●°•50 NR (Finale)•°●

540 18 5
                                    

Jiwoo/ Jaymie's pov.

Nana: nandito na ako sa resto.

Jaymie: k papunta na.

Mabilis kong pinaharurut ang aking sasakyan. Excited na talaga akong makita si Nana.

Mag kakasundo talaga kami.

Agad ko namang ipinark yung kotse ko nang makadating na ako sa harap ng resto.

Pano ko ba mahahanap si Nana. E ang rami-raming tao.

Malayo pa lang, may napansin na akong dalawang pamilyar na tao. Anong ginagawa nila rito? Lalo na siya.

Sino? Si Jaemin, naka simangot akong pumasok sa loob. Ang ganda-ganda na ng araw ko bakit ko pa siya nakita?

At dahil sa tapat lang nila ang may bakanteng table, naka simangot akong lumapit doon.

Bago pa ako makalapit sa kanila, nakita kong tumayo si kuya Jeno saka lumabas sa kabilang exit. Sayang hindi niya ako na abutan.

Naka kunot ang noo ni Jaemin ng papalapit ako sa kabilang table, tinaasan ko siya ng kilay. Akala niya siguro siya ang pinunta ko dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Halatang iritable niyang sinabi.

"May ka date ako." Saka ako umupo sa table.

Totoo naman diba? May friendly date kami ni Nana.

"Pwede sa ibang resto nalang kayo? May ka date rin kasi ako ehh." Mas tumaas pa yung kilay ko ng marinig ang mga sinabi niya.

"Sayo tong restaurant? Maka angkin ka parang sayo." Huminga siya ng malalim saka tinuon ang sarili sa kanyang phone. Naka tanggap ulit ako ng message.

Nana: asan ka na?

Jaymie: nandito na ako, hinahanap ka.

Nana: wrong timing Jaymie, nandito siya.

Jaymie: same nandito rin si g*go.

Nana: ano nang gagawin natin?

Jaymie: ewan, ang raming tao ehh.

"Jaymie" napa angat ang aking ulo, ng marinig ko ang boses ni kuya Jeno.

Napadako naman ako kay Jaemin, nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat.

"I-ikaw si J-jaymie?" Unti unti ng nag si-sink in sa akin lahat, hindi kaya siya si...

Muling tumunog ang aking phone...

Nana: ako si Nana, Na Jaemin.

Jaymie: ako si Jiwoo.

"Ano?!" Sabay naming sabi, napunta samin ang atensyon ng lahat ng tao. Napa yuko na lamang ako dahil sa sobrang hiya.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Ano mag iiwasan nalang ba kayo?" Saka ko ulit napansin na nanjan pala si kuya Jeno sa harapan namin.

Bigla siyang lumapit kay Jaemin saka hinila niya ito.

"Aray! Jeno, bitawan mo nga ako." Pina upo niya si Jaemin sa harapan ko.

"Wag ka nang mag inarte Jaemin, alam kong gusto mo rin naman ehh..." Patawa tawang sabi ni kuya Jeno.

"Jaymie, Meet Nana. Nana meet my sister Jaymie." Awkward akong tumingin sakanya. Pag bigyan ko nalang topak ni kuya.

"Nice to meet you Nana." Saka ko iniabot ang aking kamay.

"Since alam mo na lahat ng dahilan ko, May kailangan pa ba akong ipaliwanag sayo?" Seryosong tanong ni Jaemin. Ito na siguro ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ko.

She's My Maid? || NCT Jaemin FfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon