Kim
Umaga na naman. Kung hindi ko pa nasabi, this is the third week of class. And again, as I walked down the hallways of the school, naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante.
"Bagay na bagay talaga sila ni Beau."
"Oo nga, look at her. Ang ganda ganda niya."
"Gusto kong i-ship ang pangalang nila."
"Ang ganda pa rin ni Kim kahit kailan."
"She deserves her title as the 'Queen of the Campus'."
Gusto kong magalit pero hindi naman pwedeng basta basta ko lang silang papagalitan dahil tinawag akong 'Queen'. At bagay daw kami ni Beau? Ew!
Binale-wala ko na lang sila at diretso na sa paglalakad. Habang naglalakad, I bumped into someone. It's a boy. Hindi naman malakas ang impact kaya okay lang.
"Kim, I'm sorry okay ka lang?" He said. I flashed him a smile.
"Oo, okay lang ako. No need to worry about." I said.
"I'm-" He was about to intrudoce himself but I cut him off.
"I should go." I said and smiled at him. He smiled back. I turned and walked past him.
When I arrived at the classroom, my classmates, especially boys, looked at me. Hindi naman ako naninibago sa kanila kaya binalewala ko na lang. Then, one of my classmates approached me and handed me a letter.
"May nagpapabigay." He said.
"Sino?" Tanong ko at bahagyang kinunot ang noo.
"Hindi namin alam. Pagdating namin dito, nandiyan na iyan eh. May nakalagay lang na 'To: Kim', kaya alam naming para sa iyo." He said. I thanked him and went to my seat.
I didn't read the letter, I want it to be thrilling. Based on the appearance, isa itong love letter. Puno kasi ito ng hearts.
After classes, lumabas na ako at pumunta sa cafeteria. After kong makuha ang order ko. I took a seat at kinuha ang love letter mula sa aking bag. I stared at it for a while. Akmang bubuksan ko na sana ito nang dumating ang taong kinaiinisan ko.
"Good mooorning 'Queen'!" He said.
"Beau." Matamlay kong sabi. Itatago ko na sana ang love letter pero nakita niya eh.
"Ano yan? Love letter?" He said. He grabbed the letter from my hand.
"Anong paki mo? Uy, akin na yan." Sabi ko still trying to get the letter from him but to no avail.
"Hindi ko ito ibibigay sa iyo. Nakalimutan mo ang magic word." He said kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
Magic word? Wala naman siyang sinabing magic word ah. Teka, baka gagana ito.
"Please..." Sabi ko sa kaniya at nagpacute.
Sana gumana! Sana! Sana!
"Mali!" Sabi niya. Kumunot na naman ang noo ko. Then, he smirked. Kalokohan na naman to!
"Eh, ano ba ang magic word, ha?" Tanong ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"I love you." Sabi niya and then nagsmirk na naman.
"Gago ka talaga no! Hinding-hindi ko iyan sasabihin sayo! Kainin mo yang love letter na yan!" Sigaw ko sa kaniya. Hinampas ko pa ang mesa drawing all the atensiyon to us.
"May LQ?"
"Or nagtatapat na si Beau tapos binasted ni Kim."
"Grabe naman si Kim. Ang love letter binabasa, hindi kinakain."
Narinig ko ang mga bulong ng mga schoolmates ko. I clenched my fist because of anger. This is all Beau's fault! Right now, I want to tear his face off his head. Tumayo siya at hinarap ang mga schoolmates namin na ngayon ay gumagawa na ng chismis.
Baka mamaya may mabasa akong ganito sa bulletin.'Beau, binasted ni Kim matapos magtapat sa kanyang nararamdaman.'
Haist! Ayan ka na naman Kim, gumagawa ka na naman ng storya. Gosh! Sana maayos to nang sa ganoon ay hindi ma- misunderstood ng mga schoolmates namin ang nangyari.
"Schoolmates, sana hindi niyo kami ichichismis ha." He said and smirked. Kilig na kilig naman ang mga kababaihan.
Ganyan nga Beau, nang sa ganoon ay wala nang chismis.
"I want to tell you," pagpapatuloy niya, "that we are already couples."
Ano? My GOD! Malaking topic to!
I stood up and looked at Beau, kahit kailan, aasarin niya pa rin ako. Pinanglakihan ko siya ng mata. Pulang-pula na ang mukha ko sa galit at kahihiyan.
"I told you, say the magic word." Bulong niya sa akin.
Nagsimula nang magkantsaw ang mga estudyante sa cafeteria. I have no choice. The noise in the cafeteria is so loud dulot ng pagkatsaw ng mga estudyante.
"Pagkatapos nito, bawiin mo ang sinabi mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" I asked and he nodded.
"I love you." Bulong ko. He put his hand on his ear.
"Ano yun?" Sabi niya.
"Ang sabi ko, I love you." I said pero kumunot ang noo niya.
"Lakasan mo." He said and then turned to our schoolmates. "Will you please shut up for a while?" Tumahimik naman ang mga estudyante at tiningnan kami.
"So you were saying? Lakasan mo ha? Bingi kasi ako eh. Kung pwede lang, isigaw mo." He said. His hand is still on his ear. Dulot ng inis, sumigaw ako.
"Bingi ka talaga! Ugok, ang sabi ko sayo, I love you!" Sigaw ko kaya naghiyawan ang mga estudyante sa cafeteria. Too late, I realized, what I said was embarrassing.
He smirked at me, he tricked me again. He handed me the love letter and leaned closer to me.
"Too late, sinigaw mo eh." Bulong niya and then ran away.
"Papatayin kita Beau! Tandaan mo yan! Susunugin kitang buhay!" Sigaw ko sa kaniya.
I sighed. Naisahan na naman ako ng mokong na iyon. I grabbed my bag and went back to the classroom. I opened the letter and read it.
"Your smile makes my day whole."
A simple sentence but it made me smile. Nawala ang inis ko dahil rito.
BINABASA MO ANG
The Love Letter
Mystery / ThrillerLahat ba ng love letter galing talaga sa mga secret admirers? Lahat ba ng love letter puro pampakilig ang laman? What if may ibang nais ipahayag ang nagpapabigay ng love letter? Malalaman mo kaya kung ano? Si Kim ang binansagang queen ng campus. Mag...