Disturb

25 3 1
                                    


Third Person's POV

Sa wakas sa tagal-tagal ng panahong nagdaan ay nakapunta ulit rito si Veronica.

"Kamusta diyan? Masaya ka ba? Dalawin mo naman ako sa panaginip ko ugok ka! Namimiss na kita."

Tugon niya sa lapidang nasa harapan niya.

"Kung ako tatanungin mo kung kamusta ako ayun tarantado parin sorry ah alam ko namang sobra-sobra na yung binibigay ng parents ko sakin pero natanggap parin ako ng mga ganung trabaho."

Tinutukoy niya ay yung pag-payag nila na ihire sila ng mga taong kilala dahil sa kapangyarihan ng mga ito.

"Red I miss you"

Mga katagang nagpatulo ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Loko ka! Tulungan mo naman akong makahanap ng ipapalit sayo! Nang taong magpapasaya ulit sakin! Diba sabi mo gagawin mo lahat para sa prinsesa mo!" *sob*sob*

"Sige na marami pa akong kailangang tapusin."

Tumayo na si Veronica at nagsimula ng maglakad papalayo ng makaramdam siya ng isang malakas at malamig na hangin.

Napagpasyahan niyang pumunta sa isang kilalang bar, nakasanayan na niya ito, ang gumimik.

Nga lang hindi niya kasama ang tatlo.

Riiinngg

Tinignan niya ang kanyang cellphone na nagriring dahil sa tawag ng kaibigan.

Hindi niya ito sinagot at isinilent na lamang upang hindi makaistorbo sa kanyang pag-inom.

"Hi miss"

Bati sa kanya ng lalaking medyo nakainom na.

"Mukang mag-isa ka lang yata?" Dugtong pa nito.

"Bakit pagsinabi ko bang mag-isa lang ako ay sasamahan mo ko?" Bulong niya sa lalaki na ikinatuwa naman nito.

"Oooh that's what I want hindi pabebe"

Tugon sa kanya nito.

Bigla na lamang napatumba ang lalaki dahil sa lakas ng suntok ni Veronica.

Iniwanan niya ito at lumipat ng pwesto siksikan man ay hindi niya ito alintana.

Makalayo lang sa lalaking iyon.

Langong-lango na siya sa alak makalipas ang ilang oras na pag-iinom niya.

Maraming lalaki ang nagtangkang pagsamantalahan siya ngunit kamao agad niya ang sumasalubong rito.

Pumara na lamang siya ng taxi at dumeretso siya sa condo niya na ang nakapalibot rito ay condo ng mga kaibigan niya.

Pasuray-suray syang sumakay sa elevator alas-tres na ng madaling araw kaya mga galing sa bar na lang din ang nakakasabay niya.

Tumigil ang elevator hudyat na may sasakay uli magkasintahan ito at tila isangtaong hindi nagkasama dahil sa paglalambingan ng mga ito.

"Tsk."

Si Veronica na hindi matiis ang paglalampungan ng dalawa.

Laking pasasalamat niya ng makarating na sya sa tapat ng condominium niya saglit siyang napatigil sa hindi malamang dahilan.

Hilo-hilo niyang itinype ang password nito at agad rin naman itong nagbukas.

Nagdodoble na ang paningin niya dahil sa kalasingan.

Sakto namang pagkapasok niya sa kwarto ay..

"Sh*t mothef*cker!"

Napabunot siya ng baril dahil isang lalaki lang naman ang nakahiga sa kanyang kama at mahimbing na natutulog.

"Who are you?!" Tanong niya ngunit tulog parin ito.

Binato niya ng susi at natamaan ito sa likod.

Napabangon naman ang lalaki na pupungas-pungas pa.

"Who the fuck is you?/Sino ka?"

Magkasabay nilang tanong sa isa't-isa.

Ikinasa ni Veronica ang hawak niyang baril na nakatutok parin sa lalaki.

"I am the only one who has the right to ask you that! I repeat who the hell is you!"

Sigaw niya sa lalaki na halatang nagulat sa inasta ng dalaga.

"Eh?"

Ang tanging nasagot niya sa babae dahil hindi naman niya ito maintindihan.

"Aaiiissshhh sino ka?!! Bobo ka ba ha!!"

Nanggigigil niyang tanong sa lalaking nasa kama parin niya at suot-suot parin sa mukha ang pagtatakang aura.

Bigla namang ngumiti ang lalaki ng pagkalaki-laki na halos ipakita ang buo at napakaputing ngipin.

Para namang biglang may nagsabi kay Nica(short for Veronica) na ibaba na ang baril na hawak-hawak niya.

Napakagaan ng aura ng lalaking nasa harapan niya ngayon ngunit parang bumalik ang pagkalasing niya at unti-unti na syang nawalang ng balanse at natumba.

Natumba sa bisig nang lalaking kanina lang ay nasa kam ni Nica ngunit heto sya ngayon.

Hawak-hawak si Nica na sa sobrang kalasingan ay tulog na tulog na.

"Hmm hindi kaaya-aya ang amoy mo"

Puna niya sa dalaga na tulog parin.

"Alam ko na nakikita mo iyon binibini? Ay imposible pala iyon dahil tulog ka,dadalhin na lamang kita sa langit-- ay hindi pa pala ako pwede roon. Doon na lamang sa hinigaan ko kanina napakalambot niyon binibini!!"

Patuloy parin siya sa pag-sasalita kahit tulog ang kanyang kausap.

Binuhat niya na ito papuntang kama at inihiga doon.

"Alam mo binibini istorbo ka sa pagtulog ko sa malambot na higaan na ito kaya kung mamarapatin mo umusog ka kahit kaunti? Tulog ka nga pala."

Iniusog na lamang niya ang dalaga, humiga siya sa tabi nito at ipinagpatuloy ang pag-tulog na ayon sa kanya ay naistorbo raw.




A/N:May typos dito panigurado pagpasensyahan na 1:14 na kasi eh naaantok na rin ako. Lame ba? Tutuloy ko pa ba to?

My Dear AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon