Chapter Seven

27 2 0
                                    

JANICA'S POV
Talagang isinama nga ako ni Joshua sa bahay nila. Ang laki pala ng bahay nila. Pang mayaman talaga. Lalo na may swimming pool pa sila, parang private resort lang ang peg. May pa chandelier pa sila. IT'S SO BEAUTIFUL AND PEACEFUL HERE. Hanggang sa tinawag na nya ang mama nya para ipakilala ako at ang ipinagtataka ko lang e bakit iniiwasan nya ang ama nya? Is there something wrong with their relationship? Hmmm but I'm sure magkakaayos din sila. Joshua Riley is sweet, loving, kind at kahit ano pang positive na traits ng isang lalaki. At oo, kahit papaano kinikilig ako sa tuwing nilalapitan nya ako or sa tuwing magkasama kami. Totoo nga ang panaginip ko. Mahal nya nga ako. Yun nga lang kaya ko bang suklian lahat ng pagmamahal na ibinibigay nya saakin?

"Mama siya po ang babaeng nililigawan ko, si Janica Reign Gonzales."

"Huh?! Papaanong... Bakit?"

"Dad may problema ba?" Tanong ng mama ni Joshua

"Ah wala nagulat lang ako"

Hindi, may problema eh. Bakit parehas sila ng reaksyon ni mama nung sinabi kong si Joshua ang nanliligaw sakin? Ayaw ba nila sakin o kay Joshua? Bakit parang ayaw nila na magsama kami?

"Ah iha, pag pasensyahan mo na ang dad ni Joshua kakarating lang kasi nya galing US"

"Ayos lang po umm"

"Tita, tita na lang or mommy kung gusto mo" at kinindatan ako ni tita hahaha

"Napakaganda mong babae Janica. Ang galing talagang pumili ng anak ko"

"Salamat po err- tito"

"Di mo ako anak dad at hindi kita tatay"

"JOSHUA! iha pasensya na ulit."

Hinatid ako pauwi ni Joshua. At pinilit ko ang sarili ko na tanungin sya kung anong problema kahit na ayoko nang mangialam pa.

"Riley-"

"Kung magtatanong ka tungkol kay dad, wag na dahil di ko rin naman sasagutin"

"Pero-"

"Janica wag ka nang mangialam!"

Bigla akong namaluktot sa nagawa nyang paninigaw saakin.

"Reign sorry, patawarin mo ko"

"Basta Riley, kung ano man yang nangyayari sa pamilya nyo, ayusin nyo na agad hangga't hindi pa huli ang lahat. Kung may galit ka sa dad mo please patawarin mo sya kung may kasalan man syang nagawa sayo or sa buong pamilya mo. Katulad ko, iniwan kami ni papa 5 years old palang ako at hindi na bumalik at dahil dun nag asawa ng iba si mama"

Biglang pumatak ang luha ko. Siguro nga di ko pa malimutan ang mga pangyayari noon pero sigurado akong napatawad ko na sila. At oo, di ko talaga kadugo ang tumatayong ama sa pamilya namin. Bigla na lang umalis si papa. Bata pa ako noon at syempre di ko pa maintindihan ang mga ganung bagay kaya iyak ako ng iyak. Di ko na rin maalala ang itsura ng tatay ko. Pero kahit na ganun tinanggap ko na lang ang katotohanang hindi na sya babalik pa.

"Reign, nandito na tayo. Tahan ka na please, itatry ko ang best ko na patawarin sya, wag ka nang umiyak Reign"

"Salamat sa paghatid"

Pagkapasok ko sa bahay nandoon si tita Anna, kapatid ni mama.

"Tita, nasaan po si mama?"

"Ah may inasikaso lang, uuwi din agad yun"

"Ano yung inaasikaso nya tita?"

"Ba ewan ko dun sa nanay mo Nica, masyadong misteryoso. Di ko na nga alam kung anong nangyayari sa buhay nyo. Aba! Nagulat ako kanina tinawagan ako at pumunta daw ako dito para magbantay."

"Ah ganun po ba, sige po aakyat muna ako at magpapalit"

"Sandali Nica, umiyak ka ba? Naaalala mo nanaman ang daddy mo no? He left you and your family Nica."

"Hindi tita, wala to"

"Aaaahhhh tita ang sakit ng ulo ko ahhh"

"Naku, eto tubig at gamot mo! Manang pakitawag si doc papuntahin mo dito asap"

"Opo ate"

Pagkagising ko nasa kwarto na ako at nakahiga. Nandito na rin pala si doc

"Kamusta ka iha? Maayos na ba pakiramdam mo?"

"Opo doc, medyo masakit pa rin po peri di na katulad kanina."

"At oo nga pala, malaki rin ang chance na mag-migraine ka dahil anemic ka, kaya dadagdagan ko ang gamot mo."

"Doc salamat po ulit"

"Naku walang anuman Anna basta para kay Janica"

Inaamin ko na di parin ako nakakamove on kay daddy.. So I wish na sana kahit isang beses lang mabuo ulit ang pamilya namin.... I WISH🌠
-------------------
Yeheyyy thank you sa reads!!! Sisikapin kong mag update every other day pag di ako busy sa school...

-Ms.Author🌟😉😊

Who am I?Where stories live. Discover now