Chapter Four

30 1 0
                                    

JANICA'S MOM'S POV

Sasabihin ko na ba kay Janica ang tungkol sa kanya?

Mas mabuting hindi na muna. Baka mas lalong lumala ang sitwasyon

JANICA'S POV

"Nica ganito gagawin mo ah. Ngayon din kasusapin mo si Joshua. Linawin mo lahat. Mag sorry ka sa kanya. Paniguradong masakit talaga yung nararamdaman nya ngayon."

"Bakit mo pinapamukha na ako yung may kasalanan!?"

"Nica hindi naman sa ganun. Parehas lang kayong mali. Kaya wala akong kinakampihan sa inyo ah. Sige na lumabas ka na, kausapin mo na sya"

"Thanks Veronica"

Niyakap ko sya ng mahigpit bago ako tuluyang lumabas. Kinakabahan ako sa pwedeng sabihin ni Joshua. Sana.. Sana talaga walang masisirang pagkakaibigan dito.. SANA

"Ahh Liza, Hailee, pwedeng iwanan nyo muna kami ni Nica dito sa labas?"

"Sige"

"Josh"

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak sya..... Dahil sakin.

"Josh, sorry."

"Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad. Bigla bigla nalang akong umaalis ng hindi ka pinageexplain. Sorry kasi hindi agad ako umamin sayo"

"Oo alam ko Josh, natakot ka at baka masira yung squad. Pero sana sinabi mo na agad... Pero sorry din kasi di kita kinausap na hindi mo man lang alam kung bakit.. Sorry"

Pagkasabi ko nun, tumulo ang luha ko.

"Janica Reign may gusto lang akong itanong sayo"

"A-ano yun?"

"Pwede bang manligaw?"

Nung marinig ko iyon parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"H-ha? Manliligaw ka? Josh naman" hindi ako makapaniwala hmmp.

"Oo nga kasi.. Please pwede ba?"

Dahil syempre marupok yata tong babaeng 'to.. Pumayag ako basta ang sabi ko lang ay hindi dapat masira yung friendship. And wag ka, hatid sundo pa? Kahit may bali sya? Hala. Tsk.

"At saka, Reign ang tawag ko sayo ah. Ako lang ang pwedeng tumawag sayo nun" then he smirked

"Kahit kailan talaga Joshua, ang landi landi mo"

"Mali Reign.. Riley dapat ang tawag mo sakin"

Ok? Oo nalang.

1 Month after since he started courting

"Tara gala"

"Wait Janica sama ako"

"Ayyy sige joke lang di na ako sama.. Kayo nalang ni Joshua magdate ah i mean kumain"

Napakatalaga netong mga kaibigan namin. Simula noong malaman nilang nililigawan ako ni Riley nag kakagulo sila lagi tuwing gagala or kakain lang sa labas. Supportive lang daw sila pero tsk minsan na lang tuloy kaming makumpleto laging kami lang ni Riley ang magkasama.

Pagkauwi ko sa bahay bumungad agad saakin si mama.

"Nica may nanliligaw daw sayo sino yun?"

Nga pala di ko pa nasasabi kay mama.

"Kailangan talaga sa ate ko pa malalaman yung tungkol dun? Bakit mo agad sinabi edi sana natulungan ko sya HAHAHA"

"Ma naman kala ko naman kung ano"

"Pero sino nga yun?"

"Si Riley po"

"Si Joshua Riley Rodriguez?! Bakit ngayon mo lang sinabi to? Naku kang bata ka!"

"Ma may problema po ba?"

"Oo me- ayy wala wala Janica. Nadala lang ako ng emosyon ko ikaw kasi ngayon mo lang sinabi"

Bakit ba laging kakaiba ang reaksyon nya pag dating kay Riley? Ano bang meron sa kanya?

-----------------------

Hmmm???😂😯

Who am I?Where stories live. Discover now