Kim
"Your smile makes my day whole."
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang letter. It made me smile. No one has ever given me a love letter before.
After classes, pumunta ulit ako sa cafeteria para malunch. And then, naalala ko na naman ang eksena kanina. Narinig kong nagbulung-bulongan na naman ang mga estudyante.
"Kinikilig ako! Bagay na bagay sila."
"Bakit anong nangyari kanina?"
"Inamin ni Beau kanina na sila na daw ni Kim."
"Talaga? Ayie!"
Buhay 'Queen of the Campus' nga naman. Laging laman ng estorya. I hate it. Wala akong privacy kasi maraming nakikialam sa buhay ko.
I looked around and saw some girls smiling at me. Pero may iba ring nakataas ang kilay. This is another thing I hate about being a 'Queen'. Marami akong kaaway. Marami kasi ang aspiring 'Queens'- nangangarap maging reyna ng buong campus. Pero, whatever! Wala akong paki sa kanila.
"Yuck! Yan ang 'Queen' niyo? Mas maganda pa ako diyan eh."
"Transferee ka lang dito kaya marami ka pang bagay na hindi alam."
"Oo nga Reese. Mabait yan, palaban, matalino at mas maganda siya sayo no. Ikaw ha, overflowing na yang pride mo."
"I don't care. Para sa akin, mas maganda ako sa kaniya. And hindi niya alam na boyfriend ko ang lalaking crush na crush niya."
"Alam mo kung sino ang crush niya?"
"Oo, si Beau. At alam kong hindi talaga umamin si Beau. Ipinagkalat niya lang ang chismis na iyan para mahulog sa kaniya siya sa kaniya."
Naningkit ang mata ko sa narinig. I looked at the girl named Reese. Tumayo ako at pumunta sa table ng tatlong babaeng nag-uusap kanina.
"Ikaw ba ang nagsabing crush ko si Beau?" Tanong ko at tinuro si Reese.
"Oo, baliw na baliw ka sa kaniya. Alam kong ikaw ang nagpakalat ng chismis na umamin sayo si Beau. Pero alam kong hindi naman iyon totoo dahil loyal siya sa akin." She said and smirked. Isa pa itong babaeng ito eh.
"Hindi ako baliw sa kaniya, and FYI-" naputol ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Beau at Precy.
"Anong nangyayari dito Queen? Inaway ka ba niya?" Beau said. Biglang tumayo si Reese at pumunta kay Beau.
"Hi babe!" She said and kissed Beau's lips. Sige, magladian kayo wala akong pakialam. Beau responded to her kisses and then she pulled out. She looked at me and smirked.
"That is the evidence that Beau is loyal to me." She said. I smiled at her. Feeling niya talaga crush ko si Beau. And Beau being loyal to her? That's impossible! Ang dami kaya ng fling ni Beau. Anyway, transferee lang siya dito kaya hindi niya alam ang attitude ni Beau. Sorry na lang siya, paglalaruan lang siya ni Beau. She turned and walked away.
"Sorry talaga sa inasta ni Reese. Bago lang kasi siya dito, eh. At alam naman namin na hindi mo talaga crush si Beau." Reese's friend said.
"At yung nangyari kanina, alam naming kalokohan lang iyon ni Beau." Another girl said. I felt relieved dahil naiintindihan nila ang sitwasyon.
"It's okay." I said. They turned but before they could walk away, they stopped.
"Pero, honestly, bagay talaga kayo ni Beau." I heard Beau chuckled.
"Ano?" Sigaw ko sa kanila pero tumawa lang sila at tumakbo.
I sighed. Mukhang hindi lang si Beau ang problema ko. I turned to look at Beau and Precy. I smiled.
"Sabay na tayo mag-lunch Precy?" I asked her. She smiled back at me at umupo sa bench malapit sa mesa. Beau sat beside her and looked at me.
"Sabi ko bang kasali ka?" I asked him. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nagsmirk lang siya.
"I invited him over for lunch." Precy said kaya tumango lang ako. Pasalamat siya kay Precy dahil inimbita siya kasi kung hindi, kanina ko pa ito itinaboy.
I sat at the seat opposite to them. While eating, may lumapit na lalaki sa table namin.
"Pwedeng makiupo?" He asked kaya tumango lamang kami.
"Sure." I said and he sat beside me. I looked at him. He looks so familiar, saan ko nga ba siya nakita?
"I'm Ashton. Nabangga mo ako kanina." He said and offered his hand for a handshake. I gladly accepted it. May hitsura din pala si Ashton. Matangos ang kaniyang ilong, maganda ang shape ng kaniyang mukha at cute ang lips niya. Maskulado din siya.
"Wag nga kayong magtitigan, baka matunaw kayo." Reklamo ni Beau. Ngayon ko lang napansin, kanina pa pala ako nakatingin sa kaniya. At ganoon din siya. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nagpatuloy sa pagkain. Napansin kong masama ang tinging ibinabato sa akin ni Beau.
Bahala ka diyan.
Patuloy pa rin sa pagngiti si Ashton habang kumakain. Then he looked at me.
"Kim, gusto ko sanang sabihin sayo na matagal na akong may gusto sa iyo." He said.
"Wag nga kayong mag-aminan dito! May kumakain." Beau interrupted him.
"Then, maybe next time." He said at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain sakto namang nagbell.
"Una na kami." Sabi ni Precy kaya tumango ako. Then, they stood up and walked away.
"I should go too." Ashton said and I nodded. "Next time ulit Kim."
Tumayo na rin ako para bumalik na sa classroom. May nakita akong papel sa ilalim ng mesa kaya kinuha ko ito. May nakalagay na 'To Kim' sa harap. So para sa akin talaga ito. Pero paano nalaman ng sender na dito ako uupo? I opened it.
"Only you can make my heart beat fast."
Ngumiti na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Love Letter
Mystery / ThrillerLahat ba ng love letter galing talaga sa mga secret admirers? Lahat ba ng love letter puro pampakilig ang laman? What if may ibang nais ipahayag ang nagpapabigay ng love letter? Malalaman mo kaya kung ano? Si Kim ang binansagang queen ng campus. Mag...