Chapter 7: The Kiss or Peace Maker?

12 0 0
                                    



HINARAP ni Marilen ang mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng puto at kutsinta nang makapananghalian: Malagkit, kunudkod na murang niyog, asukal na puti, dahon ng saging na pinutol sa sukat na 3 x 3 k'wdrado, all-purpose flour, lihiya at atswete.

Nabili niya ang mga sangkap sa Divisoria Market nang samahan niya kaninang umaga si Mrs. Javier sa pamimili ng mga paninda para sa bubuksang sari-sari store.

Inuna niya ang paghahanda sa mga sangkap na gagamitin sa puto. Sinimulan lang niya ang paggawa ng kutsinta matapos maisalansan ang mga coco molder sa steamer. Pasisingawan ang mga puto nang 5- 10 minuto bago hanguin. Nasisiguro niyang mawawala na ang tensyong nararamdaman kapag naipamahagi na sa mga kasambahay ang kanyang finish product na Sunday meryenda.

ANG pagsi-set-up ng meeting ang pinag-ugatan ng nararamdaman niyang tensyon. Oo, madalas siyang mag-set-up ng meeting nuong namamasukan pang sekretarya sa Bulacan Motors. Pero pang-low profile lang; Para sa mga miyembro lang ng sales force.

Hindi katulad ng isang executive session na dadaluhan ng mga executive officers, kasama na ng Presidente/CEO ng World-Asia!!It's her face on the line. Lalabas siyang kahiya-hiya at incompetent kung may manyayaring kapalpakan, faux pas, sa anticipated meeting ni Mr. Grenada.

Naisip rin niya ang posibilidad na maaaring isini-set up siya ni mr. Grenada. Pero ganoon ba ito kabilis mag-produce ng isang project proposal para lang i- set-up siya?

Tinawagan niya si Karen nang matapos sa puto at kutsinta. Kailangan niya ng mga pointers mula sa isang seasoned secretary.


A-ANDAP-andap ang loob ni Marilen nang sumapit ang araw ng pa-meeting ni Mr. Grenada.

Nakadagdag pa ang pag-ulan-ulang sanhi ng intertrophical convergence zone sa nararamdaman niyang jitters. Halos hindi nga siya nakatulog kagabi sanhi nang magkahalong tensyon at pananabik.

Naging maaga kaysa karaniwan ang pagpunta niya sa World-Asia para sa mga last-minute housekeeping na kailangan niyang gawin. Ipinabukas niya agad sa utility personnel ang malaking conference room na siyang magiging venue ng pagpupulong. Muli niyang ipinalinis. Ginawan

niya ng accounting ang mga office supplies na gagamitin, maging ang sitting plan na magkatulong nilang ginawa ni Karen. Nang makuntento doon, tinawagan niya ang restaurant na magki-cater upang kumpirmahing darating sa nakatakdang oras.

DALAWAMPUNG minuto bago ang nakatakdang oras nang magsidatingan ang mga VPs kasama ni Mr. Grenada. Agad napuno ng mga pag-uusap ng mga executive officers ang malaking conference room. Kanya-kanyang pagdi-diskurso sa bawat umpukan. Nahinto lang nang dumating ang Presidente/ CEO na si Mr. Fernando Llamas kasama ang nag-iisang anak na babae na siya ring VP for Finance. Magiliw na nakipagbatian ang mga bagong dating sa mga dinatnan

Sinimulan ni Marilen ang pagpapamahagi ng mga folder , ang project proposal ni Mr. Grenada nang makapuweto na sa kanya-kanyang designated seats ang mga executive officers.

"By the way ladies and getlemen,"himantong ni Mr. Grenada. "I would like to introduce Miss Marilen Javier, my new secretary."

"So you have finally gotten rid of Mrs. Anacleta?" Nakatawang sabi ni Mr. Ortiz, ang VP for Sales.

"I won't blame Zaldy," salo naman ni Mr. Buenaventura, ang VP for Acquisitions. "Hell, I'll fire my old secretary for a younger and prettier one any time of the day." Nakakuha iyon ng mga malulutong na pagtatawanan.

Should' ve Been the One  by Melissa Y. NicolasWhere stories live. Discover now