"Woy!!! bilisan mo naman Prixx! Nasilip na eh!!" Masisira na ata yung pinto ng C.R kakakatok ni Cadmus aish."Kaninang walang tao hindi ka pumasok."Loko ka bahala ka mamilipit sa sakit dyan hehe, sarap ng tubig eh hindi ko iniinom ah malamig kase kaya masarap sa pakiramdam.
"Prixx ano ba! Nakakalalaki ka na ah!" Nye nye nye nye manigas ka hehe.
"Cadmus what's wrong?" Oh? Si Magnus?
"Palayasin mo nga yang si Cadmus dito! Mamaya magkalat pa yan sa kwarto namin!"
"Hahahahahhahahaha sa kabilang kwarto may C.R don hahahahhaa bilis! Alis!"
Paglabas ko ay nakabihis na sila, anong meron ngayon? Bahala ka isipin mo. Hehe.Ngayon ko lang narealize na ang laki pala ng bahay na to.
Ibang klase ubos na ni Titus the bastos yung pabango ko." Hoy meron ka namang sariling pabango ba't di iyon ang gamitin mo?"
"Akin yan eh!" Kung isaksak ko sa ngalangala mo to?! Akin to eh.
"Sayo?! Eh ano to?!" Sabay pakita ko ng naka-engrave na pangalan ko sa likod nito.Pina-customize ko kaya to tas uubusin niya lang.
"Kaya nga! Si Cadmus talaga kahit kailan mali mali!" Kawawang Cadmus kakapasok niya nga lang dito sa loob eh.
"Heh!" Cadmus.
*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
Shet ang gwapo niya.
"Angel pwedeng paki-ayos nito?" Gabriel ako na lang.
Kanina pa ako tapos natuyo na nga yung buhok ko kakaantay sa kanila, si Zachiro nakapagprepare na ng breakfast.
Bakit ba hindi ako na-inform na ganto siya ka-attractive kapag naayusan? Bagay na bagay sa kanya yung uniform ng HBA.
Nakakaselos na oo I admit it, may gusto ako kay Gabriel. Hindi ko alam kung kelan siya nag-start.
Basta isang araw pagkagising ko--- tang! Ang corny.Masyado ata akong mabilis, ewan kapag natamaan ka natamaan ka talaga.
Wala akong planong sabihin kina Ryle 'tong nararamdaman ko. Bakit? Hindi ko rin alam.
"Let's go." Tumayo na rin ako at tumingin sa salamin sa huling pagkakataon.
Erase! Erase! Huling pagkakataon? Baka mamaya mamatay na 'ko kaagad wag naman muna.
Baka nagtataka kayo kung kamukha ni Gabriel si Vaughn eh bakit hindi si Vaughn yung nagustuhan ko.
Never pa naming nakita yung pagmumukha nong lalaking yon. Nalaman lang namin kay Nica.
Nuknukan naman ng kabagalan 'tong Zachiro nato kung kumain, siya na lang inaantay namin.
"Mauuna na kami Hiro ah?" Buti pa tong sina Nicleon hindi nahawaan ng kakupadan.
"Sige." Seryoso? Magpapaiwan siya para lang kumain? Matino paba to?
Bahala na aalis na rin kami.Pagkapark namin ay naunang naglakad si Nica, problema non?
Wala na sumunod na naman agad si Gabriel sa kanya, nakita ko pang isinabit ni Gabriel yung braso niya sa braso ni Nica pero mabilis na tinaggal iyon ni Nica.
Kung ako yon aba ayos lang. Hala. Nadali na.
Halos mapahawak ako sa magkabila kong tenga ng magsigawan ang ibang mga babae pagkakita kay Gabriel.
"Puputok ata eardrums ko." Seriously Amaryle? Pumuputok ba yung eardrums?
"Angel bakit sila nagsisigawan? Natatakot ba sila sakin?" Rinig kong tanong ni Gabriel kay Nica.
BINABASA MO ANG
My Dear Angel
Action"I don't know when and how this fucking feeling started but it feels like I don't want this to end." "A-ano po?" What will happen if an Angel meet a Human who hide itself to a Demon? Will they prove that nothing can be an obstacle when it comes to l...