Chapter Three

43 1 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong nangyari yung aksidente. Si Josh at Ron ay nagrerecover pa rin dahil sabi ng doctor baka isang buwan pa raw bago tuluyang maayos yung bali nila. Samatalang si Liza ay nakakapasok na.

"Naku, Ron ang dami nyo ng namiss sa school. Pati yung school fest namiss nyo na. Ang dami pa namang activities. Merong rides..." Naku talaga 'tong si Liza porket magaling na sya.. Hahaha

"Hala oo nga pero mas ok na namiss nila yung fest kesa sa acads no"

"Mas mahirap kaya humabol pag acads na ang pag uusapan"

"Oo, lalo na pilay kami ni Veronica. Di talaga namin mahahabol, baka madapa kami."

Napalingon kami sa direksyon ni Joshua at tumawa. Binasag ni Hailee ang masayang tawanan at tinanong ako.

"Hahaha, oo nga pala Janica ano yung aaminin mo? Yung sabi mong problema mo? Kala mo makakalusot ka ah"

"A-ah e-eh a-ano k-kasi yun..." Teka sasabihin ko ba? Parang ang awkward.

"Ganito kasi yun- AHH SHET LATE NA PALA PINAPAUWI NA AKO NG NANAY KO" haha sana gumana tong bulok kong excuse

"Janica ano ba haha style mo bulok. Kilala ka na namin oh" tsk. Di ulit gumana. Think of another way Janica!

"Earth to Janica Reign Gonzales!" Potek full name ko na yun.. In no time magagalit na sila sakin pag di ko pa sinabi yun.

"Guys,eto na pramis. Last month kasi nanaginip ak-"

"Sino?? Si papi Zeo Raff Ruiz?? Yiee kilegzz"

"Ano binabangungot ka?"

"Puro unicorns yan panigurado"

Talaga naman tong mga kaibigan ko di kasi ako pinapatapos eh.

"Patapusin nyo kasi muna diba"

Yas thanks Joshua

"Thanks Josh. So nanaginip ako.. Uyy walang mag rereact ah.. Napanaginipan ko na may nagsasabi sa akin na mahal nya ako.. Sobrang na didistract ako pag naaalala ko yun. Isa pa, halos gabi gabi napapanaginipan ko sya. Kulang na lang maging totoo yun eh" syempre di ko pa sinasabi yung pangalan nya para safe. Yun nga lang alam yung mangiintriga sila.

"Ayieeee... Sino yung lalaking yun?? Gwapo??? Baka naman si Zeo nga yun!!!"

"Ah eh s-si J-joshua." Wtf!!!

Tumingin sila sakin well ofcourse, except for Joshua. At oo, tinawanan nila ako.

"Tae bes, yun lang yun? HAHAHAAH ang babaw mo naman"

"Ah kaya pala hindi mo ako pinapansin! Kaya mo pala ako nilalayuan! Janica masakit kaya!"

Tumayo si Joshua at kinuha ang saklay nya. At lumabas sya. Kitang kita sa tono ng boses nya na galit sya. Oo alam kong masakit yung paglayo ko sa kanya. Pero bakit mangiyak ngiyak sya? Dahil ba sa sinabi ko?

"Joshua! Saan ka pupunta?" Sinundan nila Hailee si Joshua. Habang kami nalang ni Veronica ang naiwan sa kwarto.

"Nica"

Paiyak na ako... Hindi ko alam bakit

"Nica"

"Hmm?"

"May sasabihin ako"

"Ano yun Ron?"

Ba't ako kinakabahan?

"Nica, matagal ng may gusto si Joshua sayo"

That answered my question. Kaya pala..

"Nakikinig ka ba?"

"Ahh oo naman"

"Di nya sinasadyang ikwento sakin yun. Nica matagal ka na nyang balak ligawan pero ikaw kasi eh pinamumukha mo sakanyang kaibigan lang talaga sya. Tapos these past few weeks di mo pa pinapansin"

Nakatanggap ako ng batok mula kay Ron. Kaya pala sya mukhang galit tuwing pinag uusapan namin si Zeo. And uh oh.. Sakanya pala lahat galing yung love notes na nakikita ko sa locker ko last s.y. and shet.. Nakita nya akong itapon yun.. ANG TANGA TANGA KO. Ganun ako kamanhid para di maramdaman yung pagmamahal nya. Kaya pala lagi akong hatid sundo. Sa bahay man yan o sa condo. Anong gagawin ko?

"Ron anong gagawin ko?"

-----------------------
JOSHUA'S POV

Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang sinabi ni Nica. Di ko na rin napigilan ang sarili ko at nasigawan ko sya. Ganun ba talaga pag mahal mo yung isang tao? Matagal na 'tong nararamdaman ko na ito eh.. Pero di ko lang maamin dahil sa ayaw kong masira ang friendship namin. Kahit pilit kong sabihin sa kanya na huwag itapon yung love notes nagpumilit sya. Sobrang sakit ng naramdaman ko nun. Yung bulaklak na nilagay ko sa locker nya nung valentine's. Hmmp. Hulaan nyo kung saan nya dinala... Sa altar... Sige tawa lang kayo.. Ok lang. Ibigsabihin nyan, totoo ang nangyari sa panaginip ni Janica.

Di ko na alam kung anong gagawin ko.

"Liza,Hailee, anong gagawin ko?"

------------------------
Hmmm? Ano kayang sinabi ni Ron kay Nica? At ni Hailee at Liza kay Joshua?

Who am I?Where stories live. Discover now