Chapter One

102 2 4
                                    

"Janica, mahal kita!" Posible ka yun na kay Joshua galing ang boses na iyon? O, puro imahinasyon lang?

"Janica, intay!"

"J-joshua? M-mahal mo ako?"  Si Joshua nga iyon, yung bestfriend ko. Pasagot na sana sya noong magising ako. Hay, panaginip lang pala.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa eskuwelahan, ang paaralan daw ng mga gangsters,bullies,nerds at marami pang ibang klase ng estudyante at, oo, hindi kaaya-ayang mga estudyante. Halos kakaunti na lang ang mga natitirang mababait at responsableng mag-aaral. At kahit ang mga guro hindi mo malalaman kung hindi ba talaga nila nakikita ang mga bugbugan, sabunutan, at pati rin sampalan o sadyang hinahayaan at ibinabalewala nalang nila ito.

"Janica Reign Gonzales"

"Present po"

"Joshua Riley Rodriguez"

"Present"

"Veronica Alexa Villacorta"

"I'm here ma'am"

"Hailee Sofia Geronimo"

"Nandito po"

"And Liza Camille Dela Cruz"

"Hi ma'am!"

Ito ang squad namin at kung akalain mo nga naman, kagrupo ko nanaman sila sa school fest namin next month.

"Ano na? Anong gagawin natin sa booth next month?" sabi ni Hailee, yung leader namin

"Guys, any ideas?"

"Kissing booth?" patawa talaga tong si Veronica

"Sige, ikaw lang hahalik ah" sabi ko

"Yung totoo? Ikaw Joshua may idea ka?"

"Meronnn, punta tayo sa Trinoma mamayang uwian"

"Ayyy idea for the booth kasi pero sige tara! Oi Janica buhay ka pa? Kanina ka pa tulala" 

"Ahh ano sabi mo Liza? Di ko naintindihan may iniisip kasi ako eh" iniisip ko yung panaginip ko friends, kung alam nyo lang...

Ilang oras ang nakalipas at uwian na. Napagplanuhan ng grupo na sa Trinoma mag-usap para sa booth. Syempre, hindi usap ang magagawa namin kundi ang mag walwal tsk. Lagi naman eh. Nagcommute kami papunta at ngayon katabi ko si Joshua na tila nakatulog at nakasandal saakin dahil sa traffic. Teka, NAKASANDAL BA KAMO SAAKIN? Lalo tuloy akong nailang. Naiilang na ako tuwing papalapit o kasama ko sya eh tapos naksandal?

"Nica! Gising! Trinoma na oh. Pati katabi mo gisingin mo na parang masarap yata tulog nyo ah, muntik na kayong magyakapan." Ito talagang si Hailee... Not a good joke btw.

"Oi kain na tayo gutom na gutom na ako"

"Kakarating lang natin diba? Saka booth ang pinunta natin dito" seryosong sabi ni Hailee

Syempre gaya ng iprinedikta ko, hindi naman para sa booth ang nagawa namin. Puro kain lang.     
  Ilang araw na rin pala ang nakalipas noong nanaginip ako. Pilit na lumalapit si Joshua saakin at gayundin ang aking paglayo. Nahalata din ito ng grupo at laging tinatanong kung may problema ba ako. Gustuhin ko mang sabihin meron,hindi ko ito maamin dahil sa takot sa kung anong susunod na mangyayari.

"Janica mahal kita!" Teka, itong panaginip nanaman? Tatlong araw na sunod sunod ko na itong napapanaginipan.

"Nica ok ka lang ba talaga? Namumutla ka simula last week. Dalhin kita sa clinic bes." Nagaalalang sambit ni Liza

"Ok lang ako bes, ok lang talaga"

"Hayss sige sabi mo eh, basta pag may problems nandito lang kami ng squad"

"Thank you Liza, sige mauna na ako may meeting pa kami ng club"

Habang nagmemeeting napaisip ako sa mga susunod na mangyayari. Naisip ko na pano kung naging totoo yun? Anong gagawin ko? Haysss, sa sobrang kakaisip di ko na namalayan na tapos na ang pagtitipon at wala akong naintindihan hay.

Mabilis akong nakauwi, umakyat para magbihis at mag aral. Habang ako ay nag aaral may narinig akong bagong boses na kausap ni mama. Ngunit, di ko ito pinansin. Madami na nga akong problema, idadagdag ko pa to.

Kinabukasan, lalong sumama ang pakiramdam ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nag ooverthink lang ako, na nagiimagine lang ako. Hindi ko alam big deal sakin to. May nararamdaman na amo sa kanya? HINDI.PWEDE.KAIBIGAN.KO.LANG.SYA.TAPOS.

"Nica? Ayan ka nanaman eh. Kamusta meeting? Anong plano nyo sa play nyo? Uy balita ko lead ka daw ah. Sino yung partner mo? Gwapo? Yieeeee"

"Nako Hailee tigilan mo nga ako. Ano bang sinasabi mo? Ako? Lead?"

"Nagmeeting ka ba talaga? Oo ikaw nga, tingnan mo pa sa bulletin board dun. Yun nga lang may screening pa yata para sa leading man mo yiee"

------------------------------------------------------
Ps: Wala akong maisip for now.. Bawi nalang sa mga susunod na chaptersss😂

Dedicated for 1ady_cryzel 😘😂









Who am I?Where stories live. Discover now