CHAPTER 10: I THINK, I LIKE HER.

161 5 0
                                    

[MERRIEL'S POV]

Antumal ng araw ko ngayon. Quarterly Exams namin ngayon, kaya half day lang kami. Nasanay akong laging dumidiretso sa bahay ni Bespren Eunice pagtapos ng Exams pero ngayon, di ko na yun magagawa dahil wala na sya dito. 

"Merriel! Merriel! Merriel!" Sa sobrang lalim ng iniisip ko habang naglalakad, di ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Grae.

"Oh? Ikaw pala. Bakit Grae?" Walang kasigla sigla kong sinabi.

"Mall tayo?"

"Ayoko. Pagkakaguluhan ka lang dun."

"Arcade?"

"Nope. Sa Mall din yun eh. Pinagloloko mo ba ako?" Tumalikod na ako sa kanya at nagsisimula nang maglakad.

"Hey Merriel! Eh, lunch? Kahit dyan lang sa pinakamalapit na McDo. Please? Gutom nako. Sige ka! Pag ako pumayat, well, payat naman na talaga ako." Somehow, he made me smile. Naku! Di ko talaga sya matanggihan.

"Sige na nga. Pero libre mo ah? Taralets!" Sinabayan na nya ako sa paglalakad hanggang marating namin yung pinakamalapit na McDo dito. Walking distance lang naman talaga.

"Anong order mo?" Tanong nya.

"Kahit ano." Umupo sya ulit at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Dear Merriel, wala po silang pagkaing 'kahit ano' kaya pinapasabi ng libo libong Grae sa utak ko na wag ka nang malungkot dahil andito para sayo si Grae Cameron Fernandez. Pahabol sulat, ikaw na daw bahalang magconnect ng mga sinasabi ko kanina." Tinanggal na nya yung mga kamay nya sa pisngi ko. At pasimpleng, ngumiti para man lang sumaya ako.

"Large fries, coke float, chicken burger at sundae po Mr.Fernandez. Sainyo po? Anong gusto nyo?" May nakita akong 'glow' sa mukha nya nung medyo sumigla yung boses ko.

"Hintayin mo ako ah?" He went to the counter to order our food. Habang hinahantay ko sya, di ko pa ring maiwasang mag-isip kay Eunice. Shemenay, talo ko pa si Nash ah -.-

"Merriel?" Nagulat ako dun sa babaeng tumawag sakin.

"Eleika?"

"Merriel! I never thought na dito tayo magkikita! Kamusta ka na?"

"Okay lang naman. Have a seat." She's Eleika Cyrille Clemente. Naging bestfriend ko sya dati, pero dati yun.

"Sino kasama mo?"

"I'm with my classmate, Grae. Ikaw? Akala ko ba nasa Paris ka ngayon?"

"My Dad has a business proposal here kaya we took a short vacation muna."

"Ah." Medyo ilang na ako sa kanya. Duh! Kahit bestfriends kami dati, I still didn't know the real her. She have problems with her attitude.

"Merriel, eto na order mo." Biglang napatingin si Grae kay Eleika. Shz, kainis 'tong si Eleika! Certified Headturner -.- Pero wag nyang subukang pati si Grae, ayt! Ewan -.-

"Ehem. Thank you Grae." Napatingin sakin si Eleika, siguro alam nya kung ano ang gusto kong sabihin.

"Uhm, nakakaistorbo na ata ako. Anyways, goodbye Merriel! Hope to see you again." Umalis na si Eleika at kumain na kami.

"Who is she?"

"She's Eleika. Old friend. Are you interested sa kanya?" Diniretso ko na si Grae.

"Hahah. Ako? Interesado dun? Hahah. Hindi noh! Mukha syang sophisticated. At ayoko sa ganung klase ng babae. Gusto ko yung simple lang. Tulad ng nasa harapan ko ngayon." Eh? Bumabanat na naman sya. Please welcome, Ang Boy Banat ng Gimme5, Grae Fernandez!

"Asus. Banat mong mais! Kumain ka na nga lang! May pupuntahan pa tayo, 2pm pa lang naman eh."

"Saan?"

"Basta! Wag na madaming tanong." I smiled, he smiled too. These little things make my day. Kahit napakasimple lang, basta't masaya ang mga tao sa paligid ko, masaya na din ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Upon A Star (Gimme 5 Fanfiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon