Chapter 3: Not a Finder's Keeper

10 0 0
                                    


HINDI pa nasisimulan ni Marilen ang gagawing sulat para kay Rupert. Nagpapagana pa sa pamamagitan ng pagbubuklat sa mga pahina ng mga pambabaing magazine.

Nasa Saudi ang nobyo niya. Dati ring nag-o-opisina ngunit na-retrench sa trabaho. Sa halip na muling mamasukan, ipinasya na lang na makipagsapalaran sa banyagang lupain. Magta-tatlong taon na ito sa abroad at patapos na ang kontrata sa darating na buwan ng Pebrero.

"Mas gusto ko dito kaysa sa Baliwag, Ate," sabi ni Neneth.

Pinukol ng tingin ni Marilen ang kapatid na dalaga. Nakahiga na ito, nagpapaantok sa pamamagitan ng pagbabasa ng biniling makapal na American romance paperback.

"Hindi mo ba nami-missed ang mga kaibigan mo sa atin?" tanong niya.

"Nami-missed ko rin. Pero hindi gaano. Exciting pala ang college life dito sa Maynila, Ate Ang daming cute na guys."

"Neneth, ang pag-aaral ang atupagin mo at hindi 'yang pakikipagligawan ," pagwawaksi niya sa dalagang estudyante.

Nagpalit ng posisyon si Neneth. Naupo sa kama. "Ang kill joy mo, Ate."

"Pinapaalalahanan lang kita."

"Speaking of guys, natatandaan mo pa ba 'yung cute na guy na tumulong sa pagbababa ng ref natin, Ate?"

"What about him?" kaswal niyang tugon.

"Nakakabatian na namin siya ni Kenneth."

Hindi lang pala siya ang binabati, naisip ni Marilen. Gayonman, hindi na siya humingi ng iba pang detalye kay Neneth. Naghihikab na ito ilang sandali pa.

Itinuloy na ni Marilen ang gagawing sulat sa nobyong nasa abroad. Sinimulan niya sa pamamagitan ng pag-uulat na nakalipat na sila nang maayos sa Quezon City. Pero hindi niya natapos dahil kinaantukan niya. Hanggang sa pagbabalitang kasalukuyan siyang naghahanap ng bagong employment lang ang nasabi niya.

Gayonman, ipinangako niya sa sarili na maihuhulog iyon sa post office bago matapos ang linggo.

ARAW ng Huwebes, nangungusina sina Mrs. Javier at Marilen nang pahangos na dumating si Naneth. "May tawag ka, Ate. Galing sa World-Asia," abiso nito.

Dagling kinuha ni Marilen ang cellphone mula sa kapatid. Ibig na ibig niyang maglulundag sa tuwa nang malaman mula sa kausap sa kabilang linya na tanggap na siya at pinagre-report kinabukasan din para sa kanyang medical exam at checkup.

"Hataw si ate! Makati girl na," palatak na sabi ni Kenneth nang malaman ang magandang balita.

Maging si Mrs. Javier ay tuwang -tuwa din. Hindi na nito nahintay ang pagdating ng asawa, bagkus ay itinawag na sa opisina sa Cubao na natanggap na ang anak na panganay sa posisyong inaplayan sa World-Asia Enterprises.

Gaya ng naipangako, nag-blow-out siya ng araw ding iyon. Bumili silang dalawa ni Neneth ng isang galong ice-cream at braso de Mercedez sa Goldilocks bakeshop sa Retiro.

NAKINOOD si Marilen sa paboritong seryeng Ingles sa telebisyon ng mga magulang at ng mga kapatid kinagabihan. Nasa kalagitnaan ng programa nang may kumatok sa kanilang pinto. Siya ang tumindig upang tingnan kung sino ang panauhin. Si Jane ang napagbuksan niya.

"Hi!" nakangiting bati ng pinsan. Nakasuot pa ito ng uniform sa pinapasukang opisina bagama't tsinelas na pambahay na lang ang sapin sa mga paa. Katulad niya, dalawampu at limang taon na rin si Jane. "Nabalitaan ko kay mommy na natanggap ka na raw sa trabaho. Congrats." Hinalikan siya ng pinsan sa pisngi.

Should' ve Been the One  by Melissa Y. NicolasWhere stories live. Discover now