Maaga akong pumupunta sa school para abangan ang crush ko, Crush kong nasa kanya na ang lahat.
Mabait na, may magandang ngiti, mapupungay na mga mata at higit sa lahat ubod talaga sya ng ganda.
Sino nga ba sya?
Siya si Richie Reyes.
Simpleng babae na agad na naka pukaw ng atensyon ko. Matalino at gaya nga ng sabi ko nasa kanya na ang lahat.
Ako?
Sino nga ba ako para mabigyang pansin nya?
Ordinaryong lalaki lang na nag mamahal ng palihim sakanya.
Siguro yan lang ang kaya kong I describe sa isang tulad ko.
Oooopps.
Ako nga pala si Darren. Darren Santos.
Ang Dakilang Stalker ng Babaeng mahal ko.