na talaga kita." Sabi ko habang tinuturo siya.
"Uy, nagkaka-develop-an na."
"Bagay sila."
"Oo nga noh, bagay na bagay sila Beau at Kim."
Narinig ko ang bulong-bulongan ng mga schoolmate ko. Sinabayan pa nila ito ng pagkantyaw. The noise is getting louder and louder.
"Will you shut up!" Sigaw ko sa kanila kaya napatigil sila. Then they continued doing their business. I looked at Beau who is now smirking.
"Oh, bagay daw tayo." Sabi niya.
"Hindi ako bagay, tao ako. Baka yung mga bitches mo!" Kanina pa ako nababad trip dito, eh.
"Nagseselos ka ba sa mga fling ko?" Tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang smirk sa mukha niya.
"Nagseselos your face! Ang punto ko lang naman is hindi ako bagay para gamitin di tulad ng mga babae mo, pinaglaruan na nga nagpagamit pa." Sabi ko sa kaniya. Itinaas ko pa ang isang kilay ko.
"Ehem." Someone faked a cough that drew our attention to her/him.
"Uh, sorry to interrupt your quarrel." Sabi ng babaeng nerdy type. She seems nice.
"Muntik ko nang makalimutan," Beau said while walking to the girl." Precy, siya si Kim, the queen of the campus."
"Hi, I'm Precy. Nice to meet you Kim." She said while offering her hand for a handshake which I gladly accepted.
"Nice to meet you too, Precy. Advice lang ha, layuan mo ang lalaking to." I said while pointing to Beau.
"He's my childhood friend, actually." She said and chuckled.
"Ah, ganoon ba?" Yun na lang ang sinabi ko.
I smiled at her. Sana maturuan niya ng leksiyon itong si Beau. She's kind. Alam kong may natatagong ganda ang nerd na ito. I know there's beauty behind her nerdy look.
She smiled back at me. I guess I got myself a new friend. She looked at Beau who is now looking at me.
"Beau? May gagawin pa kasi ako eh." She said.
"Oh sige, punta ka na sa classroom mo." He said without looking at her. Nakatitig lang siya sa akin.
"Okay." Precy said and sighed. I looked at her. She was about to go when I stopped her.
"Precy wait, pwede pahingi ng number?" Tanong ko sa kaniya. Para tuloy akong lalaking dumediskarte sa babae.
May reasons naman ako kung bakit ko hiningi ang number niya. First one is, mabait siya. Second one is, mapagkakatiwalaan siya. And the last one is, I want to be friends with her.
She smiled at me and gave me her number. After that, she bade good-bye and walked away.
"Tomboy ka ba?" Beau asked out of nowhere.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya habang tinaasan siya ng kilay.
"Ang bait mo kaya sa kaniya tapos ang suplada mo kapag ako ang nakikipag-usap sayo." Sabi niya at nagpout. Ang pangit talaga ng lalaking ito. Puro pagpapacute ang alam.
"Eh anong paki mo? At isa pa, nakikipagkaibigan lang ako sa kaniya." Sabi ko at akmang aalis. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya.
"Ano bang problema mo Ugok?" Sigaw ko sa kaniya. Bigla niya akong niyakap kaya nasuntok siya.
"Aray! 'Queen' naman." Sabi niya. Pinapakulo niya talaga ang dugo ko kaya sinuntok ko na naman siya.
"Aray!" Sigaw niya.
"How many times do I have to tell you na ayakong tinatawag akong 'Queen'! Last na lang ha, pag tatawagin mo pa ako niyan, papatayin talaga kita!" Sigaw ko sa kaniya.
"As you wish 'Queen'." Sagot niya and smirked again.
"Ugok, papatayin kita!" He laughed and run. Maghahabulan na naman ba kami?
BINABASA MO ANG
The Love Letter
Mystery / ThrillerLahat ba ng love letter galing talaga sa mga secret admirers? Lahat ba ng love letter puro pampakilig ang laman? What if may ibang nais ipahayag ang nagpapabigay ng love letter? Malalaman mo kaya kung ano? Si Kim ang binansagang queen ng campus. Mag...