Stalker 3

154 7 5
                                    

Darren Santos

"Ready for the next plan?"

Biglang sabi ni Bret habang nag lalakad ako palabas ng school. Nasa likod sila Lucas at Mike na kumaway saakin. Nailing na lang ako.

"Hey. Ano ba?" Pukaw saakin ni Bret.

"Dami na nating nagawa pero hindi nya parin ako napapansin." Sabi ko na lang.

"Gago ka talaga." Batok saakin ni Bret. Lumapit yung dalawa saakin.

"Anong nangyari?" Takang tanong ni Mike.

"Tong si patotoy mo nawawalan na naman ng bayag." Natawa si Lucas at inakbayan ako.

"Pinag sasabi mo dyan, Bret." Sabi ni Lucas at hinarap ako. "Ikaw naman ano ba yang pinag sasabi mo?"

"Ey kasi naman.." Napa kamot lang ako ng ulo.

"Itlogan kita dyan ey." Sigaw ni Bret. Nag tawanan sila kaya kahit napaka weird natawa narin ako sa mga ginagawa at pinag sasabi nila.

"Oo na! Oo na! Ano bang next plan?" Ngumiti si Bret proud na kumindat saakin.

Plan 3: Be close to her.

"Teka mukhang mahirap naman ata yan--" Tinakpan ni Lucas ang bibig ko.

"Basta gagawin mo." Napa buntong hininga na lang ako sa mga pinag gagawa nila.

Kung ano mang kalalabasan nito at least nag try kami. Hays. Kailan pa kaya ako masasanay sa tatlong ito.

Hindi pa man kami nakaka layo sa school nakita na namin si Richie kasama ang isang babae--siguro kaibigan nya ito. Naka ngiti sya at gaya nga ng palagi kong ginagawa sa tuwing naka titig sa kanyang mga ngiti, feel ko nasa langit na naman ako.

"Jackpot mo nandito na pala sya sa labas." Sabi ni Lucas.

"So ready kana?" Napa kunot ang noo ko at nilingon sila.

"Ano naman gagawin natin?" Tanong ko.

"Simple lang. Susundan natin sya." Nanlaki ang ma mata ko sa sinabi ni Mike. "O Bakit?"

"Bakit natin sya susundan? Masamang gawain na yung susundan natin sila--" Tinakpan ni Lucas ang bibig ko.

"Babayagan ko na talaga ang Darren na yan ey." Inis na sabi ni Bret na ikina tawa ni Mike.


"Wala naman masama kong susundan natin sila diba?" Sabi pa ni Lucas. Lumayo ako sa kanila.

"Ayoko." Sabi ko at nag lakad palayo pero hinila nila ang bag ko pabalik sa ka nila. "Ano?"


"Wag kang mag aalala. Nandito kami." Kahit anong pilit kong kumawala hindi ko magawa. Tatlo laban sa isa? Hays ano ba tong pinasok ko.

At gaya nga ng plano, sinundan namin sila. Pikit matang humihiling na sana wag kaming karmahin sa ginagawa namin. First time kong gawin to, ang sundan si Richie saan man pumunta.

"Ano Mike? Na ready mo na yung pinapa ready ko sayo?" Tanong ni Lucas. Sumaludo naman si Mike at ipinakita yung Malalaking emojies saamin.

"Para saan yan?" Gulat na saad ko.

"Props." Naka ngiting sabi ni Bret. Napanga-nga pa ako.


"Props para saan?" Inirapan ako ni Mike.

"Basta sumunod ka na lang. Oh kunin mo to." Binigay nya saakin yung emoji na may heart sa mata tapos Kay Lucas yung smile, Kay Bret yung laugh at Kay mike yung may kiss heart. Napa hilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. Sigurado ba ako na mga astig na banda tong kasama ko?


"Tara tara na.. Baka maka layo pa ang future mo." Nag pa tianod na lang ako sa hila ni Mike.

Nakita namin na kumuha ng camera si Richie at itinutok nya iyon sa kaibigan na naka pose na.

"Para saan ba to!" Tanong kong muli.

"Basta tiwala lang." Tapik ni Bret saakin.

"Ready na guys." Sabi ni Mike. Nakita kong nag selfie na yung dalawa tapos ay hinila ako ni Lucas at nag pose sila mula sa likod hawak ang emojies nila. Saan mang angulo hindi nila pinalampas.


Hiyang-hiya ako sa ginagawa namin pero kalaunan napapangiti na lang ako habang nakikita kong nag e-enjoy ang mga gago sa ginagawa nila.


"Tago-tago dali." Mabilis na nag tago kami sa sulok. Halos pag kasyahin namin ang sarili namin doon ng lumingon-lingon si Richie at kaibigan nya.


"Lagot, baka na pansin na nya." Nahihintakutan na sabi ko. Binatukan ako ni Bret.

"Yung nga maganda para mapansin ka na nya. Atsaka hindi ka makikilala doon, suot mo nga yang emojies mo ey." Naiiling na sabi nya.

"Naturingang honor student di nag iisip." Tawang-tawa na sabi ni Mike na ikina nguso ko. Minsan gusto ko pasakan ng bato tong bibig ni Mike ey.

"Tingnan mo nakangiti na naman si Future mo." Tulak saakin ni Lucas. Sumilip ako at totoo nga. Hindi ko mapigilang wag ngumiti. "One..two..three--"

"Woooii!" Tinulak nila ako at kulang na lang matumba pa ako pero agad na naitakip ko ang emoji sa mukha ko, tumingin sa kinaroroonan ko si Richie at kaibigan nya kaya na hot seat ako bigla. Kumaway na lang ako sa kanila at dali-daling tumakbo palayo mula doon, kinabahan ako, pinapawisan ako, para akong babae na kinikilig.


"That's my Boy!" Dinig kong sigaw ni Lucas. Walang lingon-lingon basta tumakbo na lang ako alam ko naman na nakasunod saakin yung tatlo.

Saka ko ininda yung pagod ko kakatakbo ay nung marating namin yung apartment namin. Hinihingal kami, nag katinginan kami saka tumawa nang malakas. Okay na. Okay na. Pero na sulyapan ko sa salamin iyong suot namin.


"Patay." Bulong ko. Naka uniform kami, tiyak na may ideya na si Richie. Umakbay si Mike.

"Wag kang mag alala tibay at lakas ng loob lang ang kailangan." Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa na lang kami na para bang wala ng bukas.

Hays pag-ibig nga naman. ^______^ .

Ang Dakilang Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon