Who's next?

84 8 0
                                    

Beau

"Babae, natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay bandang alas nuwebe ng gabi. Nakilala ang biktima sa pangalang Reese Santiago, labin-walong taong gulang. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, konektado ito sa kasong pagpatay kay Eliza Roque. May saksak rin ang biktima sa kaniyang tiyan gaya ng kay Roque. Sabi ng mga pulis, serial killing ang kasong ito. Gretchen Yahya, reporting."

Ini-off ko ang TV. Una, si Eliza tapos ngayon si Reese naman? Grabe na yang serial killer na iyan ha. Talagagang inuna pa ang mga babies ko.

Tumayo ako upang maghanda para pumasok sa paaralan. Pumunta ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay kumain ako at lumabas na ng condo. I rode my car to school.

Pagdating doon, bumaba ako and as usual, tumitili na naman ang mga chikababes. I smirked at them kaya mas lalo pa silang tumili. I walked to my classroom but stopped when I saw Kim.

She was smiling while reading a letter. I'm sure love letter na naman yun. Pumunta ako sa likuran niya and took a peek on the letter.

"Until forever, I won't stop loving you."

Yun lang? Ang corny naman. Wait, she's smiling. Now is the best time to piss her off. Inakbayan ko siya kaya napalingon siya sa akin.

"Good morning Queen!" I said while smirking. She removed my hands off her.

"Alis Ugok! Panira ka eh." Sabi niya. She looked cute when she's pissed. I always adore her lovely face.

"Grabe ka naman. Simpleng bati lang naman iyon." I said and again, inakbayan ko siya. She removed my hands again.

"Ikaw ha, tigil-tigilan mo ako, baka hindi ka na masisikatan ng araw bukas!" Sigaw niya sa akin. Immune na ako sa mga death threat niya kaya wala nang effect ang mga yan.

"Nakakatakot ka Queen." Sarcastic kong sabi. Siyempre, I just want to piss her off. Sinabayan ko siya sa paglalakad at inakbayan ulit. And again, she removed my hand.

"Precy!" Sigaw niya kaya napalingon ako sa tinawag niya. And I saw Precy, I smiled at her and she smiled back.

"Precy, narinig mo ba ang balita?" Kim asked her. Tumango naman siya.

"The news is about the recent killings in our village. The serial killer already killed two girls. Both are 18 years of age." Precy said.

"At iyan lang ba ang alam mo?" Kim asked.

"Yan lang, yan yung sinabi sa balita eh." Precy said.

"Hindi mo ba alam na both are Beau's flings?" She asked.

"I didn't know that." Precy was shocked when she heard about it.

"Hoy, baka isipin niyong ako ang pumatay sa kanila, hindi noh!" I said and crossed my arms. Napahawak naman sa bewang si Kim.

"Eh, sinabi ko bang ikaw ang pumatay? My point is, magnet ka ng kamalasan." Kim said. Ouch! Ang sakit naman nun. Sabi nga nila, 'words hurt more than broken bones'. At kung magsalita ang babaeng ito, parang may ginawa akong masama sa kaniya.

"Ang sakit mo namang magsalita." I said at nagpout.

"Whatever! Una na ako Precy ha." She said at tumango naman si Precy. Nang makaalis na siya, kami na lang ang naiwan ni Precy doon. Bigla naman niya akong niyakap. Hindi na ako nagulat doon dahil sanay na ako sa kaniya.

"Is it just serial killing?" She asked me.

"I don't know, para kasing lahat ng nakapaligid sa akin ang target eh. Siguro tama si Kim. Siguro magnet talaga ako ng kamalasan." I said at yumuko.

"Don't ever think that way." She said and still hugging me. She's always there when I need her. She's the best friend I ever had.

"Thanks for being a good friend." I told her. She looked at me and smiled. I smiled back at her.

But then, a thought crossed my mind. What if si Precy na ang isusunod? Wag naman sana, hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko si Precy bilang kaibigan.

Then, a girl approached me. Upon seeing the girl, Precy pulled out from hugging me. I looked at the girl and smiled at her.

"So babe? Later at the library, ha! Wag mong kalimutan." She said. Teka, ano nga bang pangalan nito? I saw her holding a letter.

"Ano yan?" Tanong ko.

"It's just a love letter." She said.

"Your name is- what was it again?" I asked and she smiled.

"Haede." She said and kissed my cheek. Then she whispered.

"Library mamaya ha." She said and walked away.

Naexcite tuloy ako. Pamparaus na naman ito mamaya. I looked at Precy pero wala na ito. Umalis na siguro.

The Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon