Chapter Two

66 4 2
                                    


"Janica mahal kita!" Jusko ito nanaman isang linggo na 'tong nagpaparamdam sakin.

Nagising ako ng maaga pero teka... Linggo ngayon diba?! Hayyy back to sleep Nica... Kaso di ako makatulog, curse that effing dream!

Dahil hindi ako makatulog tinawagan ko nalang ang squad. Gusto ko munang makalimot sa lahat ng bagay kaya inaya ko sila sa pinakamalapit na bar.

"Anong gagawin natin dun? Di ba ayaw mo dun kasi maingay?" Sabi ni Liza

"Gusto ko munang mag relax. Bawal ba yun?"

"Teka sasama ako ah... Baka pag nalasing 'tong si Nica mahirapan pa kayo sa kanya." Ha? Sasama si Justin? Kala ko ba di sya pwede? Ayy bala na nga.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa bar. Nandun kami sa VIP room, syempre mayaman ata 'tong babaing 'to. Hakhakhak! Tinaas ko ang kamay ko upang tawagin ang waiter.

"Waiter, 2 hard at tatlong hindi."

"Nica, kaya natin yun?" Tanong ni Veronica

"Sus, yakang yaka natin yan. Tayo pa!"

At ayun na nga dumating na ang order namin at nagsimulang mag inuman. Naka ilang shot pa lang ako mej tipsy na ako at gustong gusto ko ng aminin ang lahat ng problema ko.

"Janica Reign Gonzales!!! Ano ba kasi yang problema mo? Lasing ka naman diba.. Ayon sa iba mas nagsasabi daw ng totoo yung mga lasing" Nakita kong siniko ni Joshua si Hailee. Haahhahaha! Pero oo eto na aamin na ako.

"Ganito kasi yun, nung isang ara-" Naputol yung sinasabi ko ng biglang may sumigaw.

"Sunog!! May sunoggg!!!"

Yun na lamang ang huli kong naalala at bigla akong hinimatay.

"Janica!! Gising!! Si Ron at Joshua" Anong nangyayari? Wala akong maalala

"Huh? Anong nangyayari? Teka, si Veronica at Joshua ba kamo?"

"Oo! Tumayo ka na dyan tara na sa ospital!"

"HA! ANONG NANGYARI SA KANILA TEKA TATAWAGAN KO MGA MAGULANG NILA"

"Janica, alam na nila.. Ok na"

Nagising ako bigla dahil sa sinabi ni Hailee. Anong meron sa kanila? Bakit sila nasa ospital? Ang huli ko lang naalala ay nasa bar kami kagabi at hinimatay ako.

"Hailee tapatin mo nga ako. Anong nangyari kagabi? At nasan si Liza? At pano ako nakauwi kagabi?"

"Tss dami mo namang tanong. Si Ron at Joshua naaksidente kagabi at sa pagkakaalam ko nabalian sila at si Liza kasama din nila pero minor injuries lang ang natamo nya. Ikaw naman hinatid kita pauwi kasi hinimatay ka nga diba? Magkakasama silang tatlo sa iisang taxi habang tayo ay sinundo ni manong driver namin. Sabi kasi pupunta muna sila sa park kaya di sila sumabay sa atin."

Natahimik ako sa sinabi ni Hailee. Akala ko ba pag nalasing ako si Joshua ang maghahatid sakin? Kasi sabi nga nya diba na hindi ako kaya nila Ron? Ayy, ba't ko ba ginagawang big deal 'to? Atleast nakauwi ako diba. Sila Joshua,Liza at Ron nalang ang poproblemahin.

Nakarating kami sa St. Luke's at dali daling tumakbo papunta sa kwarto nila. Pag pasok na pagpasok ko agad kong nakita si mama. Bakit sya nandito?

"Ma! Ron! Joshua! Anong nangyari?"

"Ako di mo tatanungin?" Ay, oo nga pala si Liza.

"Anong nangyari?"

"Malapit na kami sa park nun nila Josh nung may nag-overtake na kotse sa sinasakyan naming taxi. Sakto rin na lilipat rin kami ng lane nun. Hindi yata nakita ng driver yung sasakyan kaya ayun nagkasalpukan ang dalawang kotse. Si Josh at Ron di nakaseatbelt kaya tumilapon sila at nabalian at ako nasugatan lang dahil sa basag na salamin."

"So sino ang may kasalanan?"

"Iniimbestigahan pa ng mga pulis. Mas mabuting hintayin nalang natin ang resulta" sabi ni mama. Pagsabing pagsabi nya nun biglang pumasok ang NBI para sa karagdagang impormasyon.

So ayun na nga.. Wala naman pala kaming kasalanan kasi bukod sa hindi pagsunod nung sasakyan sa speed limit,nagoover take din sya sa kanan... DIBA DAPAT SA KALIWA MAGOOVER TAKE! Mga tao talaga ngayon.. So it means covered nung may ari ng sasakyan yung gastusin sa ospital nila Josh at Ron.

Pero may tanong parin na bumagabag saakin....




Bakit kaya nandun si mama?? E hindi naman namin sinabi sakanya na nandun sila Veronica....

----------------------

Sa tingin nyo bakit nandun yung mama ni Janica?

Hehehhe😯

Who am I?Where stories live. Discover now