Chapter 4: Obviously a Modus...?

10 0 0
                                    



NAI-IN LOVE agad si Marilen sa World- Asia Complex nang unang magtungo doon. Sa makabagong pasilidad at sa ere ng prestige and glamour.

Nakatindig ang Complex sa panulakan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas. Hindi ito maaaring pagkamalian dahil sa dalawang matataas na Corporate Building. Hindi talaga niya kailanman nakita ang sarili na mapapabilang sa workforce ng World-Asia Enterprises Inc. Hindi pa rin niya mapaniwalaan!

Gaya ng sinabi ni Mrs. Anacleta, pinaraan nila ang mga sumunod na mga araw sa paghahanda sa kanya bilang assistant to the vice president for Planning . Na-absorb niyang lahat ang mga itinuturo sa kanya ni Mrs. Anacleta.

Masuwerte nga yata talaga siya. The job was so exciting. Maganda rin ang pasahod. Higit pa sa inaasahan niya. Lalu niyang naiibigan ang World-Asia sa maikling panahong pamamalagi niya doon. Ang isa sa mga dahilan ay dahil nakapuwesto ang kanyang office desk malapit sa glass window kung saan mayroon siyang magandang view sa kahabaan ng Ayala Avenue.  Pamilyar na sakanya ang gusali, ang iba't ibang departamento at maging ang mga pangalan ng mga VIPs.

Naka-vibes niya agad si Karen, ang assistant to the vice-president for Development.  Ito ang ka-share niya sa espasyo sa ikawalong palapag ng gusali. Nakilala na rin niya maging ang exportmarketing consultant na si Mr. Leoncio Arcega, nasa middle 50s na, with receding hair and bulging belly.   Madali itong pakibagayan at palabiro pa nga.

Maliban na lamang sa kanyang boss na si Mr. Grenada na sa darating na Lunes pa mag-re-report sa opisina mula sa earned-vacation leave.


KUNSUMISYON kung minsan ang biyahe sa loob ng isang pampublikong sasakyan. Mayroon dongmalalaki at maliit na problema--- mandurukot at tsansingerong lalaki.  Nag-LRT si Marilen pauwi at dahil rush hour standing at siksikan ang mga commuters.

Pinag-iisipan ni Marilen na  dagdagan ang line-up ng kanyang wardrobe bilang pinaka-blow-out niya sa sarili nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay na dumaiti sa kanyang pang-upo.  Bumundol-bundol na iyon kanyang pang-upo maya-maya pa.

Parang sinilihang bigla ang kanyang pakiramdam. Nakatitiyak na siyang tsansingero atmanyakis ang lalaking nakapuwesto sa kanyang likod.

Maraming pagkakataon na niyang naranasan ang matsansingan ng mga lalaking bastos. Madalas ay sa mga pampasaherong jeepney. Pero hindi siya ang tipo ng iiyak na lang ng walangsound samantalang tsinatsansingan ng culprit.

Sa pagkakataong iyon ay hindi  nagdalawang-loob  si Marilen. Siniko niya ng ubod lakas sa tagiliran ang buhong na nakapuwesto sa kanyang likuran. Nasaktan ito at lumayo.   Saka niya tinitigan nang matalim.   Patay-malisya naman ang lalaki.   Hindi makatingin sa kanya.  Bibigyan pa sana niya ng isang goodbye na tadyak sa paa nang dumating ang tren sa Blumenttrit station dangan nga lang at naka-high-heels siya.


LAGING very refreshing sa pakiramdam ni Marilen ang pag-uwi sa kanilang bagong komunidad. Epekto marahil ng paninirahan sa isang lugar na mayroong masiglang takbo ng komersyo.

Hindi pa katagalan, ngunit masasabi na niyang lubhang magiging makabuluhan angpananatili ng pamilya nila doon. Ideyal naman talaga ang lokasyon ng Binhagan Street. Nakasangaito sa panulakan ng Bonifacio Avenue. Kaunting lakad mula doon ang disyansya ng Mayon at Del Monte Avenue kung saan naman mga nakatindig ang mga commercial establishments.

Bago tuluyang umuwi, dumaan muna siya sa Gloria Building. Mayroong outlet ng Pearlshake doon. Bibilhan muna niya ng pasalubong ang mga kasambahay.

Should' ve Been the One  by Melissa Y. NicolasWhere stories live. Discover now