●°•35 NR•°●

400 18 0
                                    

Jaemin's pov.

"Jaemin saan mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Jiwoo.

"Sandali nga kayo ba ang mag de-date?" Liningon ko si Lami na ngayon ay galit na galit.

Napa hilot na lamang ako ng aking noo. hayss... pano ba to nangyari.

Flashback

"Jaemin!" tawag sakin ni Lami, nandito na pala siya.

"Alis na tayo." Tumango ako saka bubuksan na sana ang pinto.

"Sasama ako." Liningon ko si Jiwoo saka nakitang naka bihis na siya.

"Ano?! Date namin to ni Jaemin bigyan mo naman kami ng privacy." Ngumisi si Jiwoo saka nag salita.

"Para malaman mo, nag tra trabaho na ako bilang Butler ni Jaemin. Kaya kahit saan kayo pumunta ay susundan at susundan ko parin kayo." Trip niya siguro ehh.

"Jaemin, pag sabihan mo na siya please." Inakbayan ko si Lami, baka sakaling hindi na siya sumama.

"Wag ka ng sumama Jiwoo date namin to ni Lami ehh. saka maboboring ka lang naman at kailangan namin ng privacy." Hindi niya pinansin yung sinabi ko saka siya lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Wala narin kaming nagawa ni Lami kundi ang isama siya.

End

"Kumain nalang tayo Babe." Saka kami pumasok sa isang resto.

Tumabi sakin si Lami, habang sa harapan naming dalawa si Jiwoo.

"Pwede ba Jiwoo sa ibang table ka nalang?" Iritang sambit ni Lami.

"Ayoko nga, hindi naman kita amo para utusan ako." Napakuyom naman ang kamay ni Lami.

"Kung hindi si Lami ang amo mo, pwes inuutusan kitang umalis sa harapan namin." Nabigla kaming dalawa ng biglang tumawa si Jiwoo.

"Akala mo ikaw? hahahaha!! Yung papa mo ang boss ko Jaemin, kaya kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako mapapaalis."

"Bilang kaibigan umalis kana please." Ngumisi siya saka ako tiningnan sa mata.

"Ikaw na mismo ang nag sabi Jaemin, ayaw mo naman diba ako maging kaibigan." Napa hinga na lamang ako ng malalim.

Kumain na lamang kami.

------

Time skip

"Nag enjoy talaga ako." Masayang sambit ni Jiwoo, habang nag lalakad kaming tatlo sa park. Gabi narin naman kaya madilim na sa daan.

"Nag enjoy ka nga, pero sinira mo naman yung date namin ni Jaemin." Mataray na sagot ni Lami.

"Ahh... Jaemin alis na ako nanjan na sundo ko ehh." sabi ni Lami habang naka ngiti.

"Ingat..." sagot ko. Nag wave muna siya bago siya pumasok sa kotse.

Nag lakad muna kami, tahimik lang kaming dalawa habang nag lalakad.

Umupo muna ako sa isang bench, saka tumingin sa kalangitan.

"Bakit mo ginagawa to?" Sambit ko sakanya...

-----
Jiwoo's pov

"Bakit mo ginagawa to?" Naka tayo lang ako sa tabi niya.

"Sagutin mo ako." Tumingin ako sakanya.

"Hindi ko alam." sagot ko.

"Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, hindi ko alam kung bakit ako nababaliw sayo, hindi ko alam kung bakit mahalaga ka sakin. Jaemin hindi ko alam." Napa hinga na lamang siya ng malalim saka tumingin sakin, nag iba mukha niya nung tumingin siya sakin.

"Bakit ka umiiyak?" Hinawakan ko ang aking pisngi saka naramdaman na basa ito, pinunasan ko agad ito.

"Siguro nga nalulungkot ako, pero masaya ka narin diba?"

"Jaemin may itatanong lang sana ako." saka umupo sa bench.

"Jaemin, minahal mo ba ako?" Tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit ko yun na tanong.

"Kapag ba sinagot ko yan i-iwan mo na ako?" Naka ramdam agad ako ng sakit sa aking dibdib. Huminga muna ako ng malalim saka tumango.

Kahit naman kasi sundan ko siya forever wala rin naman kasing mangyayari, mas maganada na sana kung ganito at least may pang hahawakan ako.

"Jiwoo akin na yung kamay mo.." binigay ko naman agad ang kamay ko, saka niya ilinagay sa may puso niya.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya sakin.

"Mabilis?" Ngumiti naman siya sakin, matagal ko ng hindi nakikita yang mga ngiti niya.

"Sa tingin mo ano ang ibig sabihin non?" Tanong niya sakin.

"Ewan, dahil ba sa pagod ka? Hindi ko alam." Sagot ko sakanya, hinila niya ako palapit sakanya saka hinawakan ang aking pisngi.

"Anong gi-" napa pikit na lamang ako ng maramdaman ko ang mga labi niya, ang bilis ng tibok ng puso ko. Mabilis naman siyang lumayo sakin.

"Minahal kita Jiwoo na hanggang ngayon mahal parin kita." Tumingin ako sakanya, saka bumagsak lahat ng mga luha ko.

"Jiwoo, yung pangako mo tuparin mo." saka siya tumayo at iniwan akong mag isa.

Dito na ba lahat to magtatapos?

Æ♤

She's My Maid? || NCT Jaemin FfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon