Stufftoy

18 3 0
                                    


Mabilis na pinaharurot ng apat ang kanina-kanilang sasakyan patungo sa kanilang eskwelahan.

Labag sa rules ng eskwelahan ang papasukin ang mga late ngunit ng makita ng guwardiya na sina Nica ito ay mabilis pa sa alas kwatrong pinagbuksan niya ito ng gate.

Elevator na ang ginamit ng apat para makarating agad sa kanilang silid.

Ang kanina lamang ay maingay na silid-aralan ngayon ay parang sementeryo na sa sobrang katahimikan dahil sa kanilang pagpasok.

Akma na sanang uupo si Nica sa tabi ng babae na halata namang bago o sabihin na nating transferee ng bigla nitong nilagyan ng bag ang upuan na sana'y gagamitin ni Nica.

"Miss Ugly sorry to say but this seat was already occupied." Maarteng saad nito kay Nica.

Ikinagulat ng mga estudyante ang inasal nito marahil hindi pa ito nabibigyan ng papel kung saan nakalagay ang impormasyon tungkol sa eskwelahan at higit sa lahat ay ang impormasyon tungkol sa kanilang apat.

Nainom ng kape si Nica nung mga oras na iyon naisipan niyang ibuhos ito doon sa bag ng babae na isinisigaw ang ang brand nitong Channel.

Hindi nakapagsalita ang babae sa ginawa ni Nica, hindi pa ito nakuntento at binato niya ng malakas ang bag nito palabas.

Inilahad ni Nica ang kamay niya kay Chrysler, mabilis namang nakuha ni Chrysler ang tinutukoy ni Nica ibinigay niya ang papel rito.

"Give me more." Saad ni Nica.

"Oh ayan." Walang kagana-ganang sambit ni Chrysler.

Mabilis na isinampal ni Nica ang halos kalahating dangkal ng mga papel ang babae, napaluha na lamang ito sa sakit at pagkapahiya.

"Those papers of ours was made for you, try to read it for your brains to be occupied too." Kinuha ni Nica ang panyo ng babae na noo'y gagamitin sana nitong pamunas sa luha.

Ginamit ito ni Nica na panglampaso sa kapeng itinapon niya inihagis niya ang panyo sa babae at sinabing

"Big girls don't cry." Then she smirked.

"Pffffttt." Pigil na tawa ng mga kaklase ni Nica.

"Y-y-you w-will s-s-surely p-pay f-for t-th-this!!" Mabilis na kumaripas ng takbo ang babae palabas.

Nabangga pa nito ang teacher na papasok.

"Ouch!" Daing nito.

"Walang manners! Kailangan pa atang ibalik sa gradeschool para malaman ang G.M.R.C" Pasigaw na sabi ni Ryle sa babae.

Naghalakhakan ang mga estudyante sa loob.

Nica's Condominium

"Nagugutom na ako ulet." Sabi ni Gabriel na noo'y nakahawak parin sa may T.V

"Hindi naman siguro agad iyon makababalik."

Umalis muna siya sa ganong posisyon at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang refrigirator gaya ng nakita niyang ginawa ng apat nung nandito pa ang mga ito.

Kalkal rito kalkal roon ang ginawa niya hanggang sa makakita ito ng mga gulay.

"Woooooow~"

Manghang tinitigan niya ang mga ito. Kinuha niya ang petsay,kalabasa,sitaw,sibuyas,bawangat kung anu-ano pang gulay roon.

Walang sabi-sabing kinuha niya ang ricecooker sa gilid, ipinatong sa stove at inilagay sa loob ang mga gulay na wala pang hugas-hugas.

Hindi man lang niya binalatan ang ilan sa mga ito o kahit hiwain man lang, kung ano ang itsura nito nung kinuha niya sa fridge ay iyon rin ang inilagay niya sa ricecooker na kasalukuyang nakapatong parin sa stove.

Nakita niya ang mga pampalasa sa isang rack roon ibinuhos niya kung ano man ang makita niya tulad na lamang ng asin,paminta,suka,patis,mantika at kung ano pa ang mahawakan niya.

"Paniguradong masarap itoooo~"

Sambit niya na tila kumikinang pa ang kanyang mga mata.

Ilang minuto na ang lumipas ay wala paring nangyayari.

"Ah! Alam ko na!"

Sinimulan niyang sindihan ang gas stove at.......

BOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!! APOOOOYY!!!!! APOOOOYYYY!!!!"

Tarantang-taranta siya at hindi malaman kung ano ang gagawin, palaki na ng palaki ang apoy na halos sakupin na ang buong kusina.

Pumunta siyang kwarto at kinuha....
Kinuha yung stufftoy ni Nica?!!!

"Waaaaahhhh!!!! Tulungan mo ako! Anong gagawin ko??!!!!"

Tanong niya rito stufftoy ito kaya wala itong reaksyon kundi ang nakangiti lamang.

"Waaaaaahhh!!!!! Wag mo akong ngitian!! Tingnan mo!!!"

Sabay hinarap niya ang stufftoy sa kusinang nilalamon na ng apoy.

"Kita mo na? Kita mo na?!!! Nasusunog!!! Anong gagawin ko?!!!"

Kinakausap niya ang ito at inaalog-alog.

Hanggang sa may sumigaw ng

"Labas!!!!"

"H-ha?! Lalabas ako?! Oo nga no?!! Salamat! Dahil tinulungan mo ako ay isasama kita palabas ililigtas kita!!"

Bitbit nga niya ito palabas, maraming mga tao na ang nabulabog at nagsilabasan ang iba ay nagpapanic na.

"Lahat ng mga nagmamay-ari ng kani-kanilang condo lalo na sa 28th floor bumaba na kayo! Inuulit ko! Lahat ng mga nagmamay-ari ng kani-kanilang condo lalo na sa 28th floor bumaba na kayo! Hindi na ligtas rito!! Lumalaki na ng lumalaki ang apoy!"

Sigaw ng lalaki na nagmumula sa megaphone.

"Baba na tayo hindi na raw ligtas rito." Saad ni Gabriel na hawak-hawak parin ang stufftoy.

Cafeteria

"Abugado ang tatay ng babae kaninang transferee." Pagbasag ni Claire sa katahimikang bumabalot sa kanila.

"Oh? Kaya pala nakapag-aral dito yun eh." Sabi naman ni Ryle.

"What now Nica?" Sunod na sabi ni Chrysler habang ngumunguya.

Wala kang mababasang ekspresyon sa mukha ni Nica, patuloy lang ito sa pagkain niya.

"Ganda mo din talagang kausap eh noh?" Sabat ni Ryle.

"Dark Frostburn Gang!!"

Ikinatigil lahat ng estudyanteng naroroon sa loob ang pagsigaw ng isang lalake.

Nagpupuyos itong inilibot ang mga mata nito sa loob ng kantina

"Siguro kayo yon!! Dahil kayo lang ang hindi tumigil ng sabihin ko ang mabaho niyong pangalan!!"

Nagtigang ang bagang ni Nica sa sinabi ng lalake.

"Ikaw!"

Turo ng lalake kay Claire.

"Ikaw yung nanakit sa girlfriend ko! Ang tapang niyo naman ata? Eh mga babae lng naman kayo!"

WOAH!!

Nagulat ang mga estudyante sa sunod na ginawa ng lalaki.











A/N: I Love You.

My Dear AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon