She's Missing

87 13 0
                                    

Beau

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko kasi si Kim, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nababaliw na yata ako.

I treat her as my rival, I thought, I hate her. Pero iba ang nararamdaman ko para sa kaniya. I admire her. Ito na ba ang tinatawag nilang 'love'? Kasi sa kaniya ko lang naramdaman to, eh.

Nasa cafeteria kami ngayon ni Precy, magpapalipas lang kami ng oras dito. Narinig ko naman ang usap-usapan na may pinatay na naman ang serial killer.

"Gosh! Girl, nakakatakot ang serial killer na iyon."

"Bakit?"

"May pinatay na nama siya at ang mas malala, dito pa sa school."

"Sino ang pinatay?"

"Kilala mo si Haede Bueno?"

"Oo, bakit?"

"Natagpuan siyang patay sa likod ng abandoned building. Nakakasuka yung bangkay niya, pramis. Nakita ko yung scene doon."

Si Haede, patay na? Kaya pala hindi siya sumipot sa library kahapon. The topic was so disgusting. I want to change the topic. I brought my attention back to my feeelings. I looked at Precy. Maybe she could find out if what I feel is love.

Love expert so Precy. Noon pa lang, sa kaniya na ako humihingi ng advice. Sana matulungan niya ako ngayon. Naalala ko tuloy noong nagpractise ako kung paano dumiskarte. Napagkamalan akong dumediskarte kay Precy. Pero, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya.

"What do you feel when you're in love?" I asked her and she looked at me. Naninibago siguro siya sa akin.

"In love ka ba?" She asked. I just shook my head.

"I don't know. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko." I said. She smiled at me and hold my hand.

"Kanino mo ba naramdaman yan?" She asked.

"Kay Kim." I said directly to the point. Her smile vanished, I looked at her but I don't see any emotions in her eyes.

"Ano bang naramdaman mo kapag nakikita mo siya?" She asked.

"Mabilis ang pagtibok ng puso ko. I felt like, kaming dalawa lang ang tao sa mundo. I think I'm in love Precy." I said and smiled at her. I know she will support me.

"You must be imagining things." She said kaya kumunot ang noo ko. "What you feel is not love. It's hatred. Rival mo siya diba? You can't fall in love with her."

"Maybe, maybe it's hatred. But-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko because Ashton interrupted us.

"Beau, nakita niyo ba si Kim? Kanina ko pa siya hinahanap eh. Halos libutin ko na ang buong school sa kakahanap sa kaniya." Sabi niya. Worry is evident in his voice.

"Baka umabsent lang." Sagot ko sa kaniya pero nakaramdam din ako ng kaba.

"Kilala mo si Kim, Beau. Hinding hindi siya nagcu-cutting classes." Sabi niya kaya tuluyan ng bumalot ang kaba sa puso ko.

"Let's go, puntahan natin ang mga classmate niya." Sabi ko at tumayo. "Are you going to come with us Precy?" I asked her at tumango siya.

Pumunta kami sa classroom nila at tinanong kung nakita ba nila si Kim. Una naming nilapitan ay isang lalaking mataba.

"Ah, excuse me, nakita mo ba si Kim?" I asked. He just shook his head.

"Kanina pa siya hindi pumapasok dito sa classroom. Sa tingin ko umabsent na iyon." Sabi niya.

"Impossible namang umabsent si Kim." Sabat naman ng lalaking payat. "Nakita ko siya kaninang naglalakad sa hallway, ibig sabihin, pumasok talaga siya ngayong araw."

"Nakita ko si Kim kanina." Sabi ng lalaking matangkad sabay taas ng kamay." Nasa garden siya. Pero kanina pa iyon, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon."

"May nakakita pa ba kay Kim dito?" Tanong ni Ashton. Umiling lang ang mga lalaki doon.

Kahina-hinala talaga ang pagkawala niya. Kilala ko si Kim. Hindi siya umaabsent. At narito siya kanina sa school, ibig-sabihin, hindi siya umabsent.

"I should go." Precy said. She turned her back and walked away.

Then, I remembered the news. Serial killings. Baka si Kim na ang susunod na biktima. Wag naman sana. At ang mas malala, pagkatapos ni Kim, si Precy na ang isusunod.

I can't imagine my life without them. I looked at Ashton na ngayon ay nag-iisip. We should continue searching for her. Nasaan na kaya siya? Sana mailigtas pa namin siya.

The Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon