Stalker 1

270 9 0
                                    

Darren Santos

"Asar naman oh."

Napakamot ako ng ulo habang naka simangot na tumingin sa dala-dala kong DSLR kung saan may kuha mula roon ang pag daan ng bus.

Maaga akong gumising para pumunta sa school, nag ba baka sakaling maabutan ko si Richie, ang babaeng nilalaanan ko ng buong puso ko.

Ilang beses ko ng ginagawa to, ang maagang pumasok para mahabol ang schedule nya. Sa hapon naman Ay naka toka sya sa isa sa mga cafeteria sa school. Always akong dumadalaw doon mamasdan ko man lang sya.

Pero gaya nga ng nangyari ngayon, sa tuwing hinahabol ko sya at kukuhanan ng litrato Ay bigla na lang may hihirit na sisira sa plano ko.

Wala akong masamang intensyon. Taga hanga---sobrang hanga ako Kay Richie. Feel ko nga hindi ko na lang sya basta Crush. Mahal ko na ata sya.

"Bat naka simangot ka?" Akbay tanong saakin ni Bret ng papasok na ako ng campus.

"Wala." Sabi ko pero dahil alam kong hindi sya naniwala sa sinabi ko ay bigla na lang nyang inagawa ang camera na hawak ko at sinuri iyon.

"Patingin ah." Ano pa ba magagawa ko? Malakas na tumawa ito at ibinalik saakin yung camera. Nanlumo ako ulit at nag patiuna nang nag lakas. "Oy grabe. Hangang ngayon ba wala paring magandang angulo?" Tukso nya saakin.


"Minalas lang ata ako." Umakbay syang muli saakin.

"Hindi ka basta minalas lang, Malas ka lang talaga." Tumawa na naman to ng napaka lakas. Hindi ko na lang sya pinansin at iniwan na sya.

Bakit sa lahat ng pag kakataon wala akong nakukuha sakanyang picture? Hindi naman ako masamang tao para hindi pag bigyan ey. Gusto ko lang na may maitago ako kahit na isang larawan nya.

Pero dahil matyaga ako. At nag titiwala ako na kung may tyaga, may nilaga. Kaya pag tatyagahan ko.

"Hays. Nakakapagod na araw to." Sinipat ko ang relong pambisig ko. "5:40 ayos aabot pa ako sq next stop bus." Nag madali na akong nag lakad.

Uuwi akong hindi mapalad, wala akong nakuhang picture ni Crush, siguro pag tityahan ko na lang yung dinownload ko na picture nya gali g sa Facebook na talagang tinatago-tago ko. Sya kasi ang lakas ko sa araw-araw. Sya ang reason kung bakit active ako sa school para mapansin man lang nya pero hindi nya talaga ako napapansin kahit tabunan na ako ng medal at certificate of recognition.

Napa sandig ako sa poste sa waiting shed at tumingala sa nag sisimulang dumilim na kalangitan.

"Kung may lakas lang ako ng loob na mag tapat sakanya di sana ginawa ko na." Bumuntong hininga ako na syang pag stop ng bus sa harap ko at umakyat na ako at pinili ko ang pinaka dulo kung saan yung ang favorite spot ko sa pag upo. Natuon ang pansin ko sa labas.

"Siguro umuwi na sya." Bumuntong hininga ulit ako.

Hindi nag tagal ay narating ko na ang apartment ko. Oo tumitira ako kasama ang mga kaibigan ko--kung matatawag pa ba sila na kaibigan sa lahat ba naman ng kalukuhang ginagawa nila sa buhay.

"Akin na yan!"

"Hoy patingin din!"

"Ako rin. Ganda!!!"

Napakunot ang noo ko sa sigawan muli sa loob ng kwarto, inalis ko ang sapatos ko at tinungo kung saan na naman nag iingay ang kaibigan ko---


"Hooyy!" Halos manlaki ang mga mata ko at mabilis na tinungo ang kinaroroonan nila. "Akin na yan." Isa isa kung kinuha ang mga litrato sa kamay nila.

"Ay grabe ang damot."

"Dumating na pa ang dakila." Tawanan sila habang isa-isab kong ibinalik sa mala Pandora box ko ang mga litrato ni Richie.

"Ang dakilang stalker." Tawanan na nama sila back ko sila hinarap.

"Pag napunit ang isa man sa kanila, pupunitin ko rin mukha not." Nag tatampong sabi ko.

"Wow Ren, hangang ngayon ba naman?" Sabi ni Mike.

"Hayaan nyo na si Ren, ganyan talaga pag nag bibinata na." Suway sa kanila ni Bret. Inirapan ko silang tatlo at itinago na muli sa kabinet ang Pandora box ko.


"Kailan ka aasa na mapansin ka nya?" Tanong ni Lukas.

"Hangang sa pumuti na ang buhok nya." Tawang-tawa na Sabi ni Mike na ikina iling ko.

Paano ko ba sila naging kaibigan? Limot ko na ata, sila ang bully sa pinaka bully na taong nakilala ko.

"Gusto mo kasi ang gumawa ng move?" Mabilis na umiling ako sa suwestiyon ni Lucas.

"Wag na." Baka ano pa ang kalabasan ng itutulong nila.

"Sigurado ka? Teka parang wala ka namang tiwala sa amin ey." Nag tatampong Sabi ni Bret.

"Hindi. Hindi na kailangan." Sabi ko ulit.

"Hoy hoy. Wala lang tiwala noh?" Duro saakin ni Mike.


"Hindi sa ganon--"

"Tse!" Sabay nilang sabi kaya napa buntong hininga na lang ako.

"Okay. Okay." Bigla-bigla ay hinila nila ako at inkbayan nila akong tatlo.

"May plano ako." Sabi ni Lucas. Hinila nya ako at may kinuha syang scrapbook at binigay Yung saakin.

"Ano yan?" Sabay na Tanong namin sakanya.

"Scrapbook.. Naturingang honor student, bobo lang?" Nailing na lang ako.

"Ey para saan yan?" Tanong naman ni Mike.

"Bat matanong ka?Ikaw ba gustong mag ka love life dito?" Angal ni Bret.

"Tama na." Sabi ko. "Ano ba kasi to?" Tanong ko.

"Dyan sa scrapbook na yan naka lagay ang mga first move para mag ka love life ang isang tao." Napangiwi ako.

"Seryoso kaba?" Tanong ko at bbinatukan naman na nya ako.

"Buksan muna kasi." Bumuntong hininga ako at wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nya.

Plan #1. Give her a smack kiss.

Napanga-nga ako at matalim na tingin ang binigay ko sakanya.

"Wala na bang ibang way?" Umiling sya.


"Wala. Pa bebe ka pa ba?"

"Haay! Kung anu-ano pinag gagawa mo Lucas ey." Itinapon ni Mike ang scrapbook nitong at hinarap kami. "Ito ang sundin mo."

"Siguraduhin mo lang Mike." Banta ni Bret.

"Basta. Plan #1. Shout her name." Parang nahilo ako higla sa mga suggestion nila. "Hoy makinig ka nga." Inuyog-uyog nya ako. "Bukas ng umagaw. Aabangan natin sya at doon sa Business Ad building isisigaw mo--"

"Teka ako lang ang sisigaw?" Kinabahang tanong ko.

"Wag kang mag aalala. Nandito kami karamay mo." Tapik nila sa balikat ko.

Siguraduhin lang nila na hindi ako mapapahiya. >__________< .

Ang Dakilang Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon