Richie Reyes
"HIHINTAYIN KITA!"
Mga katagang nag palakas ng tibok ng puso ko, yung tipong hihikain ako kakahabol ng hininga ko. Hindi ako prepared para dito. Hindi ko mapigil ang kagalakan ko at the same time ang kaba sa puso ko na walang humpay.
Si Darren? Ang lalaking iyon. Kinausap na naman ako? Pinag pala ba ako sa araw na ito?
Hindi ko maiwasang wag mag isip ng kung anu-ano sa kakaibang nang yayari sa buhay ko ngayon. The last time I check, pumunta ako rito dahil sa imbitasyon ng isang sikat na banda sa school namin at halos kumalabog bigla yung dibdib ko nung may lalaki akong nakitang naka suot ng emojies shirt.
Ilang araw na rin akong nakakapag isip ng kung anu-anong bagay dahil sa mga paulit-ulit na pag papadala saakin ng isang hindi ko kilalang tao. Nag Simula yun nung nasa library ako. Paulit-ulit akong nakaka tanggap ng C2 na may kasama pang emoji sticker. Ang cute.
Yung araw na napadalaw saakin ang kaibigan kong si Thalie at habang nag lalaka kami dama kong may sumusunod saamin, kaya naisipan kong mag kunwaring gagamit ng camera para makuhanan ko ng litrato mula sa likod ko and to my surprised. Mga taong naka pang emojies maskara pala iyon. Nawala ang takot ko, parang tuwang-tuwa ako sa mga nakukuhanan ko ng litrato.
Yung rain day. Matagal akong naka tambay sa cafeteria para mag hintay ng pag tila ng ulan pero bigo ako, wala akong dalang payong ng mga araw na iyon at ng pag labas ko himala na lang na may nakaiwan ng payong mula roon. I tried to open it at mas lalo akong namangha ng makita kong punong-puno iyon ng emoji stickers. Sa sobrang tuwa ko medyo nakalimutan ko na yung daily routine ko sa araw-araw. Ang sundan at mag nakaw ng litrato sa lalaking mahal ko.
Inipon ko lahat lahat ng mga emoji stickers na natanggap ko para kung sakaling makilala ko ang taong nasa likod nito ay masabi ko sakanya yung sayang naidulot nya saakin. Ganito pala yung feeling na may stalker karin pero imbes na matakot ako, feel ko safe naman ako dahil alam kong naka sunod lang ito saakin.
"Waahh! Ang gwapo ni Bret."
"Akin kana lang Mike!"
"Lucas baby!!"
Napa silip ako mula sa nag kukumpulang mga estudyante sa loob ng gym. Mulhang huli na ata ako ng dating dahil punong puno na iyon, ano pa ba ang aasahan ko? Sikat ang The Kings sa school pati sa labas ng school dahil sa mga gigs nila araw-araw. Buti na lang normal na tao lang yung lalaking gusto ko at least kahit papaano wala akong kaagaw.
"Hello everyone!" Si Bret iyon dahil sya ang vocalist ng grupo. Nag sigawan ang mga estudyante kaya napa ngiwi pa ako.
Teka saan na ba yung Darren iyon? Hihintayin nya ako sa gym? Pero wala naman na sya dito---
"We have friend--new found best friend who truly madly deep in love with a woman--a beautiful woman in this school." Napuno ng bulong-bulungan ang mga estudyante sa sinabi ni Bret. "We're here to help him to confess his true feelings with that girl.." Biglang nag ka spot light yung nasa gilid kung saan nakatayo mula roon si Darren. "Tol, tibay at lakas ng loob ang puhunan." Natatawang sabi ni Bret.
Ako? Kinakabahan ako. Bakit? Bakit nandoon sya? Bakit nandoon si Darren? May icoconfess sya sa babaeng mahal nya? Bakit kailangan ko pang makita iyon? Masasaktan lang ako---
"Hi." May hiyang simula nya. Ako naman feeling ko madudurog ang puso ko. "Ako si Darren, may babae akong minamahal. Torpe na kung torpe pero hindi ko talaga magawang umamin o gumawa ng moves man lamang." Nag tawanan ang mga estudyante. Ako? Naka titig lang sakanya. Susulitin ko na yung sakit. "Lalaki ako. Pero bakit ang hina ko at hindi ko man lang kayang kausapin sya? Siguro kasi maganda sya? Siguro dahil nakaka bighani yung ngiti nya? Nahihiya ako baka mapag kamalan pa akong tanga pag lumapit ako sakanya." Bumuntong hininga ako. "Dahil sa pagiging hari ng torpe, nakilala ko ang tatlong ungoy na to." Nag sigawan sila. "Tinulungan nila ako para mapalapit sayo.." Tumalikod na ako as I ansakit na. "..Sayo Richie.." Na tigil ako lalo na nung matungo sa kinatatayuan ko ang spot light. "..Richie Reyes."