Chapter 6: "The Unforgiven"

15 1 0
                                    


"GOOD morning!"

Natagpuan ni Marilen si Mr. Nolasco nang mag-angat ng mukha mula sa ginagawang mga file index na may sukat na 3 x 5---- ang isa sa mga office supplies na madalas niyang kakailanganin.

"Good morning, Sir. Can I help you?" magalang niyang tugon sa assistant controller for planning.

"I came to see Mr. Grenada. Is he in?"

"Yes, Sir. Just a moment please," aniya na sinundan nang pagpindot ng daliri sa mike press sa intercom na nakapuwesto sa kanyang mesa.

"Yes?" tugon ng tinig sa audio-speaker. Ang tinig na kau-kausap niya sa intercom na iyon mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

"Excuse me, Sir. Mr. Nolasco is here to see you,"malumanay niyang sabi.

"Send him in, Miss Javier."

Binalingan niya si Mr. Nolasco. " Sir, tuloy na po kayo sa office," aniya nang nakangiti.


PAGKARAANG matuklasan ni Marilen kung sino talaga si Mr. Zaldy Grenada mahigit isang linggo na ang nakakaraan, umuwi siya sa Binhagan na tulirung-tuliro at mabigat na mabigat ang loob.

Bagama't kanya na talaga ang posiyon sa WAE Inc., ngunit sinasabi naman ng kanyang gut feeling na huwag siyang masyadong pakakasiguro. Na malaki ang magiging problema niya sa kanyang bagong employer/boss sa hinaharap. Na sisingilin siya nito sa naging atraso. Na maaaring nakikipaglaro lang sa kanya si Mr. Grenada. Maaaring pinagpapahinga lang siya ng kaunti before going for the kill. Pinakamasahol na magagawa nito ay ang i-terminate siya nang walang reference.

Isang bahagi ng kanyang sarili ang nagsasabing dapat siyang tumakbo at iligtas ang sariling leeg habang may panahon pa. Na mag-resign na agad at i- deny sa lalaki ang pagkakataong makapaghiganti. Pero kung gagawin niya, ano naman ang sasabihin nyang dahilan sa mga magulang

at mga kapatid? Anong klaseng pagpapaliwanag ang gagawin niya sa mga kasambahay? Sasabihin ba niya sa mga ito kung ano talaga ang totoong nangyari? Sa sarili niyang pagpapalagay, hindi na siya igagalang at hindi na siya makakatingin ng tuwid sa mga magulang at mga kapatid kapag nabatid ang naging karanasan niya kay Mr. Grenada. Ang pinakamalaking screw up sa buhay niya at career.

Oo, sumagi din sa kanya ang paghingi ng paumanhin sa lalaki. Pero paano? Ano ang sasabihin niya? Sasabihin ba niya na nabigla lang siya kaya niya ito napagbuhatan ng kamay at nasabihan ng bastos at manyakis? Na napagbuntunan lang ito ng kanyang iritasyon ng gabing na iyon? Kung gagawin nga niya ang humingi dito ng paumanhin, baka maging added insult to injury lang sa panig nito?

Dapat lang siguro siyang i-terminate ni Mr. Granada, kung iyon man ang binabalak nito. Nararapat lang sa kanya sapagkat siya naman talaga ang dapat sisihin. Kanyang lahat ang kasalanan. Masyadong tumaas ang ere niya mula nang makuha ang career job na iyon. Hindi naman talaga niya dapat hinuhusgahan ang isang indibidwal base sa mga nakukuhang impresyon. Na hindi laging totoo na what-you-see-is-what you-get. Kaya itinahimik na lang niya ang kalooban at inihanda ang sarili sa paniningil ni Mr. Grenada. Sa muling pagiging jobless sa mga susunod na araw o buwan.

Bagama't may prominisyon na hindi na magtatagal sa World-Asia, ginampanan pa rin niya nang buong husay at sigla ang pagiging sekretarya ni Mr. Grenada sa mahigit isang linggo nang nakakaraan. Sinikap niyang itago ang nararamdamang pagkaasiwa sa presenya nito. Sa panig naman ng kanyang employer, batay sa kanyang sariling obserbasyon, walang siyang masagap na antagonism mula dito. Natural na natural ang mga kilos. Casual and civil lang. Maaaring naghihintay lang ng tamang pagkakataon bago i-deliver sa kanya ang coup de grace. Kailangan niyang pag-ingatan at bantayan ang sariling performance sa lahat ng pagkakataon. . One slip and Mr. Grenada will eat her alive.

Should' ve Been the One  by Melissa Y. NicolasWhere stories live. Discover now