Chapter Six

24 1 0
                                    

JANICA'S POV

Ahhhhh sakit ng ulo ko  ano 'to sobrang sakit. Teka! Nasan ako? Tumingin tingin ako sa sa paligid ko... At oo nga pala nasa ospital ako, huli ko lang naalala ay dumilim ang paligid ko at nahimatay. Pagkagising na pagkagising ko saktong dumating ang doktor para sabihin ang resulta.

"Mrs. Gonzales, batay po sa mga blood tests na ginawa namin sa Janica, nadiskubre namin na meron syang anemia. Kulang ang mga red blood cells nya at dahil dun palaging syang mamumutla, madali syang mapapagod at madaling magkapasa. At kinakailangan nyang uminom ng gamot para hindi sya low blood palagi"

Ano? Anemic ako? Nagpapatawa ba sila? Eh wala namang history ng anemia ang both parents ko kahit sa relatives ko.

"Better take care of yourself Janica, wag ka masyadong magpakapagod"

"Doc, san nanggaling 'tong sakit na ito? not even a single person in our family has this?"

"Iha, maybe sa ninuno nyo 'to nanggaling. Don't be to worried"

No, something is wrong. But yeah, why should I worry? Bakit di ko nalang itake ang meds ko para gumaling ako.  How silly of me to doubt a professional.

---------------------------
SOMEONE'S POV
At last!! Only half an hour and makakarating na ako sa Pinas. I'm going to see my children, na sa pagkakaalam ko na medyo may galit sakin dahil iniwan ko sila nung bata pa sila. Sana matanggap na nila ako 'cause I'm staying here for good and magkakasama na kami till the rest of time.
------------------------
JOSHUA'S POV
Okay i'm going to take care of her, hindi lang bilang isang manliligaw kundi bilang isang kaibigan at kapatid. Janica's like my sister. She's beautiful,kind, and caring. She doesn't deserve that situation she is coping with right now. Ayokong nakikitang nahihirapan sya.

"Reign!" Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya

"Mag iingat ka nga, wag kang maglalakad ng mag isa ka lang baka mamaya himatayin ka nanaman."

"Really Riley? Bakit ganyan ka ha? Parte ba yan ng panliligaw? Hahahaha ang cute, thank you pero ok lang ako"

Ha? Ako cute? Stop making me blush Janica Reign.

"A-ah hahaha ano ba sure ka ba talaga na ok ka na?"

"Oo nga, pramis"

Sinabayan ko parin syang umakyat papuntang third floor tutal magkaklase naman kami. Papasok na kami ng room nang may tumawag sakin.

"Nak?"

Wait, sino to?

"Umm, sino po kayo? Baka wrong number?"

"Nak, tatay mo ito! Nasa Pilipinas na ako at kasalukuyang nasa bahay na.. Anak dito na ako titira!"

"Seryoso dad? Kala ko ba may iba ka ng pamilya sa US? Tapos babalik ka dito? Dad stop fooling us, di ka namin kailangan dito, kaya namin nila mom mag isa kahit wala ka"

"Nak, sorry naiwan ko kayo. And no wala akong ibang pamilya sa abroad. Joshua napatawad na ako ng nanay mo ilang taon na ang nakalipas, sana... Sana ikaw din."

"Ako? Papatawarin ka? Stop joking dad. Never"

Then after that, binabaan ko sya ng telepono. After how many years dad saka ka lang uuwi. 5 years palang ako nung iniwan mo ko, I was crying when you were about to board on the plane. You said you're going back after 2 years but no.. Again promises are made broken. Kaya di na ako naniniwala eh. Kahit minsan man lang di ka tumawag para lang kamustahin mo kami. Tumawag ka lang nun para sabihin na hindi ka na babalik pa and para saamin yung pag alis mo. Mom was broken hearted that time kasi sabi nya may narinig syang babae na sumisigaw dun sa bahay mo. Tinatanong nya kung sino ang kausap mo at nasundan pa daw iyon ng baby na umiiyak. So we predicted na kaya di ka na babalik pa dahil may iba ka ng pamilya dyan.

Matapos ang ilang oras ng klase naisipan kong ipakilala si Reign kay mama.

"Reign, sama ka sa bahay ipapakilala kita kay mama"

"Ha? Ngayon na? As in now?"

"Oo nga anuba haahaha"

Nakarating na kami ng bahay kaagad dahil malapit lang naman ito. Agad namang binuksan ni yaya ang pintuan noong mag door bell ako.

"Maam, sir, nandito na po si sir Josh"

"Anak!" Bati saakin ni dad peri di ko sya pinansin

"Ma, may ipapakilala ako sayo"

"Sino yan nak?"

"Ah yung babaeng nililigawan ko. Si Janica Reign Gonzales"

"HA?! PAPAANONG...BAKIT?"

"Dad may problema?" Sabi ni mama

"Ahh wala, nagulat lang ako pasensya na"

--------------------------------

Ahem ahem eto na yehey HAAHHAHAHAHA

Ano kaya susunod na mangyayari?😉😯😂💕

Who am I?Where stories live. Discover now