Maagang gumayak si Marilen kinabukasan ng Lunes upang makaiwas sa early morning traffic rush.
Palagay ang kanyang loob at pakiramdam pa nga niya ay magiging maganda ang pasok ng linggo.
"Miss Javier, your boss has just arrived," nakangiting salubong sa kanya ni Mrs. Anacleta pagkaraan niya itong mabati. "Actually, he's waiting for you in his office."
Saka inangat ni Mrs. Ancleta ang handset ng direct line sa opisina ng VP for planning.
"Sir, Miss Javier is already here. Shall I send her in?" Saka muling tumingin sa kanya si Mrs. Anacleta. "Go ahead Mrs. Javier. And good luck," himantong nito.
Finally, mami-meet ko na ang elusive na si Mr. Grenada, usal ni Marilen nang humakbang patungo sa opisina ng executive.
NAKATUNGHAY sa pahayagan ang lalaking nakaupo sa likod ng executive table. Lampas sa peripehral vision ni Marilen ang upper body nito, natatakpan ng binabasang financial press ang anggulo ng ulo at mukha. Tanging ang suot na amerkanang midnight blue ang klaro at nababanaag niya.
"Good morning, Sir!" magalang niyang bati.
"Good morning," ganting-tugon ni Mr. Grenada at sinundan ng pagpapalit ng sitting-position. Marahan nitong itiniklop ang tinutunghayan financial press. Unti-unti, tumambad ang anggulo nito.
Tumakas ang kulay sa mukha ni Marilen nang ganap na mabanaag ang mukha ng vice president for planning. Sinundan iyon ng pangangalog ng kanyang mga tuhod at ang pagsisikip ng kanyang dibdib.
Sapagkat hindi niya natagpuan ang nai-pikyur niya sa isip na middle aged executive with receding hair and bulging belly. Manapa ay proporsyunado ang katawan at timbang ni Mr. Zaldy Grenda sa edad nito na nasa pagitan ng late 20s at middle 30s, at malago ang tubo ng itim at alun-along buhok.
At mas masahol pa doon! Dahil kaharap-harap niya ngayon ang lalaking pa-cute at walang ambisyon sa buhay ; ang lalaking naghahanap ng mabibiktima at gatasang nobya. Ang lalaking napagbuhatan niya ng kamay at tinawag ng mga katagang manyakis at bastos.
Si Mr. Refrigerator Man!!!!
SA wari ba ay gitlang-gitla din ang lalaking nakapuwesto sa likod ng executive table. "Miss Marilen Javier?" sabi nito pagkaraang makabawi.
"Yes Sir," nagawa niyang itugon sa kabila ng nararamdamang panlalamig.
"Have a seat please," himantong nito.
Nagbantulot siya nang kung ilang sandali bago tumalima.
"May I have your file?" Kaswal na sabi ni Mr. Grenada. Parang nasa isang ordinaryong interview session lang.
Ibinigay niya ang dalang folder.
Marahang binuklat ni Mr. Grenada ang kanyang portfolio at saka itiniim ang mga mata doon.
Sa kabila ng mga emosyong nararamdaman, hindi pa rin napigilan ni Marilen ang palihim na pagmamasid sa VP for planning. Upang tiyaking hindi siya nananaginip lang. Pero iyon pa rin ang dating mga mata, ang matangos na ilong, ang mapulang mga labi ang makinis at maputing kutis.
Lalung tumingkad ang kakisigan at personalidad nito sa suot na coat and tie. Larawan ito ng isang taong sanay sa pangangasiwa ng isang malaking business corporation.
YOU ARE READING
Should' ve Been the One by Melissa Y. Nicolas
RomanceSa kabila ng lahat ng efforts ni Lenny na isara ang puso niya, nandoon pa rin si Zaldy, hindi natitinag sa paghihintay, hindi nagsasawa. Hindi niya pinlano na mahulog ang loob, ang puso niya sa binata , hook, line and sinker...