Wound

27 3 0
                                    

Dahil sa nangyaring insidente ay maagang pinauwi ang mga estudyante ng Holy Blood Academy
o mas kilala ang mga estudyante sa tawag na Holynians.

Nabago ang bansag sa eskwekahan at mga estudtante rito simula ng mamatay ang anak ng may-ari ng eskwelahan na sya ring kasalukuyang punongguro.

Simula rin ito ng lalong paggiging pribado ng paaralan, pili lamang ang mga ipinapalabas na impormasyong nangyayari sa loob.

Ang malaking ipinagtataka ng mga estudyante ay imbis na clinic ang pinatayo sa eskwelahan ay ospital.

Dito mismo dinala ang anak ng kanilang principal matapos maaksidente at inoperahan ng asawa ng punongguro.

Ngunit binawian rin ito ng buhay, only child ito, kaya lubos na nangulila ang mag-asawa.

Sinisisi ng punongguro hanggang ngayon ang kanyang sariling asawa sa pagkamatay ng kanilang anak.

Naging usap-usapan ang sunod na pagkamatay ng doktor, maraming nagsasabi na pinatay ito ng kanilang principal.

Itinanggi ng kanilang punongguro ang akusasyon, marami ang naniwala na hindi niya iyon maggagawa.

Ilan lamang ang hindi siya pinaniniwalaan, tulad ng
DFG(Dark Frostburn Gang),WFG(White Feather Gang),BSG (Black Serpent Gang) at marami pang iba.

Kumalat kasi ang isang litrato ng asawang doktor ng kanilang principal na may kahalikang babae.

Isa itong malaking dahilan o sapat na ebidensya upang kitilan ng sariling asawa ang kabiyak nito.

Kamuntik-muntikan ng bumagsak ang paaralan simula noong naging mag-isa na lang ang babae.

May nakapag-sabi rin na nakipagsundo raw ito sa demonyo kaya nabawi lahat ng nawala rito.

At ito naman ang hindi pinaniniwalaan ng lahat. Sa isip nila ay demonyo lang talaga ang ugali nito.

\_|\_|\_|\_|\_|\_|\_|\_|

Kasalukuyang palakad-lakad si Gabriel habang umiinom ng tubig nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang apat.

"Waaaaaaaaahhhh!!!! Andito na kayo!!"

Sigaw niya sabay damba ng yakap, napansin niyang hinihingal si Nica kaya iniabot niya ang sariling tubig.

"Angel tubig."

Walang arteng ininom ni Nica ito.

"Hoy! Tapos na akong kiligin sa inyo! Tubig ko Gabriel?!"

"Ako den!"

"Kuhanan mo rin ako."

Utos ng tatlo kay Gabriel na tumungo na ng kusina.

Umakyat si Nica at dinala pababa ang kanyang laptop. Naalala niya kasing hindi pa pala niya nakikita ang labi ni Morez.

"Grabe! Bakit yung kauna-unahan pang building yung nasunog!" Ryle.

"Nandoon lahat ng trophies ng school natin sayang." Claire.

"YES! K.O!! WOOOOHHHHOOOO!!"

Sigaw ni Chrysler habang nakatutok ang mata sa PSP niya.

Si Nica naman ay walang humpay sa pagtipa.

PLAAAK!

"Oh ano nanaman yon?!" Ryle.

"Gabriel!"

Sabay karipas ng takbo ni Claire sa kusina.

"Nayyy type niya yon pustahan!" Ryle.

"Magkano?" Si Chrysler na naglalaro parin.

My Dear AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon